"Cai, ano ba?" ang higpit ng hawak niya sa akin habang walang tigil sa paglalakad. Nang makalabas kami ng bar, sa may likod ay saka niya ako binitawan. "I forgot that thing." Bumaba ang tingin niya sa aking pulsuhan. Kaagad akong umatras at itinago ang aking kamay na may suot na pulseras. Kukuhanin nga! sinasabi ko na nga ba! parang iyong pang-ipit lang sa buhok! "M-May pangalan ko ito." "Yes. That's for you but I changed my mind. I have the right to take it back dahil hindi ko pa rin naman iyan naibibigay sa iyo." W-Wala akong habol don, ah? totoo naman na hindi niya pa ito naibibigay sa akin dahil basta ko na lang itong kinuha sa drawer niya. Ngunit naging matigas ang aking tingin. Walang balak ibalik sa kaniya ang pulseras. "Ang... ang kung anuman na bagay na nasa aking apartment

