Isa sa hindi ko malilimutan na pangyayari sa buhay ko ay ang bakasyon na ito kasama ang mga tita at si Cai. Everything feels so perfect for me. Pakiramdam ko nga ay isa lamang itong panaginip. Sa isang napakagandang lugar na ito ay kasama ko ang mahahalagang tao sa buhay ko. Pero mas magiging masaya ako kung narito rin sana ang aking pamilya. Alam ko na magkakaroon rin ako ng pagkakataon na makasama sila, hindi man dito sa Italy kung hindi sa Pilipinas na may ganito kasing ganda na lugar. "Feeling donya talaga tayo!" dinig kong sabi ni Tita Rechie. Narito kami ngayon sa may labas. Pasado alas otso na ng gabi at nagkayayaan na magbarbeque para sa dinner. Hapung-hapo na rin ang aking pakiramdam sa totoo lang. Ilang oras rin kasi kaming naglangoy sa tubig. Sinusulit na dahil huling gabi na

