Chapter 52

3774 Words

Pagkakuha nga ni Cai ng mga gamit ko ay nilisan na namin ang bar. Hilong-hilo ako, pagewang-gewang sa paglalakad hanggang sa maubos na ang pasensiya niya. Isinakay na lang niya ako sa kaniyang likuran patungo sa sakayan. "Hold on to me." Hmm... nakakapit naman ako. Ang mga kamay ko ay nasa kaniyang leeg. Pati ang mga binti ko ay kapit na kapit rin sa kaniya ano pa ba ang gusto niya? “Stop moving–” Ikinumpas ko ang aking kamay at narinig ko ang kaniyang pagpalatak. "Alam mo, Cai, gusto ko mag-aral... tapos... tapos pangarap ko magtayo ng mga negosyo. Kahit iba-iba! basta kikita ako ng pera! saka... saka gusto ko... hmm... ano ba ang gusto ko?" "Ahh! gusto ko rin maiapaayos na iyong bahay namin... pag naayos na uuwi na ako ng Pilipinas. Uuwi na ako kila nanay... haay... nakaka-miss.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD