MARAHANG TINAHAK ni Thyrone ang daan palapit sa dalaga. At sandali itong natigilan sa ginagawa na ipinagpapasalamat niya naman dahil kahit papaano'y binigyan siya nito ng atensyon. Sa pagkakataong iyon ay pareho silang hindi makapagsalita. Animo'y nagpapakiramdaman kung sino ang mauunang kumibo. Ngunit ilang segundo ang lumipas nang tila nahimasmasan ito. "Yes, Sir Thyrone? May kailangan ka ba?" Napakunot ang noo niya sa ibinungad nitong katanungan. Bagama't kalmado pa rin ang awra nito. Gusto niyang isipin na nagpi-pretend lang sa nararamdaman. Pero sadya ba kayang nagbago na ang lahat sa kanila? "I just want to talk about us," walang alinlangang sagot niya. Nakita niya ang pagbabago ng ekspresyon ni Gethca, sandaling napakunot ang noo nito at kalauna'y ngumiti rin. Tumayo pa ito at pum

