Chapter 2

1308 Words
Chapter 2 Nanatili pa rin kami ni Jenny sa pahingahan. Tutal wala namang pasok sa unang subject namin ay hindi na muna kami pumunta ng silid. Mahangin din sa aming puwesto at marami rin na ibang mga estudyante ang narito. “Kamusta ang tatay mo, Lili? Bumubuti na ba ang lagay?” tanong ni Jenny sa akin. “Bumubuti namana, salamat sa Diyos dahil kahit papaano ay nagiging maayos ang kalagayan ni tatay.” Sabi ko. Hindi kasi noon kaagad naagapan at hindi rin nadiretso ang gamutan dahil matigas ang ulo ng tatay at ang nasa isip ay trabaho lang kaya dumating sa puntong naospital pa siya. Hindi naman libre ang lahat ng gamot at doon kami nahirapan. Pero mas mabuti sana kung gumaling na siya sa kaniyang sakit. Kung minsan kasi kapag kinakapos kami ay hindi nakakainom ng mga gamot ang tatay. Nauubusan ng gamot sa center at wala naman pambili. Mahirap na nga kami noon pero mas lalo kaming naghirap dahil sa kalagayan ni tatay. Umabot na rin kasi kami sa puntong hindi na kami nakakabayad ng kuryente dahil hindi na kaya pang idagdag sa bayarin. Sa pagkain lang kasi at pambili ng mga gamot ni tatay ay kulang pa ang aking kinikita sa pagbebenta ng basahan at sa paglalabada ni nanay. “Kung mayaman lang talaga ako, Lili edi sana hindi ninyo na iisipin pa ang pambili ng gamot kay Tatay Ruben, hay nako, sana talaga ay tumama ako sa lotto!” sabi ni Jenny. Napangiti naman ako. Nakakatuwa na inaalala niya pala ako at ang aking pamilya dahil naisip niya pang tulungan kami kung sakaling may kaya siya sa buhay. “Tumataya ka ba naman sa lotto?” tanong ko sa kaniya. Nakita kong napakamot si Jenny sa kaniyang batok at ngumiti sa akin. “Naku, hindi nga, eh. Hayaan mo at mamaya, malay mo naman, hindi ba?!” sabi niya. Tumango na lang ako at um-oo sa kaniyang sinabi. Hindi mayaman sila Jenny, ngunti hindi rin mahirap. Sapat lang, nakakakain sila ng kaniyang pamilya ng tatlong beses sa isang araw, mayroong ilaw sa tahanan at mayroong cellphone si Jenny. Hindi ko katulad na walang cellphone, wala kaming ilaw sa bahay tapos swerte na kung tatlong beses pa kaming kumain sa isang araw. Madalas kasi na ang umagahan at tanghalian namin ay sabay na. Ahh... ito na naman ako, nagkukumpara na naman ako. Ito ang nais kong iwasan ngayon, ang ikumpara ang buhay namin sa iba. Alam ko naman na ngayon lang ito, alam ko na hindi sa kalungkutan at hirap matatapos ang lahat kaya ang dapat kong gawin ay magsikap. Magsikap para sa pamilya. “Lili, nabalitaan mo ba iyong mga De Costales na bagong lipat sa paaralan natin? Naku, pinagkakaguluhan ng mga kababaihan, ang gu-guwapo raw! Ang puputi at sobrang kikinis, akala mo daw bang mga artista!” sabi ni Jenny. De Costales? Mayroong mga De Costales na bagong lipat? Pero bakit naman mag-aaral ang mga iyon dito sa San Antonio? Mayaman ang mga De Costales at imposibleng mag-aral ang mga iyon dito. “Sigurado ka ba sa balita na iyan, Jenny? Mayayaman ang mga De Costales, bakit naman mag-aaral dito ang mga iyon? Tiyak na nagkakamali lang ang mga mag-aaral, baka naman hindi mga De Costales iyon.” Sabi ko. “Hindi! De Costales nga daw! Ang sabi nga ay tatlo daw na De Costales pero isa pa lang ang nakikita.” “Totoo ba? Pero, sa tingin ko ay imposible.” Sabi ko kay Jenny, “siguradong hindi naman iyan totoo, Jenny. Kilala mo rin ang mga De Costales, mayayaman ang mga iyon at tiyak na hindi sa maliit na lugar natin mananatili ang mga batang De Costales para mag-aral. Mas pipiliin ng mga iyon sa maynila.” Naalala ko iyong batang lalake na kasama noon ni Lola Sasa. Ang tabil ng dila. Mukhang maarte at tumitingin sa estado ng buhay ng isang tao. Ayaw ko sa mga