AFTER A couple of minutes ay bigla na lang humiwalay sa yakap na iyon ang nobya at nagpasyang ilapag ang hawak na kontrata sa lamesa. Hindi niya maintindihan kung ganti ba nito iyon sa naging kasalanan niyang hindi sinasadya. He's still out of explanation lalo na't pakiramdam niya'y hindi rin naman siya nito pakikinggan. Lately she found out that Gethca's intention is to stay in his company, despite of their misunderstanding. "Tapos na ang pag-uusap natin at panalo ka na dahil nagbago na ang isip ko." Bahagya siyang nasiyahan sa sinabi nito. Subalit napawi rin iyon nang dahil sa sumunod na sinabi ni Gethca, "Pero 'wag mo sanang isipin na tinatanaw ko 'tong utang na loob sa'yo, Thyrone. At kahit sabihing nobyo ko ang may-ari ng kompanyang ito, ay pagtatrabahuhan ko rin ng maayos ang aking

