Hindi pa kami masyadong nagtatagal ay punong-puno na ng tawanan ang buong yate. Nagkayayaan na libutin ng mga tita ang buong lugar, kabado pa nga sila sa pagpasok sa bawat silid at paghawak ng mga kagamitan dahil sa tantiya nila ay napakamahal ng mga iyon. Iyong 'breakfast' rin namin kanina ay mukhang mamahalin pa. Hindi normal sa aming paningin ang luto. Ang sabi ni Cai ay pa-welcome daw iyon sa amin ng kaniyang dating boss. Nakakatuwa naman rin dahil nga ipinagkatiwala itong yate sa kaniya. Nag-iwan pa ng dalawang security guard na magtitingin sa amin. Parang espesyal na panauhin tuloy ang aming pakiramdam. Tuwang-tuwa talaga ang mga tita, hindi ko na nga maialis sa kanila ang aking tingin. "This is life. Ito ang buhay. I am so happy. Ang saya ko," sabi ng Tita Gemini. "Tinuan mo nga

