7:10 AM. Ilang oras lamang ang aking naging tulog. Mariin akong napapikit at napahilot sa aking sentido pagkatapos na maalala ang nangyari kaninang madaling araw. Ang aking pagkalasing, ang usapan namin ni Cai at ang naganap dito mismo sa aking silid. Hindi ang sakit ng aking ulo dahil sa hangover ang iniinda ko kung hindi ang nararamdaman ko sa dibdib ko. Sa aking puso. I was hurt by the thought that he's giving up his feelings about me. Sa isip ko ay iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit siya umiiwas aside that he's a burden, that Riss could make me happy. Nasaktan siya sa mga sinabi ni Riss at kagabi ay nasaktan na naman siya dahil sa pagtawag ko sa kaniya sa pangalan ni Sancho. He was hurt, the pain was visible in his eyes that made me want to slap my fac. Nahihirapan na rin ako s

