I was stunned. Hindi ako makakilos. What is she doing here? kung pera lang ang habol niya sa akin ay tiyak ko na hindi siya mag-aabala na pumunta pa dito mismo sa Italy. Isa pa, this is the first time that she did this. Ang sundan ako sa ibang bansa. Sa ilang taon kong pag-alis, ngayon lang... n-ngayon lang ito ginawa ng mama. "Mama, what... what are you doing here?" Naglakad siya palapit sa mahabang sofa. Nakatingin lamang ako sa kaniya ngunit ang kaba ay hindi mawala sa akin. Nang tingnan ko ang kaniyang mga kasama ay nagtagis ang aking bagang. I don't want what's running in my mind right now. "Are you enjoying your stay here that you forgot to message me? ang kamustahin ako, son?" she asked. Ang mga mata ay nasa sofa. Pinaraan rin niya ang mga daliri doon at pinagkiskis na parang tin

