Sa ganoong tagpo ay naabutan kami ni Cai. Napatigil siya at nagkatinginan kami. He licked his lips. Parang nagdalawang isip pa siya pero lumapit na rin sa amin at hinagod niya ang likod ng tita. "Kung may... kung may maitutulong po ako sa iyo ay sabihin ninyo lang po sa akin." Tumayo na ang Tita Amor at ang sunod niyang niyakap ay si Cai. "Maraming salamat rin sa iyo, Cai," humiwalay ang tita at hinawakan sa mga braso si Cai. "Maraming salamat sa inyo ni Lili, salamat rin sa bakasyon na ito dahil sobrang tuwa ang ibinigay mo sa amin. Isasantabi ko na muna ang problema ko kay Amy at huwag na nga muna natin intindihin ang anak ko na iyon, tama si Lili, sa isang linggo na bakasyon natin na ito ay dapat mag-enjoy lang tayo." Nagkatinginan kami ni Cai at nang ibalik muli ang mga mata kay T

