THYRONE'S OFFICE is now ready to welcome Gethca again. Kahit may pag-aalala siya sa sarili na hindi sisipot dahil sa hindi nila ngayon pagkakaintindihan. "Janna, pakiayos ng mga flowers sa front desk," aniya. Iyon ang mga disenyong nakapalibot sa banner na may nakasulat na, "Welcome back." "Okay po, sir." Pagkaalis ni Thyrone ay ramdam ni Janna ang excitement ngayong nabalitaan niyang babalik si Gethca sa kompanya ni Thyrone na Miller's Travel & Tours. Ilang sandali pa ay hindi inaasahang marinig ni Janna ang pang-iinsulto nina Elaine at Jojie sa flower arrangement na nasa front desk. "Bakit naman kailangang may paganiyan pa si Sir Thyrone? Gano'n ba talaga ka-importante si Gethca sa kaniya?" wika ni Elaine. "Kaya nga, as if naman na isa siya sa pinakamagaling na empleyado dati para i-

