Chapter 8

1267 Words
AFTER one week.. Nakatanaw lang siya sa mga taong dumadaan sa may hallway. Wala siyang makikitang malungkot katulad ng nararamdaman niya ngayon. Oo, lungkot ang nananaig ngayon sa kaniya. Dahil lahat ng salitang binitiwan sa kaniya ni Thyrone ay sariwa pa rin sa kaniyang isipan. Para bang bumalik din ang sakit na idinulot sa kaniya ng kanyang first love na si Tyler. Kaya naman biglang sumagi sa isipan niya ang katanungang, "Malas ba ako sa pag-ibig?" Napabuntong hininga siya at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa isang bar. Naglalakasang sound system, naggagandahang disco lights, at nagsesexyhang mga babae na sumasayaw sa stage ang bumungad sa kaniya. It was her first time to enter in the disco bar and it's quite wondering to see her as an innocence. Marami siyang nakikitang naghaharutan na magjowa sa gilid at mga kalalakihang mukhang mapera. Hanggang sa magtungo ang kaniyang paa sa harap ng counter upang um-order ng maiinom. "Good day, ma'am! What can I assist you?" Lalaking bartender ang bumungad sa kaniya. At wala siyang alinlangang sumagot, "One tequila please." Napabalik ng tingin sa kaniya ang bartender. Halata kasi kay Gethca na first time makatitikim ng alak. Lalo na't bago rin siya sa paningin ng bartender bilang customer. "Ma'am, are you sure po na kaya mo pong inumin ang tequila? Bago ka lang kasi sa paningin ko. And knowing na mag-isa ka lang po. As a bartender, we are glad to serve you but I am just wondering of your safety, ma'am. Well, mayroon naman po kaming ibang ma-o-offer na ladies drink na medyo light lang ang alcohol." "Hindi na mahalaga 'yon, sir. Gusto kong subukan ang tequila," pagpupumilit niya. Kahit na ayaw niya sanang uminom, pero iyon lang ang naiisip niyang paraan upang mabawasan at makalimutan ang sakit na nararamdaman. "Okay ma'am. I will serve you a tequila drink." "Thanks." Ramdam ni Gethca ang pait ng tequila nang simula niya na itong inumin. Tanging sa alak lang ang focus niya sa mga lumipas pang minuto habang paminsan-minsa'y napapatanaw sa stage. Ngunit sandali siyang napalinga nang may lalaking lumapit sa kaniya. He's wearing a black ripped jeans and a white polo shirt, habang ang butones sa bandang leeg niyon ay nakabukas lamang, dahilan para mas dumagdag sa kagwapuhan nito. Matangkad, gwapo at mukhang mapera. Sa isip niya'y kung nadadampot lang sana ang boyfriend and in just first met ay mahal na agad nila ang isa't isa ay edi sana masaya. "Baka naman gusto mo ng makakasama?" Napangiwi siya at hinayaang tumabi sa kaniya ang lalaki. "You know what? Kanina pa kita pinagmamasdan, wala ka bang kasama?" Napalingon pa ito sa paligid na animo'y naniniguro. "Hinayaan kitang lapitan mo ako pero wala kang pakialam kung may kasama man ako o wala," kaswal na sagot niya. Inirapan niya lang ito at sabay na lumagok ng alak. Mahilo-hilo na siya pero hindi niya iyon ininda. Maya-maya pa ay tila naaliw siya sa nakakaindak na tugtog at hindi niya napigilan ang sarili na magpunta sa gitna upang makipagsabayan sa mga taong nagsasayawan sa dance floor. Sumayaw siya nang walang pakialam sa kung sino man ang makakita sa kaniya. Hilong-hilo na siya at nanlalabo na rin ang paningin hanggang sa hindi na niya maaninag ang mukha ng lalaking bumuhat sa kaniya. Nagising siya na masakit ang ulo at napabalikwas siya ng bangon nang ma-realized na nasa iba siyang kwarto! Inalala niya ang nangyari kanina pero nabigo siyang alalahanin iyon. