HINDI PA pala natatapos ang araw na iyon para sa kanila dahil matapos nilang magpunta sa museum ay dinala siya nito sa isang park, kung saan ay maaliwalas din ang ambiance. May mga naggagandahang bulaklak na nakadagdag sa ganda ng park. Mga batang masayang naglalaro at mga vendor na nagtitinda ng sari-saring pagkain.
"Ang ganda rito, pero.. bakit mo po ba ginagawa sa akin 'to, sir?" tanong ni Gethca sa kawalan.
"It's because, I just want to make it up to you."
Bahagyang napakunot ang noo ni Gethca sa sinabi ni Thyrone at sandaling naalala ang minsang pagsusungit nito sa kaniya. "Ano ka ba, sir. Hindi mo naman po kailangang bumawi. I am one of your employee at natural lang minsan na masungitan mo o masigawan."
"Gethca, hindi lang naman tungkol sa pagbawi sa'yo ang nais ko. You have to listen to me, I am doing this because.. I wanted us to be friends." Natigilan na naman siya sa narinig. Pakiramdam niya'y sobra-sobra na ang pagbawi nito sa kaniya simula pa kagabi. Tapos ngayon ay aalukin siya ng isang friendship. Kaya naman hindi niya magawang makapag-react.
Pero sa huli ay walang alinlangan niyang tinanggap ang pakikipagkaibigan nito. "Sure po, sir.. and it's my pleasure to be your friend," nakangiti pa niyang sabi.
Walang kamalay-malay si Gethca na ang taong kinamumuhian niya mula noon ay ang siyang kasama niya ngayon. Noong una niyang makilala si Thyrone ay naalala niya ang first love at first heartbreak niya rito. Pero hindi niya iyon pinansin, naisip niya na lang na, "Imposibleng mangyari ang iniisip niya. Maraming tao sa mundo at posibleng magkamukha lang sila ni Tyler. Paniguradong kahit masungit si Sir Thyrone ay may mabuti siyang kalooban."
Nagbago na kasi ang personality ni Thyrone, bukod sa mas naging manly ang kaniyang boses ay mas lumaki pa ang kaniyang muscle, maging ang matipunong dibdib kung kaya't mas lalo itong naging attractive sa mga kababaihan. Kaya siguro ay hindi na siya nakilala ni Gethca, gayong ilang taon na rin ang lumipas, subalit si Thyrone ay hindi pa rin pinapatulog ng alaala. Masakit na alaala, na para sa kaniya ay sana.. hindi na lang nangyari.
Sadyang napakaliit ng mundo sa kanilang dalawa. At ngayong pinagtagpo silang muli-- wala ng ibang nais si Thyrone kundi ang maging maayos ang lahat.
Pero paano nga ba magiging maayos ang lahat kung ang sikreto niya ang palaging gumugulo sa kaniyang isipan?
Paano niya malulusutan ang tadhana, kung ito na mismo ang naglalapit sa kanila?
-
Seryosong nakaupo si Thyrone sa kaniyang opisina nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Gethca. Speaking of Gethca.. kanina lang ay iniisip niya ito.
Laman pa rin kasi ng isipan niya ang nangyari kahapon. Kung gaano kagaan sa kalooban niya na bumabawi siya sa dalaga sa ibang paraan.
"Sir Thyrone, may bisita ka po," kaswal na wika nito. Kaya naman bahagyang napataas ang kilay niya at mula sa pinto ay agad na sumilay ang bisitang tinutukoy ni Gethca.
Napatango si Gethca bago pa man ito umalis at naiwan silang dalawa ng kaniyang bisita.
"Attorney.." nakangiti niyang bungad dito.
"Thyrone," pagbati rin nito.
Nakipag shake hands ito sa kaniya at umupo sa harap ng table niya.
"Kumusta, Atty. Relleza?" Napatitig siya sa mga mata nito. Ito ang tumulong sa kaniya two years ago para mapalitan ang kaniyang pangalan bilang pagtalikof sa nakaraan. Subalit dala-dala pa rin naman niya ang kaniyang middle name.
"So fine, Mr. Thyrone. I came here just to ask you something." Napasandal siya sa swivel chair habang nakatitig kay Atty. Relleza.
"And what is it? Tungkol ba 'yan sa pagkatao ko?"
"Yes of course. Two years na ang nakalipas magmula nang magpalit ka ng pangalan, at hanggang ngayon ay hindi mo pa sinasabi sa akin ang dahilan." Napaawang ang bibig niya sa narinig. Matagal na rin kasi siyang kinukulit nito tungkol doon pero madalas lang niyang isini-segway ang usapan.
Napabuntong-hininga siya. Naisip niya na baka tamang panahon na para sabihin na rito ang dahilan.
"Sigurado ka bang gusto mong malaman?" Napataas ang kilay nito at saka walang alinlangang napatango. Kaya naman humugot siya ng lakas ng loob para sabihin ang mga katagang, "Well, it's unbelievable.. b-because the reason behind my disguise is my secretary." Nanlaki ang mga mata ni Atty. Relleza.
