"I love you, Lizianna..." "Mahal rin kita, kaya lahat-lahat ng mangyayari sa iyo ay sabihin mo sa akin, ha?" Tumango siya at ngumiti. Pagkatapos non ay tinawid niya ang distansya ng aming mga labi. Kumapit ako sa kaniyang batok at tinugon ang mainit na halik na kaniyang ibinibigay sa akin. Cai suck my lower lip. Napangiti ako sa pagitan ng halik. Ang bawat paggalaw ng kaniyang mga labi ay aking sinusundan. Sinasabayan ko siya sa nais niyang ritmo. "Lili..." Umayos ako ng pagkakaupo sa kaniyang kandungan at kumapit ako sa kaniyang batok. Patuloy pa rin ang halik sa pagitan namin. Nakalimutan ko nang nasa VIP room kami ng bar ni Riss. Nakakadala rin ang bawat paghapols ng mga kamay ni Cai sa aking mga braso. Nang bumaba iyon ay napasinghap ako nang maramdaman ang mainit niyang palad sa a

