"A-Ang laki naman ng bahay na ito, Cai. Sigurado ka ba na dito tayo mamalagi?" Ganitong-ganito ang reaksyon namin noong unang araw nang makita iyong yate na sasakyan namin. "Yes, baby," ngiting-ngiti siya nang sumagot sa akin. Hinalikan pa ang aking sintido at kinuha ang aking bag at siya na ang bumuhat non. Narito na kami sa Amalfi. Sa bahay ng dating boss niya. Nalulula ako sa laki ng tirahan at para bang maliligaw kami sa loob sa luwang nito. "Mukhang kahit mag tig-isa tayo ng silid diyan ay ayos lang," ang Tita Joi na nakatingin rin. "Magtagu-taguan nga ay pwede ata," si Tita Gemini. Pare-parehas kaming mga nakatingala sa malaking bahay. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko na buhat naman ng mga guards ang aming mga gamit at ipinapasok na sa loob ng bahay. Ang dalawang araw n

