"Alriss..." Lumayo siya sa akin at ngumiti. Naiintindihan ko ang kaniyang nararamdaman pero hindi ko talaga kayang ibigay sa kaniya yung pagmamahal na nais niya. Malinaw na, una pa lang kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya naging tapat ako pero ang sakit lang rin na hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya. Nahihirapan ako na makita siyang ganito. Nasasaktan sa mga salitang binibitawan niya. Alam ko na napakabuti ni Riss. Nariyan siya palagi para sa akin, sa amin ng mga tita at handang tumulong. Pero, hanggang kaibigan na lang talaga... h-hanggang doon na lang. "I'm sorry, Lili. Ang gago ko lang, ngayon ko na-realise lahat ng ginawa ko. Sa iyo… k-kay Cai,” tumawa siya at umiling. Naihilamos niya ang kamay sa kaniyang mukha at tumalikod sa akin. "Siguradong nagbago ang tingi

