KAMUKAT-MUKAT ay pilit niyang inuulit-ulit sa isip ang salitang binitawan ng nobyo, hindi niya akalaing pinaghandaan din pala nito ang kanilang unang buwan bilang magkasintahan. Sa kabila ng kanilang mga pagsubok na kinakaharap ng relasyon nila. Hindi niya namalayan na nasa tapat na sila ng isang malaking bahay na ngayon niya lang nakita. Halatang gawa sa mamahaling materyales ang ginamit dito. Gawa sa shingle ang bubong nito na may laking one hundred square meters. Sa taas nito ay may malaking balkonahe at pinalilibutan iyon ng mga grills na in-assemble pa ang pagkakadisenyo. Tunay nga na mayaman ang kaniyang nobyo. At kahit nagkakaroon na siya ng ideya kung kaninong bahay ito ay nagawa niya pa rin makasiguro. "N-nasaan tayo? At b-bakit mo ako dinala rito?" tanong niya habang magkahawa

