Chapter 7

1259 Words
MAHIMBING NANG natutulog ang kaibigan niyang si Devine, habang siya ay pinipigilan lang ang paghikbi sa may higaan. Hanggang ngayon ay ginugulo pa rin siya ng nakaraan. Kung gaano siya kasaya noon nang mahalin si Tyler ay ganoon naman kasakit tanggapin na kailanma'y hindi siya nagawang mahalin nito. Subalit nang makilala niya si Thyrone, ang kaniyang kakaibang pakiramdam simula pa lang no'ng makatuntong siya sa opisina nito ay isang naging malaking palaisipan sa kaniya. Dahil hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kaniya ang alaala ni Tyler, gayong nakikita niya ito sa pagkatao ni Thyrone. Mahirap umiwas lalo na't sa tuwing nakikita niya si Thyrone ay puro masasakit na alaala ang bumabalik sa kaniya na dulot ng nakaraan. At gustuhin man niyang umiwas kay Thyrone matapos siyang alukin ng friendship nito ay wala na siyang magagawa.. dahil aminado siya sa sariling higit pa sa magkaibigan ang kaya niyang ibigay dito. Aaminin niyang sa sandaling panahon ay nagugustuhan na niya si Thyrone, katulad nang kung paano niya nagustuhan noon si Tyler. At ewan ba niya kung bakit hindi niya maiwasang pagkumparahin ang dalawa. Lalo na sa tuwing magtatagpo ang kanilang mga mata. Nag-flashback sa kaniya ang senaryong niyakap siya nito no'ng gabing umiiyak siya nang dahil sa sakit. Kung saan ay pinawi nito sandali ang sakit na nararamdaman niya. And she felt the sincerity of Thyrone just to help her. At aminado na nga siya sa sarili na mas lumakas ang kaniyang pagdududa tungkol sa pagkatao ni Thyrone. Hindi niya rin maitatangging nakararamdam siya ng hindi komportableng pakiramdam dahil sa tuwing makikita niya ito ay tila bumabalik ang sakit na dulot ng nakaraan-- at isang tao lang ang kaniyang naaalala rito na walang iba kundi si Tyler Singson. Batid niya na mahirap kalimutan ang nakaraan pero kahit anong gawin niya ay sinusubok ipaalala 'yon sa kaniya ng tadhana. Napabalikwas siya sa pagbangon nang mapansin na basa na ang kaniyang unan. Oo, umiiyak siya. At hindi dahil kay Tyler-- kundi sa mga posibleng consequence kapag pinili ng puso niyang mahalin si Thyrone. "Gethca, hindi dapat maulit ang dati, hindi mo siya dapat mahalin o ang kahit kagalitan man. Sapat na ang sakto lang at hanggang magkaibigan lang," pilit niyang ipinauunawa sa sarili. Kinabukasan ay hindi niya naiwasang maibahagi kay Janna ang kaniyang nararamdaman no'ng sabay silang kumain ng lunch. "E, baka naman kasi.. inlababo ka na sa boss natin," kinikilig na sabi ni Janna habang kumakain sila sa may canteen. "Naku, hindi 'no! Nagkataon lang siguro na magkamukha sila.." pagtatanggi niya. In fact, ay medyo nagbago na rin kasi ang pangangatawan ni Thyrone kumpara noong high school pa lamang sila, dahil mas nag-matured at gwapo na ito. Kung kaya't hindi na rin maisip ni Gethca na ito ang unang lalaking minahal niya. "Pero, posible namang may taong magkamukha, 'di ba?" "Oo, pero nasa sa'yo 'yan kung paano mo ima-manage ang nararamdaman mo. Hindi mo p'wedeng gawing excuse ang inis at affection na nararamdaman mo nang dahil lang sa magkamukha sila. Isipin mo pa rin na kahit magkamukha sila ay mayroon pa rin silang pagkakaiba." Hindi niya alam pero labis na nakatulong para sa kaniyang paniniwala ang mga sinabi ni Janna. Nadagdagan pa ang kanilang kwentuhan habang kumakain hanggang sa nagpasya na silang bumalik ulit sa trabaho. At doon lamang sila naghiwalay ni Janna nang kailangan na nilang maghiwalay ng daan. Kapansin-pansin ang kaniyang malalim na iniisip habang patungo ng opisina ni Thyrone. Pero agad siyang napabalik sa may likuran ng pintuan ng office nito nang dahil sa kaniyang nakita. Animo'y naistatwa siya mula sa kinatatayuan at halos matutop ang kaniyang bibig. Because she can't believe on what she have seen. It's when Thyrone and Ivory were kissing.. At pangalawang pagkakataon ay