"And why it could happened? Hindi mo ba naisip na maaaring ikapahamak mo iyon?" Napangisi siya.
"Attorney. I'm sorry pero buo ang desisyon ko sa pag-hired sa kaniya. At kung malaman man niya ang totoo.. ay tatanggapin ko ang magiging resulta. Ang mahalaga ay.. bumabawi ako sa kasalanang nagawa ko, noon.." Tumawa ito nang mahina, tila hindi makapaniwala sa sinabi niya.
"Is that you, Tyler?" Napakunot ang noo niya sa pagtawag nito sa totoo niyang pangalan.
Kung maaari ay ayaw na niyang marinig pa ang pangalan na iyon. Ayaw niyang maalala ang kaniyang kasamaan dati, kung gaano karami ang babaeng pinaluha niya at isa na roon si Gethca.
Kinagabihan ay nadatnan na naman ni Janna si Gethca na seryosong nakatutok sa monitor ng laptop.
"Girl, don't tell me na mag-o-OT ka na naman?" Napa-rolled eyes naman si Gethca at napatingin sa kaibigan.
"Wala naman magandang dadatnan sa bahay kung maaga akong uuwi," sabi niya habang seryoso pa rin na nakatitig sa monitor.
Doo'y napataas ang kilay ni Janna. "Seryoso, girl? May problema ka ba?" nag-aalalang tanong nito.
Pero nasa ganoong sitwasyon sila nang biglang bumukas ang pinto ng CR ng opisina at parehas silang natulala sa nakita.
Bagong ligo ito at naka-topless lamang si Thyrone!
"O, my gosh, girl! Hindi mo naman sinabi na--" hindi na naipagpatuloy ni Janna ang sasabihin dahil palapit na si Thyrone sa direksyon nila. Halatang nagulat rin ang itsura nito nang madatnan pa sila sa office.
"O, Gethca at Janna? Akala ko ay umuwi na kayo?" Subalit natigilan siya nang hindi man lang nakapagsalita ang dalawa dahil nakatitig na ito sa six pack abs niya! "O, sorry," dali-dali niyang itinapis ang tuwalya. He never thought na nakalimutan niyang magtapis ng tuwalya. Kadalasan kasi kapag ganoong oras ay siya na lamang ang natitira sa office.
"Nainitan kasi ako kaya naisipan kong maligo.."
Gethca's running in her mind,
"Seryoso? Ang lakas-lakas kaya ng aircon."
Napatingin naman si Janna kay Gethca na fitted ang dress at kitang-kita ang curve ng bewang na lalong nag-pasexy dito. At napangisi na lang siya sa mala-green niyang kaisipan.
"Halika na, Gethca, ah, sir? Uuwi na po kami ah?" sabi ni Janna at saka dali-daling hinila si Gethca hanggang sa makasakay sila ng elevator.
Pagkarating doon ay isang nakabibinging tili ang pinakawala ni Janna.
"O, my gosh, girl! Hindi ko na kaya! 'Yung abs!" Hinampas-hampas pa siya nito dahilan para matawa siya sa kaibigan. "O, bakit ganiyan ang reaksyon mo? Don't tell me, walang epekto 'yun sa'yo?" Napailing lang ito nang hindi siya makasagot. "Whatever, Gethca! Basta ang hot-hot niya!" Pinandilatan niya ito ng mga mata dahilan para matauhan ito.
"Ay sorry, sabi ko nga sa'yo lang siya, e." Napahagikhik pa ito na tila nang-aasar kaya naman awtomatikong bumilis ang t***k ng puso niya.
Nang makauwi si Gethca sa dorm na tinutuluyan ay nadatnan niya si Lei. Seryoso itong nakaupo sa may sofa at nang makita siya ay sinalubong siya nito ng yakap.
"Ano ba, Lei!"
"I'm really sorry, Gethca.." Doon napakunot ang noo niya. Kung maaaring kailangan niyang magpanggap na walang nalalaman ay gagawin niya.
Pero bakit ba ito nagso-sorry sa kaniya? Alam na kaya nito na may nalalaman siya?
"Lei, I don't know what are you talking about, why are you saying that?"
"Damn it! I saw your jacket last, last night kaya nagduda na ako na may nalalaman ka.." Bigla niyang naalala ang hinubad niyang jacket sa may sofa nang gabing iyon.
Pero imbes na sagutin ang binata ay sinagot niya rin ito ng patanong, "Nasaan ang jacket?"
"Nasa car. Don't worry dahil hindi ko iyon pinaalam kay Dev--" Natigilan ito nang lumapat ang kamay niya sa mukha nito..
At mariin niyang sinabi sa binata ang mga salitang kanina pa niya nais sabihin dito, "You don't have to tell everything. Malinaw na sa akin kung ano ang nakita at narinig ko."