THYRONE HAS STILL an untold story from the past, na mas minabuti niyang itago na lamang habang hindi pa dumarating ang tamang panahon para sa kanila ni Gethca. Ngunit, matapos ang pag-aminan nila ng feelings sa isa't isa kagabi ay biglang nagbago ang pananaw niya sa buhay. He was looking forward to see the real happiness from the eyes of Gethca. Tipong nais niyang bumawi pa sa lahat ng naging kasalanan dito. Matapos makapaghanda ni Gethca ng almusal para sa kanila ay sabay-sabay silang tatlo kumain. Of course, magkatabi ang silyang inuupuan nila ni Thyrone at hindi maitatago ang sweetness sa pagitan nilang dalawa. "Ako na," wika ni Gethca dahil pilit siyang sinusubuan ni Thyrone kahit hindi siya komportableng ipakita 'yon sa harap ng kaibigan. Pero hindi niya alintana na mapupuna iyon ni