unti-unting nadurog ang kaniyang puso at tila nagpira-piraso ito. Aaminin niyang may parte sa puso niya na nahihiwagaan kung paano kasing sakit ng lumipas ang nararamdaman niya ngayon. "Hindi mo dapat nararamdaman ito ngayon, Gethca. Hindi mo siya mahal," pilit niyang ipinaiintindi sa sarili. At halos mabaliw siya sa kahihiyan nang ma-realized niya na pinagtitinginan na siya ng kaniyang mga ka-officemate, habang 'yung iba naman ay mahina siyang pinagtatawanan. Dahil nakasandal pa rin kasi siya sa may pintuan ng office! "What's wrong, Ms. Silvestre?" tanong sa kaniya ni Mrs. Gomez. "Ah-- eh--" Sasagot pa lang sana siya nang bumukas ang pinto at tumambad sa kaniyang harapan ang magkahawak na kamay ng dalawa. Napatitig siya sa magkahawak na kamay na iyon at pinilit ngumiti. "Excuse me? Hindi mo ba papadaanin ang isang diyosang katulad ko?" taas kilay na sabi nito sa kaniya. Pero hindi siya nagpatalo sa babaeng ito. Bagama't batid niya na sa puso ni Thyrone ay wala siyang pwesto roon. Doo'y itinaas niya rin ang kaniyang kilay na nagpaawang ng labi nito. "How dare you?" Narinig pa niyang angal ni Ivory habang siya naman ay lihim na natatawa sa sarili. Lumipas pa ang ilang oras at nalalapit na rin ang oras nang pag-uwi. Kaya minabuti niya na lamang na mag-focus sa trabaho at sarilinin ang nararamdaman. "Gethca," pagtawag ni Thyrone sa kaniya dahilan para mawala siya sa focus, gayunpaman ay pilit pa rin niyang inaaliw ang sarili sa ginagawa. "Yes, Sir Thyrone? May kailangan po kayo?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa screen. Pilit niyang ipinapakita na hindi siya naapektuhan sa nakita kanina. Napuna niya na sumandal ito sa may swivel chair habang nakatingin sa kaniya. Animo'y ginagalaw-galaw nito ang baba na mas nakadagdag sa kakisigan nito. Bagama't nagtatalo ang kaniyang puso at isipan dahil sa hindi niya pa rin makalimutan ang nakita kanina na kung maaari ay maubos na ang oras at tumakbo ito ng mabilis upang makaiwas sa presensya ni Thyrone, ay hindi niya maitatangging malakas ang epekto nang pagtitig nito sa kaniya. "We need to talk." Sa sarili ay naisip niya kaagad kung para saan pa ba ang pag-uusapan nila gayong malinaw na sa kaniya ang lahat na walang special treatment ang pagiging mabuti nito sa kaniya nitong nakaraang araw. Hindi niya namalayan na nasa labas na sila ng building at kasabay ng malamig na simoy ng hangin ay ang malamig na pagitan sa kanilang dalawa. At sa ilang minutong lumipas ay hindi niya namalayang napapayag na pala siya nitong makausap. "Gethca, I just need to tell you something." Tila ayaw gumalaw ng kaniyang kamay sa narinig. At kahit batid niya na imposible ang iniisip niya nang dahil sa nakita kanina na kasama nito si Ivory, ay umaasa pa rin siya na maganda ang mga salitang maririnig mula rito. "Go on." Narinig pa niya ang pagbuntong hininga nito. "Starting from now, huwag mo na akong hahayaang mapalapit sa'yo. Masyado ka lang nag-e-enjoy sa company ko pero in the end, masasaktan ka lang." Halos kumurap ang mga mata niya sa narinig. Tama naman si Thyrone, in the first place ay hindi na dapat siya napalapit dito. Dahil kahit anong mangyari ay hindi niya dapat magustuhan ang isang taong kamukha ng taong sinaktan siya noon. Pero bago pa man siya makasagot ay inunahan na siya nito, "I don't want you to expect anything from me. Kung ano man ang mga ipinapakita kong kabutihan sa'yo ay huwag mong bigyan ng kahulugan, Gethca." Bumilis ang t***k ng puso niya ngunit hindi dahil sa kilig kundi sa kaba na nararamdaman dahil iyon na yata ang isa sa pinakamasakit na narinig niya. After all these years ay muli na naman siyang nasaktan. Without knowing how ironic what life was, cause the man who hurt him again is the same person that could hurt her before. Pero, ano kaya ang sasabihin niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD