IT WAS AN unforeseen moment that happened before they went home. An unexpected heavy rain has come that ruins their night upon staying on the car. Kaya naman kinalaunan ay nagpasyang doon na muna magpalipas ng gabi si Thyrone sa apartment ng magkaibigan. Sa sofa siya natulog habang sa k'warto naman sina Devine at Gethca. Mabilis naman na nakatulog ang binata dulot ng pakikipaglaban kanina, may ilang sugat man siyang natamo ay hindi maitatangging makikita pa rin ang angking ka'gwapuhan nito. Samantala, ilang ulit na nagpabali-balikwas sa higaan si Gethca, dahil laman pa rin ng kaniyang isipan ang naging usapan nila kanina sa restaurant. Ewan ba niya kung bakit hindi siya magawang dalawin ng antok. At ewan ba niya kung bakit tila hindi siya mapakali lalo na't alam niyang malapit na lang sa

