"Ayoko na munang makita ka, Ayoko na munang makasama ka.." Isang nakaka-relate na tugtugin ng bandang Session Road mula sa radyo ang bumungad kay Gethca kinabukasan, matapos niyang maghanda ng almusal. Habang pinapakinggan ang kanta ay mas lalo niyong pinalungkot ang kaniyang nararamdaman. At para bang sampal sa kaniya ang sinasabi sa bawat liriko ng kanta. Oo, masakit din naman para sa kaniya na nagkakaganito sila ngayon. Pero sa tingin niya ay iyon ang mas tamang gawin. Aminado siyang kahit may parte sa kaniya na hinahanap-hanap ito ay mas mabuti na lang na magbigay sila ng space sa isa't isa. Kaya naman noong narinig niyang halos isigaw na ng singer ang lyrics ng kanta ay doon tila gustong sumabog ng utak niya kung kaya't nagawa niya iyong patayin. And lately she found out that De

