Pagkatapos ko na maghanap ng mga gamit na maaaring ibenta ay inilagay ko na ang mga iyon sa paper bag. Marami-marami na ang aking mga nahanap, ang ibang mga damit at sapatos ay maliit sa akin. Mga regalo ito ng mga tita at nagpaalam naman ako na isasama ko ang ibang mga damit ko na bigay nila na hindi na kasya. Habang nagtutupi ako ay napatingin ako sa ibabaw ng lamesa sa aking gilid. Ang cellphone na bigay ni Sancho ay inilagay ko doon. Mamaya ko iyon ibibigay kay Cai at sana lang ay wala na siyang marami pang tanong dahil baka masabi ko rin sa kaniya ang totoo. Tiyak na hindi siya matutuwa. Kaso, temporary lang naman ito, kung nais niyang bumili ng kaniya talaga ay isauli na lang niya ito sa akin, sa ngayon na habang wala ay ito na muna ang gamitin niya para sigurado rin kami sa kaligt

