Napailing na lang ako at lumapit sa kanila. Binati ako ni Cardo, nang sikuin niya si Cai ay hindi ito nag-angat ng tingin. Problema nito? okay naman siya kaninang umaga nang maghiwalay kami. Sayang-saya siya sa pagkain ng leche flan niya. Tumulong na lamang ako sa kanila sa pag-aayos at hindi na pinansin pa ang naga-attitude na si Cai. Nang magbukas ang bar ay hindi pa rin ako nito talaga pinapansin. Naninindigan sa inis! Aba, hindi ko rin siya papansinin. Wala naman akong ginagawa sa kaniyang masama. Naging abala na lang ako sa trabaho, hindi ganoon karami ang customers sa gabing ito kaya paupo-upo at palibot-libot lamang ako. Wala rin naman nagpapa-assist or follow ng orders. "Sembravi stanca, Lili (you looked tired, Lili)" ngumiti ako kay Novo ang isa sa mga bartender ni Riss. "Un

