Cassithie Lhei Alvez "Cassi, call sa room 105." "Cassi?" Mahihinang tapik ang aking naramdaman. Naidilat ko ang aking mga mata at antok na antok na napatingin kay Tami may hawak siyang blood pressure monitor at mukhang magra-rounds na siya. Kaagad akong tumayo at pinalis ang mga buhok na dumikit sa aking kaliwang pisngi. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. "Mukhang magpapatulong si Gwaps, gusto ko sana na ako kaso magtuturok na ako ng gamot sa mga nasa 107. Puntahan mo na," sabi niya sa akin habang paalis. "Sige-sige, salamat, Tami." Naglakad ako papunta sa room 105. Malapit lang naman dito sa nurses' station ang room niya kaya kung may ipapatulong o gagawin ay nagagawa ko naman kaagad. Sa lahat kasi ng nandito sa ward ay siya lang itong walang kasamang pamilya. Kawawa naman.

