Chapter 10

1374 Words
HALOS HINDI na makapagsalita si Gethca sa mga binitawang salita ni Thyrone, knowing that Thyrone is her boss at wala siyang karapatan na ipaglaban ang nararamdaman niya para rito lalo pa't wala siyang lugar sa puso nito. Oo, ayaw niyang isipin na porque nagtapat ito ng pag-ibig ay nais niya na iyong paniwalaan. Naisip niya na baka pakulo na naman ito ni Thyrone bilang pagbawi sa mga masasakit na salita nito sa kaniya noong nakaraang araw. At sa hindi malamang dahilan ay tila nagkunwari siyang walang anumang narinig. "A-anong sinabi mo?" Napahilamos naman sa mukha si Thyrone habang nakatitig sa kawalan. "Huwag mo nang intindihin ang sinabi ko," wala sa sariling anito. Doon siya napailing at naisip sa sarili na baka tama nga ang iniisip niya. Na baka-- nabigla lamang si Thyrone sa nararamdaman at hindi naman talaga siya nito mahal. Nang magtama ang mga mata nila ay puno iyon ng kuryosidad. Wala ng kahit anong salita ang lumabas sa mga bibig nila. And the next thing she knew is, Thyrone was walking towards the door. At sino ba naman siya para pigilan si Thyrone? Dito na ba magsisimula ang pagbabago ng lahat? Kinabukasan, habang nasa loob sila ng meeting room kung saan ay kasalukuyang si Gethca ang naatasan na i-report ang kaniyang mga nalalaman tungkol sa kompanya, sa mahigit isang buwan na niyang pamamalagi rito. "Regarding, sir sa mga nalaman ko, in this field, we have to protect our clients especially to their everyday travel. Since, it's all about travel and tours, I highly believe that our clients are precious people who deserve to have a care with us and give them their full satisfaction," wika ni Gethca. Isang malakas na palakpakan ang nangibabaw sa buong meeting room at hindi maitatangging mas lalong napahanga si Thyrone sa dalaga. "Congrats, Ms. Silvestre. You did a great a job," pagpuri sa kaniya ni Mrs. De Vera na isang supervisor doon. Nag-alisan na ang iba kung kaya't iniligpit na rin ni Gethca ang laptop na kaniyang ginamit sa presentation. Subalit hindi niya inaasahang may kasama pa pala siya sa loob ng k'warto na iyon. "Congratulations." Pagkarinig ng katagang 'yon ay halos lumundag ang puso niya sa magkahalong kaba at saya na naramdaman nang sandaling marinig ang boses ng binata. "Sir Thyrone? B-bakit nandito ka pa?" Bahagyang napataas ang kilay nito kung kaya't nanatili ang kaba sa dibdib niya. Iba ang kabang idinudulot ng binata sa kaniya, na para bang nagpapaunahan sa pagtibok ang bawat pintig nito kapag malapit ito sa kaniya. "Hindi ba p'wedeng may hinihintay ako?" Doon naman bahagyang napakunot ang noo niya. "At sino naman po?" Bagama't naiisip niya ang kaniyang posisyon sa kompanyang ito, ay kaya niya nagagawang igalang ang binata kahit na may kaunting sakit na dulot ang mga sinabi nito sa kaniya kahapon. Hindi niya kasi alam kung tama ba ang narinig niya o talagang nagkamali lang ito nang nasabi. Napabuntong hininga si Thyrone at pormal na tumingin sa kaniya. "M-may gusto lang akong sabihin," wika nito na nagpaawang ng bibig niya at natauhan dahil sa katotohanang sila na lang ang nasa loob ng k'wartong iyon. "Wala na tayong dapat pag-usapan, sir. Malinaw na para sa akin ang lahat.." kaswal na wika niya. Tama naman siya, malinaw na sa kaniya na walang ibig sabihin ang pagtatapat nito ng pag-ibig kahapon. Matapos sabihin 'yon ay nagpasya na siyang umalis. Lalagpasan na sana niya ito subalit napigilan siya nito sa braso, dahilan para matigilan siya. "Minsan, hindi lahat nang nakikita mo ay totoo, at hindi lahat nang ipinararamdam sa'yo ay walang katotohanan." Napaisip siya sa mga sinabi nito at tumingin sa mata ng binata. Animo'y sinusuri kung saan nanggaling ang mga salitang binitawan nito. Mabilis ang pangyayari dahil mabilis siya nitong kinorner sa magkabilang balikat kung saan ay magtatama ang mga mata nila. Napalunok pa siya nang dahan-dahang inilapit nito ang sarili sa mukha niya. "Sir Thyrone.." Ang bilis na ng t***k ng kaniyang puso at hindi niya alam kung kailan iyon matatapos. "Damn it, Gethca! Bakit ba napakamanhid mo?" Halos mapaatras siya sa pagsigaw ng binata. "H-hindi kita m-maintindihan, Sir--" "Stupid!" Sumentro ito