BECAUSE OF the shifting schedule, ay hindi inaasahang magtatagpong muli ang landas nila ni Elaine. Kamakailan lang ay nagtaka siya kung bakit madalas na niyang hindi mapansin si Elaine tuwing opening hours at closing hours. Mahigpit ang pagkakakapit ng kamay nila ni Thyrone sa isa't isa as they come to office. Pero lumuwag lang ang kapit na iyon nang magtagpo ang tingin nila ni Elaine. "Mauna ka na sa office mo, mahal. Susunod na lang ako." "And why?" Sumagot siya nang hindi nakatingin dito. "May kailangan lang akong kausapin." "Okay, I'll wait for you, mahal." Sandali pang pinindot ni Thyrone ang palad niya bago pa ito tuluyang umalis. Pagkatapos ay lumapit siya sa pwesto ni Elaine na katabi ng silya ni Jojie. Pero naka-lunch break si Jojie kung kaya't si Melody ang kasama nito na

