NAGTATAWANAN habang papasok ng comfort room ang mga dumating. At mabilis siyang nakapagtago sa may cubicle habang pinakiraramdaman ang pagpasok ng mga pamilyar ang boses. Sa boses pa lang ay kilala niya na kung sino ang mga ito. "Bakla, I will tell you a gossip." Batid niya na boses iyon ni Elaine kung kaya't inilapit niya ang tainga sa may cubicle para mas marinig pa nang mabuti ang sasabihin nito. Aaminin niyang hindi niya nagugustuhan ang mga ikinikilos ni Elaine these past few days. Lalo na nang malaman niyang nagkabalikan sina Thyrone at Ivory. At ewan ba niya kung bakit parang may nag-uudyok sa kaniya na malaman kung ano ang balitang nais nitong sabihin kay Jojie. "Sige, push!" Narinig niyang sabi ni Jojie. "Alam mo ba na may sikreto si Sir Thyrone?" Tila naging interesado siya

