“Pasok." Maliit lang ang awang sa pinto ng aking silid nang silipin ko si Sancho. Nakatayo siya sa labas at hinihintay na tawagin ko. Napagpasyahan ko na dito na lang kami mag-usap dahil ayoko nang umalis pa ng bahay. "Are you sure? we can talk outside and--" "Dito na lang," sagot ko sa kaniya at nilakihan ang bukas sa pinto. Pagkapasok niya ay nagsalita akong muli ngunit mas mahina. "Baka saan mo pa ako dalhin." Ang simangot kong mukha ay nakatingin sa kaniyang likod. Maliit lang ang silid ko pero maayos naman at kaya siya naghintay sa labas kanina ay dahil tiningnan ko muna kung maayos ang kwarto ko at walang mga kalat. "Diyan ka maupo sa sofa na iyan," turo ko sa nag-iisang upuan sa aking silid. Hindi naman siya nag-aksaya ng oras dahil kaagad na sinunod ang aking sinabi. Magka

