Bigla ay nasamid ako sa sinabi ni Kico. Natawa siya at hinimas ang aking likuran. "Hindi ko pa nararanasan iyan, eh, kasi NBSB nga ako. Share mo naman iyong feeling." Naramdaman ko naman ang pag-iinit ng aking buong mukha nang marinig pa ang mga sinabi niya. Naalala ko bigla iyong tagpo at mga nangyari sa amin ni Cai sa apartment. Tumaas ang aking mga balahibo. "Cute!" sabi pa niya at kinurot niya ako sa pisngi. "Sayang, mukhang last kita na natin dito. Pero sana sa Pinas magkita pa tayo--" "Kico." "Ay, Boss!" Hindi na ako nakapagsalita pa dahil lumapit na siya sa boss niya nang tawagin siya nito. Si Cai naman ay naglakad pabalik at ngayon ay nasa aking harapan na. Pinakatitigan niya ang aking mukha at hinaplos ang aking pisngi. "What happened? pulang-pula ang mukha mo," sinalat n

