"Mali ata tayo ng lugar na napuntahan." "Oo nga, eh. Hindi ata dito iyon." "Pansin ko nga rin. Parang hindi naman ito private resort." "Pero, ang sabi ni Cai ay dito." "Aba, alamin na at baka may humuli sa ating pulis mukhang mafia pa naman ang may-ari ng lugar na ito. Pang mayaman ang datingan. Baka pakitaan tayo ng mahabang baril at paputukan hihi." "Gemini!" Napangiwi ako sa sinasabi ng mga tita. Kahit ako ay nagulat nang makarating kami sa lugar na sinasabi ni Cai. Ang sabi niya ay private resrots pero nandito kami sa port at nasa harap kami ngayon ng isang malaking yate. May initials na GAL iyon. Napakalaki talaga. May mga speed boat din sa paligid na parehas ng initials. Mukhang ang lahat ng mga narito ay iisa lang ang may-ari. "Akala ko sa resort na tayo. Dapat pala hindi mun