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng k'warto at tiningnan ang kaniyang sarili. May suot pa rin naman siyang damit at sa tingin niya ay maayos siyang dinala sa k'warto na iyon ng kung sino man ang tumulong sa kaniya. Tatayo na sana siya upang subukang silipin ang tao sa labas ng silid na iyon. Subalit naunahan naman siya dahil bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang taong hindi niya inaasahang tutulong sa kaniya-- si Thyrone. "Mabuti at nagising ka na," malamig ang tono ng boses nito at hindi man lang siya binungaran ng ngiti. "Kumain ka na, wala pang laman iyang tiyan mo kundi puro alak." Pagkasabi ay tumalikod na ito at naiwan siyang muli sa k'warto na pilit pa ring binabalikan ang mga nangyari. Hindi niya lubos akalain na ito pa ang bubungad sa kaniya gayong isang linggo na nga niya itong iniiwasan. Sa isang linggo na 'yon ay sinubukan niyang maghanap ng bagong trabaho upang mag-resign na lang sa kompanya ni Thyrone dahil alam niyang lalo lang siyang masasaktan habang lumilipas ang mga araw. Tahimik lang sila habang kumakain, walang imikan at tanging maririnig mo lang ay ang tunog ng kutsara at tinidor. Maging ang babasaging pinggan at ang paghinga nilang dalawa. "Pagkatapos kong kumain ay uuwi na ako." Hindi pa rin siya nililingon ng binata at patuloy lamang ito sa pagnguya. Para bang ipinararamdam nito na hindi siya nag-e-exist sa mundo. "Narinig mo ba ang sinabi ko?" Doon lang natigilan si Thyrone at saka nagsalita. "H-hin-- ah okay," nauutal na sagot nito. Pero nagpatuloy pa rin siya sa pagkain. Hanggang sa ihatid siya ni Thyrone sa tinutuluyan niyang apartment na wala pa rin silang maayos na pag-uusap. Hanggang kailan ba sila mag-iiwasan? Samantala, tulala pa rin si Thyrone hanggang sa makarating siya ng condo. Hindi niya lubos akalain na hahantong sila ni Gethca sa ganito. Kung dati ay nagawa niya itong saktan, ngayon naman ay mas dumoble pa. Bakit ba kasi kailangan niyang balikan si Ivory alang-alang sa pagkatao niya? Flashback.. "You have no choice, Thyrone. Better to back at me or lose all your investment," wika nito. Kaya napatiim ang bagang niya sa narinig. Inilabas pa nito ang papel kung saan nakasulat ang totoong pagkatao niya. "I knew even the most little things about you, Tyler Singson." Napalunok siya ng ilang beses nang marinig ang totoo niyang pangalan. "Is just a threat or a lure?" tanong niya. Habang ipinupulupot nito ang magkabilang braso sa kaniyang leeg. "It would never be threat or even lure, Tyler. My love for you is so damn serious," sabi ni Ivory at saka inilapat ang labi sa kaniya. Wala na siyang nagawa kundi ang tugunin ang halik na iyon. Kung iyon lang ang nakikita niyang paraan upang manatiling malinis ang pangalan niya para kay Gethca ay gagawin niya. Nang magbitiw ang labi nila ay nilinaw niya ang kasunduan. "Tell me the truth why would you do this?" "Dahil alam ko kung sino ang taong sinaktan mo noon at hanggang ngayon ay nasa paligid mo pa rin," sabi nito habang hawak-hawak ni Ivory ang pisngi niya habang kinakagat-kagat ang pang-ibabang labi. "Si Gethca Silvestre.* Bahagya siyang natigilan nang marinig ang pangalan ni Gethca. "Hindi na ako magtataka kung bakit pinapahalagahan mo siya ngayon, it's because of your reputation, right? Thyrone, it's a bad thing to be in her side again. Paano kung makilala ka niya? Of course, all your plans will be scattered. So I'm here to help you, and if I could do everything just to keep her away from you, ay gagawin ko.." Napailing siya. Hindi niya gugustuhing malayo kay Gethca. "No, ako na lang ang iiwas sa kaniya. Just, let her to stay here." "Okay, then. Basta alam kong sa'kin ka lang," maawtoridad na sabi pa nito at saka siya muling hinalikan sa labi. End of flashback.. Mabilis niyang tinahak ang daan pabalik sa apartment ni Gethca. Ewan ba niya kung bakit tila may nag-uudyok sa kaniya na balewalain ang napagkasunduan nila ni Ivory. Gusto niya itong makausap.. Gusto niyang magpaliwanag.. Dahil aminado siya sa sariling mahal niya na ito. Tama kaya ang naging desisyon niya? O baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD