"Shhh! baka natutulog na si Amor!" si Tita Morianne. "Eh, nasaan si Pulubing gwapo? nakaalala na ba kaya umalis na?" tanong ni Tita Joi. Gulat na gulat ang kanilang mga itsura habang nakatingin sa akin. "Tingin ko po ay hindi pa bumabalik ang ala-ala niya. I-Ibang dahilan lang po kung bakit siya umalis sa apartment." At ayon na nga. Ikinwento ko sa kanila ang nangyari. Kay Riss, Cai at sa akin. Pati ang pagbigkas ko ng pangalan ni Cai pero hindi ko na sinabi na dumating kami sa 'puntong' iyon sa aking silid dahil baka makurot nila ako sa singit. "Ay! gaga! hanggang ngayon ba ay inaantay mo pa rin si boy bulaklak? eh, mukhang tsugi na iyon talaga! Lili, ha!" sabi ni Tita Rechie sa akin at tinapik ang aking braso. Napahimas naman ako doon. "H-Hindi ko naman po sinasadya, eh. D-Dahil po

