Chapter 1

1059 Words
Chapter 1 Male-late na ako! May quiz pa naman kami ngayong umaga! “Lili! Sumakay ka na dito sa likod ng handtractor kaysa maglakad ka! Doon din naman ang gawi ko malapit sa paaralan ninyo!” Napalingon ako sa boses ng kapitbahay namin at nakita ko siya sa kabilang kalsada habang kumakaway sa akin. Mukhang paalis na rin siya, mayroon din siyang sakay na dalawang bata na mukhang papasok na rin sa skwela. “Kuya Banjo! Hala, sige nga po!” sabi ko at tumawid at pagkatapos ay sumakay sa likod ng handtractor. Pagkaupo ko ay tiningnan ko ang loob ng aking bag upang masiguro na ang mga ginawa kong takdang-aralin kagabi ay naroon. “Tamang-tama lang ang labas mo ng bahay ninyo, Lili, paalis na din kami nitong mga pamangkin ko. Kamusta na nga pala ang tatay mo?” tanong ni Kuya Banjo sa akin. Napaangat ang tingin ko sa kaniya sandali at muli ring ibinalik ang aking paningin sa loob ng aking bag. “Umaayos na po ang lagay ni tatay, Kuya Banjo. Kayo po? Kamusta ang mga tanim sa bukid? Marami na naman daw pong mga peste, sabi ni Mang Isko.” Sabi ko. Nang masiguro kong kumpleto ang aking mga gamit ay isinara ko na ang zipper ng aking bag. Hindi ako maaaring magpabaya sa pag-aaral, nasa ikaapat na taon ko na sa sekondarya at sa susunod na taon ay tutungtong na ako ng senior high. Kailangan kong ingatan ang aking pag-aaral para sa pangarap ko sa aking pamilya. “Naku, sinabi mo pa! Ito nga at maglalagay na naman ako ng mga pamatay peste sa mga tanim ko, marami na nga akong nagagastos sa mga pamatay peste, pero padami pa rin ng padami ang mga salot sa pananim.” Sabi ni Kuya Banjo. Dating mamimitas ng kalamansi at mananananim ng palay ang tatay kila Kuya Banjo, malaki rin kasi ang kanilang bukirin at maraming tao ang kinakailangan nila tuwing anihan at dati ay nakikipamitas ang tatay at nakikitanim ng palay para kahit papaano ay may pang gastos kami sa araw-araw. Ngunit noon iyon, hindi na kasi maaaring maglalabas ang tatay dahil sa sakit na tuberculosis, ilang taon na at hindi pa rin siya gumagaling kaya’t mas nagsisikap ako. “Sana naman po ay mawala na ang mga peste para hindi po lugi, nagmumura na nga din daw po ang presyo ng mga gulay sa palengke, kawawa naman po ang mga magsasaka kung patuloy iyon pagkatapos ay pinepeste pa. Wala na pong matitira sa kita baka abonado pa.” Sabi ko. Kahit maingay ang hentractor ni Kuya Banjo ay sige pa rin kami sa pag-uusap. “Sinabi mo pa, Lili, hindi ko na nga rin alam ang gagawin ko. Ang nakakalungkot pa ay naiisipan na namin ng aking asawa na ibenta sa mga De Costales ang bukid at mag-isip na lang ng ibang negosyo dahil nalulugi na rin kami sa pagtatanim at wala nang masyadong kinikita. Ang mamahal pa ng mga gamot pamatay sa mga peste.” Nang marinig ko ang apelyido ng De Costales ay naalala ko ang pangarap ko na magkaroon kami ng sariling bukid dito sa Karmona. Halos lahat kasi ng lupain, malawak na taniman ay sa kanila. “Mayayaman po talaga ang mga De Costales, ano po, Kuya Banjo?” tanong ko. “Abay, oo naman, Lili! Malawak na tunay ang lupain ng mga De Costales dito sa atin, at hindi lang iyon sa kabilang mga barangay din o kahit sa kabilang probinsya ay mayroon silang mga lupain. Ang alam ko rin ay marami silang pagmamay-ari na building sa maynila at maraming mga negosyo. Hay... sana ganoon din ang buhay natin, hano? Iyong hindi na iniisip kung paano kikita ng pera. Sila, tingnan mo, hindi na siguro nila alam kung saan ilalagay ang kanilang mga pera.” Sabi ni Kuya Banjo at sinundan nito iyon ng tawa. Mahigpit ang naging paghawak ko sa aking bag. Sana nga... sana nga lahat na lang ng tao ay hindi na kailangan maghirap, sana lahat ng tao ay may sapat na pera pambili ng pagkain at mga gamot. “Lili, andito na tayo sa tapat ng paaralan ninyo.” Napatingin ako bigla kay Kuya Banjo at tama nga siya, narito na nga kami sa harapan ng paaralan ko. Nawala bigla sa isip ko na mahuhuli na ako dahil sa pag-uusap namin. Dali-dali akong bumaba sa likod ng hentractor at pagkatapos ay nagpasalamat kay Kuya Banjo. “Maraming salamat, Kuya Banjo!” sabi ko at kumaway habang papaaalis na ang hentractor ni kuya. Madali akong pumasok sa school, wala akong tinginan ng oras kaya’t hindi ko alam kung anong oras na. Sana naman ay hindi pa ako huli. “Lili!” Napalingon ako sa tumawag sa akin. Napahinto ako sa pagtakbo nang makita ko si Jenny. Siya ay kaibigan ko, malapit lang rin sa aming purok. “Uy! Bakit nandiyan ka pa? May quiz tayo sa algebra!” sabi ko sa kaniya. Naglakad ako palapit kay Jenny at humalukipkip ako sa kaniyang harapan. Nakaupo pa kasi siya rito sa may pahingahan ng mga mag-aaral. “Hala siya! wala si ma’am! Hindi mo ba alam? In-announce niya kahapon na hindi daw tuloy ang quiz natin ngayon dahil may kailangan siyang puntahan na meeting.” Sabi ni Jenny sa akin. Inalala ko naman kung mayroon bang in-announce kahapon pero wala akong maalala. “Wala namang sinabi kahapon ang mga ka-klase natin na sinabi ni ma’am na walang quiz ngayon," sabi ko kay Jenny at naupo sa kaniyang tapat. Mabuti na lang din at wala dahil hindi ako gaanong nakapag-aral para sa quiz dahil naubos kaagad ang gaas sa gasera kagabi. “Ay, sorry, Lili. Sa group chat nga pala nagsabi si ma’am kahapon,” sabi ni Jenny sa akin pagkatapos ay inilabas niya ang kaniyang cellphone at ipinakita sa akin ang chat ni ma’am sa group chat. Napatango ako. Kaya naman pala hindi ko alam. Wala ako sa group chat kasi wala naman akong f******k at wala naman din akong cellphone. Hindi rin ako madalas gumagamit ng computer para saglit na gumawa ng f******k dahil sayang ang kinse pesos, kaya’t pag may ise-search madalas ay sa library ako ng aming paaralan naghahanap ng mga sagot kapag may kailangang sagutan. Iyon nga lang katulad ng ganitong pangyayari, kapag mayroong mga announcements sa group chat ay nahuhuli ako. Ang hirap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD