I was having my peaceful night alone in my room when my someone knocked on my door. I tore my eyes off the tv screen and look back.
“Hey.”
I smiled when I saw my father peeping on the door. Mukhang kararating lang nito galing Manila. He's been there for a week now. Ang alam ko inaasikaso ito kasama si Tito Kaisen. Artemis went in manila too at kakabalik lang nito kahapon, she said she had a shoot there. Wala naman siyang paki doon pero lagi parin siya nitong iniinform.
Bumaba ang tingin nito sa paa ko habang papalapit.
“Your mom told me you injured yourself. Are you fine now?” tumabi ito sa kaniya.
I nodded and looked down on my feet. It's been four days at medyo okay naman na ito. Baka pwede na ko na iyong tanggalin sa Monday.
“Yes. Medyo hirap lang po ako sa paglalakad saka natatakot akong igalaw. Sabi ni Doc Axel one to three weeks pa to gagaling.”
“Axel?”
“Oh, yung pinsan pong doctor ni Kaius. He's the one who checked and wrapped my feet.”
Bahagyang kumunot ang noo nito but after a seconds, his face brightened like he recognized him.
“Ah! Si Auxelery! I know him, he's a good doctor. Sige lang at ipaaabot ko ang pasasalamat ko sa kaniya bukas.” pagtango nito. “Next time don't use that stunt again. Paano na lang kung wala si Kaius o ang ate mo nang mangyari to sayo? You're lucky it's not that serious.”
Kung wala siya doon, siguradong hindi mangyayari to sa akin. Gusto kong isaboses.
“Alam kong maluwag ako sa iyo thea, pero pag may ganito nang nangyari ibang usapan na yun.”
Napanguso ako. “Naiintindihan ko pa. Mag-iingat na ako next time.”
“Next time?” tinaasan siya nito ng kilay.
I chuckled. “Baka lang naman makalusot.”
Napailing ang papa niya.
“Dad.”
Sabay kaming napalingong mag-ama nang marinig ang pagtawag dito. Nakita nila sa hamba ng pintuan si Artemis.
“Yes anak?” attentive na tanong ng ama nila.
“Kelangan po kitang makausap.” anito.
“About what?”
Artemis glance at her before smiling.
“Mag-usap na lang po tayo sa library. Mom's wating there.”
“Uh, okay.”
Her father tapped her head before standing up. “Let me know if you need anything. Nasa library lang kami.”
Tumango ako. Nang makuha ang response ko ay naglakad na ito papalapit sa kapatid niya na nag-aantay.
When her father got near, she immediately showed her phone to him like there's something in there that he needed to know. She looked troubled. Ni hindi ito bumati sa kaniya, though she smiled. What could it be?
Napatingin ako sa phone ko na kanina ko pa hindi pinapansin. Hoping to have some chika, I opened it. There was a message from Quin and Ica. Nang buksan ko ito ay nakita ko ang isang link na isenend niya.
[Omg! You need to see this!]
Nagsalubong ang kilay ko at nacurious na rin. I clicked the link and it automatically directed me to an article. An article about my sister, Artemis. Nagloload pa ang photo na naka-attach kaya hindi ko agad nakita kung sino ang nandoon but the caption states that she cheated behind Kaius back.
“What the heck?” I exclaimed and scrolled down.
A month after the marriage announcement of Kaius Monteagudo and Artemis Pontavera, both were seen publicly spending time with each other. But yesterday, 19th of October, Artemis was caught being intimate with her co-model Carl De Dios while leaving the airport. Not so long ago, there were rumores spreading that the two were actually dating... bla, bla, bla.
I straightened my back when I saw Artemis holding hands with Carl De Dios, sikat na modelo din. Kahit nakasumbrero ito at itinatago ang mukha ay nakilala parin ito. Sino bang hindi? He's a popular icon. His face was all over their province. Matagal na rin itong nakalink sa babae. I zoomed the photo and by the looks of it, parang sinundo pa ito ng lalaki! Sa parking iyon sa labas ng airport, tila hinihila ng lalaki si Artemis papuntang sasakyan nito.
Nagkakagulo sa comment box ang mga fans ng dalawa. Naglabasan yung mga litrato na kuha noon nung nililink pa na may relasyon ang dalawa. Their privacy were invaded again. People started to bash her sister because she clearly cheated behind Kaius. They were starting to leave mean comments about her.
“May relasyon sila? Is this true?”
I mean, hindi sa naniniwala ako sa article na iyon pero pareho silang sikat. They should have been more careful. Pero kung meron nga silang ugnayan na dalawa, paano na ang kasal nito?
Inabot ko ang saklay at naglakad palabas ng kwarto. Medyo hirap pa ako sa paglalakad at paggamit nun kaya nangangapa parin ako ng makakapitan. Luckily, I made it infront of the library's door.
“Ang sabi mo kahapon, may susundo na sayo. Yun ba yung lalaking to?”
“Opo.”
She heard a gasp.
“Artemis naman! Look what happened? Hindi mo parin ba nakikita? You're all over the news!” I can hear my mother's voice inside. Obviously, she's mad.
“Alam na ba nung De Dios na yun ang tungkol dito?” my dad asked.
Mas nilapit ko ang tenga ko sa pinto dahil hindi ko marinig ang sagot ni Artemis.
“Ano na lang ang sasabihin ng mga Monteagudo sayo? You said you won't get into trouble. May dinner pa naman tayo kasama sila sa Saturday, i-seset na yung date ng kasal niyo Artemis! Ano na lang ang sasabihin natin?”
“Thea.”
I was startled when I saw manang Olga standing behind me. Sa likod nito ay ang lalaking tinatanong ng papa niya kanina sa kapatid. Carl De Dios.
He simply nodded at me. Manang Olga excuse and open the door for him. Umatras ako para makadaan siya. Nanuot sa ilong ko ang pabango niya, sa porma nito mukhang galing pa ito sa isang shoot at dito agad ang diretso.
Bakit pa siya nagpunta dito? Paano kung may nakakita o nakasunod sa kaniyang media? Dadagdag lang ito sa problema nila. Hindi ba ito nag-iisip?
The door was about to close pero pinigilan ko iyong sumara sumunod sa lalaki sa loob ng library. Gusto ko ring malaman kung anong pag-uusapan nila sa loob. Napalingon ito sa kaniya, I raise my brows at him.
“What? Bahay mo?” I whispered. Subukan niyang palabasin ako, makita niya.
He looked away.
“Carl.” tumayo si Artemis ng makita ang lalaki.
“Did you just—! Did you invited him knowing that the media are all eyes on you right now?! Hindi ka ba nag-iisip Artemis?”
“Veronica.”
“Oh my god. I just can't believe—”
“Veronica! Will you calm down for atleast a second? Wala na din namang magagawa yang mga sinasabi mo. Nandito na siya! Let him talk, for goodness sake!”
Tumaas ang balikat ko sa biglaang pagtaas ng tinig ni papa. My mother look flustered too. Umupo si Papa sa swivel chair nito at sinenyasan ang dalawa na nasa harap na maupo.
But Carl remain standing with his calm and composed face, kaya nanatili na ring nakatayo si Artemis. May pagtataka ko silang tiningnan. They look like a couple who will confessed their love affair.
Our father watched them intently. Pairap irap naman ang mama nila habang nakakrus ang kamay sa dibdib na nakaupo sa sofa.
“Now tell us, was that article true? May relasyon ba kayong dalawa nitong anak ko?” diretso at seryosong tanong ng ama nila. Ang mata nito ay nakikipaglabanan kay Carl.
Dahil nasa likod nila akong dalawa, kitang kita ko kung paano kumapit si Artemis sa damit ni Carl, like she's afraid. Na parang sa paraan na iyon doon siya kukuha ng lakas.
How dare she. If it's true, paano niya nagagawang ngumiti sa dalawang lalaki na hindi iniisip yung mararamdaman ng isa.
“Yes, sir.”
I gritted my teeth to stop my self from cussing.
“What?” her mother hysterically said. “Nababaliw ka na ba? Alam niyong pareho na hindi kayo pwede!”
“Ma...”
Carl held Artemis hand to stop her from talking. Parang sinasabi nito na ito nang bahala.
“Sabihin niyo nang baliw ako, but we're in a relationship before you decided to let her marry that Monteagudo.”
Napaawang ang bibig ko. Hindi rin nakapagsalita si Mama. Matagal na sila pero walang sinabi si Artemis.
“Baliw?” he nodded. “Yes, mukhang malapit na po akong mabaliw kakaisip kung hanggang kelan na lang kami. Kung kelan sasabihin ni Artemis na itigil na namin yung relasyon na kung iisipin kami naman ang nauna.”
“At matagal nang kayo?”
“Opo.” her sister answered.
“I respect you as her parents, but I can't let her marry other man. Mahal po namin ang isa't isa. I'm willing to marry her if that's what you want.”
I can't take it anymore. Ayoko nang pakinggan yung mga sasabihin niya. Kasi ramdam ko yung sakit sa mga salita ni Carl. I quietly turned my back at them and get out of the room with a heavy heart.
Bumaba ako at nagpuntang garden. I looked up and watched the beautiful moon. What will happen now? Bakit nalulungkot ako? Sa lahat samin, ako dapat ang maging masaya. If my fathers decision change, it will benefit me.
Kung nung simula pa lang ako na ang pinili nila hindi sila magka-kaproblema ngayon.
“Hay, buti ka pa pailaw ilaw lang.” kausap ko sa buwan.
I slept early that night. Dumaan ako sa library pero hindi na ako sekretong nakinig gaya ng ginawa ko kanina. I want peace of mind.
[“How's your feet?”]
Napabangon ako sa kama nang makita ang mensahe na natanggap mula kay Kaius. I sent a picture of my injured feet the next day the accident happened pero wala itong reply sa kaniya. Ngayon after four days, pahow's your feet, how's your feet siya?
Pinatay ko ang phone ko at nagstretch ng katawan habang nasa kama. Marahan akong bumaba ng matapos. I was so slow when doing my morning routine. Naghilamos lang ako at nagtoothbrush saka naisipang bumaba. I did not use my saklay anymore, pero paika ika ako.
Papasok na sana ako ngayon sa school but classes were postponed due to heavy typhoon. Nang silipin ko sa labas ay patuloy parin ang ulan. It was eight o'clock in the morning but it looks five becaude of the gloomy weather.
Pababa na ako nang makitang bumukas ang pintuan ng library ni daddy. I saw my mother walking out of the door.
Hindi parin ba tapos ang diskusyon nila kagabi?
Napatingin ito sa banda niya. Bumuka ang bibig nito at sa hindi niya inaasahan, ngumiti ito sa kaniya ng matamis.
“Oh! You're awake.” lumapit ito sa akin at humalik sa pisngi. “Good morning.”
May pagtataka ko siyang tiningnan. “Morning.” I greeted back.
“Nasaan ang saklay mo? Okay na ba ang paa mo bakit hindi mo ginamit?”
Eh?
“Nasaan na ba si Delia.” nagpalinga linga ito at hinanap sa paligid ang katulong.
“Hindi na ma. Kaya ko na.”
“Sigurado ka?”
Napasuklay ako sa buhok. What's up with her? Naninibago ako sa kilos niya.
“You didn't comb your hair?” tinulungan siya nitong ayusin ang buhok. Nakatitig lang ako sa kaniya habang ginagawa iyon.
“You should have dress up. Anyway, you're still pretty.” anito.
Inilayo ko ang sarili ko sa kaniya. Ganoong mga galawan kasi ang ginagawa nito kay Artemis. “Thanks, pero bababa na po ako.”
Natigilan ito at naibaba ang kamay pero maya maya pa ay tumango. “Mabuti pa nga para may kasama naman yung bisita natin sa ibaba. Ikaw na munang bahala sa kaniya Thea. May inutos pa si Papa mo sa akin.”
Wala sa sariling tumango ako. She left so I continued walking down. Sinong bisita naman yung dadalaw sa ganitong panahon?
Si Carl ba? Pero maganda ang mood ng mama niya. Imposible namang close agad sila pagkatapos mangyari yung kagabi.
“Right. Nakalimutan kong itanong anong nangyari sa pag-uusap nila kagabi.”
I made it to the dining and was astonished when I saw Kaius comfortably drinking his coffee, while his eyes was on his phone.
“Gising ka na pala iha. Sandali at ipagtitimpla kita ng kape mo.” biglaang litaw ni manang Olga sa tabi ko.
Kaius look sideways and met her eyes. Naibaba nito ang phone na nasa kamay.
“Hindi na manang. Ako na po ang gagawa.”
“Oh, sige. Ikaw ang bahala. Maglilinis lang ako sa sala. Tawagin niyo lang ako pag may kailangan kayo.”
Tipid na nginitian ko ito. Nagpaalam din ito kay Kaius.
“You woke up late.”
“And you visit so early. Hindi ba umuulan sa inyo?”
Inatras nito ang upuan sa tabi.
“Pagpunta ko dito hindi pa umuulan.” he motioned his head to the seat. Tiningnan ko lang iyon.
“Seat.”
Napakurap ako. “Sa tabi mo?”
“Nakita mo bang inatras ko yung upuan sa harap ko?” pamimilosopo nito.
“Punyeta.”
Hindi ko napigilang murahin ito. Iritableng umupo ako sa upuan. Nasaan na ba si Artemis?
“Masanay ka nang malapit sa akin.” anito.
I look at him cluelessly.
“At bakit naman? Gusto mo ngang lumayo ako sayo diba? Ano to ngayon?”
Ang weird ng mga tao ngayon. Humigop ito sa kape na nasa harap at saka lumingon sa kaniya.
“I take it back. Hindi magandang tingnan kung yung fiancee ko mailap sa akin diba?” he hoarsely said while straightly looking at me.
F—Fiancee what?! At bakit nakatingin siya sa akin?
Something hit inside my head but I don't want to recognize it.
“No way...”
Ngunit ng makita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya para sa isang pagngisi ay tila senyales iyon na tama ang hinala ko.
“Good morning, love.”