Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Lizianna ay nasa kalahati pa lang ako ng hagdan nang mapahinto ako. Naningkit ang aking mga mata sa pinto nang makita ko na nakabukas ang kalahati non. Dahan-dahan ako na naglakad at nang makababa ay huminto akong muli at inaninag ang dilim ng paligid. Naging alerto ako. Alam ko na isinara ko iyon kanina. Sino ang pumasok dito? "Who the hell are you?!" I shouted. Kaagad akong lumapit sa may pinakagilid upang buksan ang ilaw. Hindi ako maaaring magkamali, tandang-tanda ko na isinarado ko ang pintuan kanina bago ako umakyat sa aking silid dito sa Villa. There's no way I would forget that. Ngunit ngayon ay ito at malaki pa ang awang. "Don't try me! lumabas ka! sino ka?!" Nang makarinig ako ng tunog sa aking likuran ay mabilis kong binuksan ang ilaw. I

