HINDI NA nag-aksaya pa ng oras si Thyrone dahil agad siyang nagbihis matapos iligpit ang hindi pa natapos na pinagkainan. Of course, as fiancé ay ayaw niyang lumipas na naman ang araw na hindi sila nagkakaayos. Lalo na ngayon at batid niya na makikipagkita ito kay Johann. Pinuntahan niya ito sa may apartment dahil sigurado siyang didiretso ito roon, subalit napapadyak siya sa inis nang sabihin ni Devine na hindi pa raw umuuwi si Gethca. Kaya malakas ang kaniyang kutob na posibleng dumiretso ito sa meeting place nila ni Johann. Sinubukan niya itong tawagan at umabot pa ng ilang dial bago nito sagutin mula sa kabilang linya. Sandali pa siyang napabuntong hininga. "Nasaan ka?" Gusto niyang umasa na nawala na ang galit nito mula kanina. "Thyrone--" "I said nasaan ka?" napataas na tonong an

