"Let's eat, baby?" Tumango ako kay Cai. Nagpatuloy ang aming pagkain, nagkakaasaran na naman ang mga tita at nag-aagawan pa kahit na marami na ang nailuto ni Cai na barbeque. Nagbaba rin ng mga seafoods ang katulong sa bahay na hindi namin inaasahan. Mas nadagdagan pa ang aming mga pagkain. "Arghh! busog na busog! para naman bibitayin na tayo sa dami ng mga inihain sa ating pagkain!" sabi ng Tita Gemini. "Oh, ang gamot sa highblood baka makalimutan!" natatawa pa nang sundan ni Tita Rechie. Pagkatapos kumain ay nagyaya si Cai na maglakad-lakad sa gilid ng dalampasigan. Sumang-ayon naman ang lahat dahil nga rin para bumaba ang mga kinain. "Huling gabi na natin dito sa Amalfi." Napababa ang tingin ni Cai sa akin, humigpit ang kapit niya sa aking baywang habang naglalakad kaming dalawa.