ganoong klase ng tao, palibhasa ay mayaman at hindi alam ang pakiramdam ng isang mahirap. Kaming mga mahihirap ay kung hindi kami maghahanap buhay hindi kami makakakain, mamamatay kami sa gutom. Ang batang lalakeng iyon, sigurado ako na baka isusubo pa ang kaniyang kakainin. Maswerte dahil hindi niya nararanasan ang hirap ng buhay na nararanasan ng mga katulad ko. Kaya’t sana lang ay huwag namang ganoon ang akto. “Ay, ang sabi kasi tatlo nga daw, malay mo naman? pero iyong isa pa lang ang nakikita daw. Puro lalake raw! Hay nako, alam mo naman na basta guwapo ay maiingay ang mga kababaihan dito sa school natin. Isama mo na ako!” sabi ni Jenny at sinundan nito ng pagtawa ang sinabi. Napabuntong hininga ako. Wala ang isip ko sa mga gwapo gwapo na iyan. Ang mahalaga sa akin ay matulungan ko sila nanay dahil sa hirap ng buhay namin ngayon. “Halika na nga sa room natin, Lili. Baka mamaya ay mahuli pa tayo sa susunod na subject.” Sabi ni Jenny at tumayo na siya. Tumayo na rin ako, oo nga baka mahuli pa kami. Ayaw na ayaw ko pa naman ang nahuhuli sa klase dahil may iniingatan akong mga grado. “Saan ka mamaya pagtapos ng klase, Lili?” Napatingin ako kay Jenny, nakatingin siya sa kaniyang cellphone nang tanungin niya ako. “Alas tres ang yari ng klase natin, hindi ba? Baka nasa palengke, kukuha ako ng mga sobrang tela para gawing basahan. Ikaw?” tanong ko. “Kung gusto mo ay samahan na kita? Wala naman akong gagawin sa bahay.” Sabi niya. “Wala ka bang ibang pagkakaabalahan?” tanong ko. Wala nang masyadong tao sa hallway, dahil na rin sa simula na ang mga klase. “Wala naman, ayoko din naman kaagad umuwi dahil naroon si kuya, aasarin lang ako noon.” Tumango-tango ako habang nakatingin sa kaniya. Nang papaliko na kami ng hallway ay hindi ko namalayan na may makakasalubong pala ako kaya’t nabunggo ko ito. “Lili!” Kaagad naman akong natabanan sa kamay ng lalakeng nakabungguan ko kaya hindi ako natumba. “Okay ka lang ba, miss?” tanong ng lalake sa akin. Nang tingnan ko ito ay may pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa akin. “I am sorry, I wasn’t looking, nasaktan ba kita?” tanong niya. Lumayo ako sandali dahil sa lapit niya at nang makabawi ay umiling ako. “Hindi, ayos lang ako. Hindi rin naman ako tumitingin sa dinaraanan kaya’t nagkabungguan tayo.” Sabi ko sa kaniya. Nang ilipat ko ang aking paningin kay Jenny ay nakatingin lamang siya sa lalake. Iba ang klase ng tingin na iyon at alam na alam ko ang mga tingin niya na iyon. “Are you sure— “Terron! What are you still doing there? Let’s go.” Napalingon ako sa boses na iyon, nakita ko ang isang lalake na nasa dulo ng hallway at nakasuot ito ng sunglasses at naka-mask na itim. “Ako nga pala si Terron Sander De Costales and that’s my brother, Terrance Sancho. I am sorry again, ha? Nagmamadali kasi ako. Sige! Pasensiya na ulit.” Pagkasabi niyon ng lalake ay umalis na ito at nang lingunin ko naman si Jenny ay nakangiti ito habang nakatingin sa lalakeng kaaalis lang. “Terron... Terron Sander De Costales... hala! Sila iyong De Costales!” sabi ni Jenny at biglang hinawakan ang aking mga kamay kaya’t napatingin ako sa kaniya. “Lili! Nakita ko na ang lalakeng gusto kong pakasalan! Ang pangalan niya ay Terron!” Napangiwi ako, sa edad namin na ito ay pumapasok na kaagad sa isip niya ang pag-aasawa? Naku, talaga, Jenny. Napatingin naman ako sa dalawang lalake sa dulo ng hallway, ang sabi nung Terron iyong naka-mask at sunglasses ay kapatid niya at Terrance daw ang pangalan... Terrance? Terrance? Napakunot ang noo ko at nag-isip, saan ko ba narinig ang pangalan na iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD