Napasinghap ako nang marinig muli ang baritonong boses na iyon! Si Sancho! Ang bagong may-ari! Narito pa pala siya? Akala ko ay isinabay siya at inihatid ni Roberto at umalis na! Pero, siya ba ang magbabayad sa akin? "S-Sir, dinala po ako dito ni Roberto dahil po sa bayad sa paglilinis ng kwadra." Nagtagalog na ako dahil sa kaba at gulat. Saka, nakakaintindi rin naman siya non dahil narinig ko kanina na kinausap siya ng kasama niya gamit ang salitang tagalog. "P-Pasensiya na po!" Napaangat ang mga kamay ko upang alisin sana ang kamay niya na nakatakip sa aking mga mata pero napatigil rin nang maalala ko ang pagdating niya kanina sa kwadra. Ang tindig at kilos. Pakiramdam ko ay wala akong karapatan na hawakan siya. Naibaba ko ang aking mga kamay at naikuyom. Nang ipaharap ako niya ak