ng titig sa mga mata niya na halos matunaw na siya. "How many times do I need to make you feel that I love you?" Doon nagkaroon ng linaw ang lahat sa kaniya. Inalala niya ang umpisang sinabi sa kaniya nito ang mga salitang 'yon. Ang salitang nakakapagpalambot sa kaniya at tila nagbibigay ng kiliti sa kaibuturan ng puso niya. "S-sir.." "Don't call me, "sir," kapag dalawa lang tayo, Gethca," mariing pagkakasabi ni Thyrone sa kaniya. Bagama't mabilis pa rin ang pagpintig ng kaniyang puso. "Pero nandito pa rin tayo sa work place, alam ko ang posisyon ko at alam ko ang--" Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil sa paglapat ng kanilang mga labi. Hinalikan siya ni Thyrone! At tila may kung anong kuryente ang dumaloy sa kaniyang katawan. May kung anong nag-udyok sa kaniya na tanggapin at tugunin ang halik na iyon. Mabagal at dalisay ang halik na pinagsaluhan nila, nasa sampung segundo na rin siguro ang lumipas nang magpagtanto niyang pareho na nilang pinagsasaluhan ang halik. And that moment, ay napabitiw siya. Habol-hininga siyang napatingin sa mukha ng binata habang hawak-hawak ang labing ngayon lang nalapatan ng ibang labi. "I'm s-sorry," ang sabi ni Thyrone sa gitna ng ka-ilangan na nararamdaman. Nanatiling magkaharap ang kanilang katawan ng mga sandaling iyon, nagpapakiramdaman kung ano pa ang sasabihin. Nasa ganoong posisyon sila nang bumukas ang pinto at bumungad doon si Elaine. "Ah, mukhang nakaistorbo po ako sa pinag-uusapan niyo, sir?" Napatingin naman ito kay Gethca at napataas pa ang kilay. Wari'y hindi nito nagustuhan ang nadatnang magkaharap pa talaga sila ni Thyrone nang hindi nagkakalayo ang distansya sa isa't isa. "Please get out, Elaine. Nag-uusap pa kami." Doon bahagyang napailing si Elaine. "Pero naghihintay na po sa office mo si Ms. Ivory, sir.." sabi ni Elaine na tila ipinaunawa pa kay Gethca. Doon muling nagtagpo ang tingin nina Thyrone at Gethca. And Getcha thought na magagawa siyang iwan mag-isa ng binata pero nabigla siya nang hilahin siya nito palabas ng k'warto. "Sir--" "Sasama ka sa akin," ma-awtoridad na sabi nito. Batid niya ang taas-kilay na ibinungad sa kaniya ni Elaine kanina bago pa sila makalabas ng meeting room pero binalewala niya na lamang iyon. Nang makarating sila sa office ni Thyrone ay nadatnan nila si Ivory na nakadekwatrong nakaupo sa may swivel chair at nang magtama ang kanilang mata ay nakadama siya ng kaba. "Oh, so you're with someone, my love," Agad itong pumulupot sa braso ni Thyrone nang makalapit habang si Gethca naman ay napaawang lang ang bibig. "Tapos na ba ang usapan ninyo?" Sumulyap pa ito sa kaniya kahit na hindi siya ang kausap. "It's none of your business, Ivory," seryosong sabi ni Gethca. At tila napahanga siya sa sarili dahil nagkaroon siya ng lakas para sabihin 'yon. Subalit hindi rin naman nagpatalo si Ivory. She believes on what is yours-- is yours. Napa-rolled eyes ito at sumentro ng tingin kay Gethca. "Whatever. So I'm here to be with my man. So could you please leave us alone?" mataray nitong pagkakasabi. Dahan-dahan na napatango si Gethca sa pagkapahiya. Nang balikan niya ng tingin si Thyrone ay nakita niyang tulala lang ito. Nais niya sanang tanungin dito kung para saan ang halik na pinagsaluhan nila kanina. Pero naisip niya na hindi na iyon kailangan. Dahil doon pa lang ay nagkaroon na siya ng konklusyon sa mga pangyayari na-- baka ginagamit lang siya ni Thyrone dahil wala naman feeling ang halik na iyon at.. gusto lang sa kaniya nitong ipamukha na hindi siya ang mahal nito.. Dahil wala naman talaga siyang puwang sa puso nito.. Mabilis siyang nakatakbo at nakita niya ang sarili sa salamin ng comfort room. Nanikip ang dibdib niya sa sakit. Bakit ba palagi na lang siyang nasasaktan pagdating sa pag-ibig? Hindi niya namalayan na unti-unti nang namamasa ang kaniyang mata na dulot ng luha. Umiiyak na naman siya.. at dahil na naman iyon sa iisang lalaking minahal niya noon pa. Mabuti na lang at walang ibang tao sa comfort room kaya mas umiyak pa siya ng umiyak. Subalit hindi niya inaasahan ang mga maririnig na salita na unti-unting dudurog muli sa puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD