"Ganiyan rin ba sila sa bahay niyo?"
Tiningnan ko si Ica. Ininguso nito ang harap kung saan tila nanonood sila ng pelikula na ang bida ay si Artemis at Kaius. Kasalukuyan kasing tinutulungan ng lalaki na ipasuot sa kapatid ang roba nito dahil kakatapos lang ng last shot ng nito. Nagpapasalamat na ito ngayon sa mga katrabaho na siyang nagliligpit na.
Rinig niya ang tawa ni Quin na nasa tabi niya lang.
"Bagay sila-."
Sinamaan niya ito ng tingin. Naubo ito sa iniinom na juice. "Bagay sila pero nakakaumay sis! Walang chemistry."
"Pula puti ka ring babae ka."
"Bakit ikaw?"
"Siyempre sa kaibigan natin yung boto ko no."
"Ows. Parang kahapon lang may pasabi sabi ka pa ng team Ox ka na. Anong nangyari dun?"
Nagsalubong ang kilay ko. Pati yung nananahimik na si Ox dinamay na nila. Jusko.
"Masama ba kung dalawa ang team ko? Naniniguro lang sis pag natalo sa isa wag iiyak kasi may isa pa. Ganun dapat."
“Ang sabihin mo, salawahan ka lang talaga!”
Napailing ako at tumayo na mula sa pagkakaupo sa maliit na kubo. Maliligo na lamang ako kesa pakinggan ang away ng dalawang babae. Narinig niya ang kaluskos ng dalawa na sumunod naman sa kaniya.
"Sige na kasi Thea, lapitan mo na." pamimilit nito.
"Ayaw niya nga sa akin."
"Sinabi niya ba sa harapan mo na hindi ka niya gusto?" parang teacher na tanong sa kaniya ni Quin.
Umiling ako.
"Oh, edi hindi mo sure sis! Lapitan mo na kasi saka namin oobserbahan kung nagkukunwari lang ba siyang walang effect yang charms mo sa kaniya."
"Oo nga. Ngayon kasi yung mga lalaki na yung pahard to get."
"Sadista din kayo e no? Alam niyong masasaktan lang ako gusto niyo paring gawin ko."
"Hindi ganun sis."
"Pero kung yun ang iniisip mo, sige lang."
"Sige lang?" I just can't believe it. Napailing ako. These two.
Nagngisihan ang dalawa.
"Oh, maliligo na kayo?"
Huminto sa harap nila si Artemis at Kaius. Her sister is smiling at them. The three of us automatically exchanges look.
"Oo. Pinatapos lang namin yung pagkuha sa iyo baka kasi mahagip kami sa litrato. Wala pa naman akong balak maging model." Ica said and started doing poses.
Artemis chuckled. Sa ganitong bagay talaga magaling ang kaibigan niya.
"Ang kapal din natin Ica no?" komento ni Quin.
"If you like modelling, I can help you. Pwede kitang ipakilala sa kakilala kong agent."
Nanlaki ang nga mata ni Ica at iwinagayway ang kamay sa harap.
"Luh, biro lang Artemis. Wala akong balak no."
"But you can try. Baka magustuhan mo rin tulad ko."
“Err, pag-iisipan ko. Sige, doon na kami.” hinila na sila ni Ica pero muli itong lumingon sa dalawa. “Maglalaro nga pala kami baka gusto niyong sumali. Pero kung gusto niyong mapag-isa, okay lang naman. Naiintindihan namin.”
Kita niya ang pagliwanag ng mukha ni Artemis. “No. We'll join you. Right?” baling nito sa katabi.
Kaius shrugged his shoulder. “Ikaw.”
Tumili si Ica. “Yes! Sige, antayin namin kayo doon.” turo nito sa tubig na parang bata.
“Okay. Susunod kami.”
“Olala. Ang ulam naman niyan!” pasimpleng kinurot niya sa ilalim ng tubig si Ica.
Nakabalandra kasi sa kanila ngayon ang magandang katawan ni Kaius. Wala itong damit pang-itaas habang inaalalayan pababa si Artemis.
“I can show you the world! Shining shimmering—Aray! May nangungurot—este nangangagat!”
She glared at her, pero lumapit ang babae sa kaniya at bulong ng bulong.
“Lumambitin ka na ba diyan?”
“Gaga. Isara mo yang bunganga mo.”
Humagikgik ang dalawang babae sa tabi niya. Paputol putol na ang pagsasalita nito sa kakatawa.
“Ang laki ng muscles. Yung ano kaya?”
Sinabuyan niya ng tubig si Ica.
“Yah! Biro lang e. Pero alam mo ba ang rate niya sa mga past fling niya?”
I tried to cover my ears. She's making me imagine things, for heaven sake!
“Shut up! Ilulunod kita dito ngayon!”
She grinned.
“Daks.” kindat nito.
I groaned and tried to pull her hair but she ran away laughing.
“Okay! Nandito na sila, let's start the game na! Pairing tayo hanap na kayo partner.” palakpak nito na tila walang nangyari.
Napasimangot siya nang maisip kung anong laro ang gagawin nila. Nakalimutan niya kung anong tawag doon pero yun yung sasampa ang babae sa balikat ng kapares nito saka magtutulakan sa ibang pares. Ang matutumba ay tanggal na sa laro.
Si Alex ang naging kapares niya. Ito naman kasi lagi ang kapares niya sa larong yun. Lihim na napasimangot ako nang makitang mahigpit ang kapit ni Kaius sa paa ng kapatid ko na siyang nakikipagbunuan ngayon kay Ica. His biceps are showing at agaw pansin iyon. Hindi naman talaga magaling at malakas sa pagtulak si Artemis pero dahil mahigpit at matigas ang pondasyon nito ay hindi agad ito natatalo. Kaius was good in controlling his body.
Wala siyang ganang maglaro kaya napatumba agad siya ni Quin na nakasakay sa balikat ni Troy.
"Yung mga natalo akyat na sa itaas ng talon!"
"Madaya kayo! Babawi kami mamaya." reklamo ni Quin. Binlackmail daw kasi siya ni Ica kanina kaya natalo siya.
Sumunod na siya kay Quin at Troy na katulad niya ay talunan din. Alex help her climb, hanggang sa nakatayo na silang apat sa itaas. Tanaw nila ang mga kaibigan na nanonood sa gagawin nilang pagtalon.
It wasn't their first time doing this together. Pag naliligo sila sa talon heto ang bagay na hindi nila nakakalimutang gawin kaya wala nang takot sa dibdib nila. Instead, it was filled with excitement.
"It's been a long time!" nakadipang pumikit si Quin.
"Gawin niyo na!" umalingawngaw ang sigaw ng kaibigan ibaba.
Naghawak kamay sila ni Quin habang ang dalawang kasama ay ready na sa pagtalon. Hinanap ng tingin niya ang pares ng mga matang gusto niyang makita.
"On the count of three."
"One."
And she caught it directly staring at her.
"Two."
Hindi pa man tumatalon ay kinapos na siya ng hininga. It was like his stares are taking all air in her body. Kaya umaasa ako e. Kung makatitig din kasi.
"Three!"
She was startled when Quin shout and jump. Dahil hawak siya nito ay nahila siya nito sa pagtalon. Salungat sa tatlo ay hindi siya nakatalon ng maayos.
"Ah!" their voice echoed.
"s**t!"
Mabilis na pinikit ko ang mga mata ko nang bumagsak ang katawan namin sa tubig. Ni hindi ko nakita ang lalandingan ko. Nilamon ang buong katawan ko ng tubig pero napangiwi ako nang naramdaman ko ang pagtwist ng ankle ko sa kaliwang paa.
I groaned in pain. Ginamit ko na lang ang isang paa at mga kamay para makaahon. Ang sakit ng kaliwa kong paa kaunting galaw lang ay parang may ugat na naiipit doon.
"Thea!" agad na lumapit sa kaniya si Quin nang sa wakas ay lumutang siya. Worry is prrsent in her eyes.
"You okay?"
Nagulat siya ng biglang sumulpot sa tabi niya si Kaius at hinawakan siya sa braso. She bit her lips, kasi naiiyak siya sa sakit na nararamdaman ngayon.
"I-I twisted my ankle." my voice cracked, kasi sobrang sakit.
They gasped.
"Sabi na e." Alex hold her waist for support.
"I'm sorry Thea. Hindi ko nacheck kung handa ka na ba sa pagtalon kanina. Basta na lang kitang hinila."
Umiling ako. Hindi naman kasi talaga nito kasalanan.
"Cut the crap. Kelangang macheck agad ang paa niya." Tumalikod si Kaius sa kaniya. His broad shoulder and back face her. Bahagya itong lumingon sa kaniya. "Come on. I'll help you up."
Alex hold in her waist tightened. Nakuha agad niya ang gusto nitong iparating. Wag akong sumunod.
"Ano na?”
He gave Alex an annoyed look.
Agad na bumitiw siya kay Alex at sumampa sa likod nito. Itinago niya ang ngiti sa balikat nito habang nilalangoy nito ang mababang bahagi. Gusto niyang lingunin sina Quin at Ica at ngisihan pero masakit talaga ang paa niya. Isa pa baka isipin ng iba na pinipeke niya iyon.
"Thea? Anong nangyari?"
Lumapit ang nag-aalalang si Artemis sa kanila. Hawak nito ang phone. Kaya pala wala ito kanina mukhang umakyat ito para kunin ang iyon.
Ibinaba siya ni Kaius sandali bago binuhat pabridal style. Hindi niya naitago ang gulat sa ginawa nito. Para namang may sariling utak ang braso niya na agad na pumalibot iyon sa leeg ng lalake.
"Hindi maayos ang pagkahulog niya. I think she sprained her ankle."
Artemis gasped. Bumaba ang mata nito sa paa niya na nagumpisa nang mamaga.
"Sabi na kasing delikado ang gagawin niyo!"
"Ate pwede ba? Masakit ang paa ko. I need to be treated asap! Mamaya mo na ako pagalitan, please."
Medyo nagulat ito sa biglaan niyang pagsiklab. "R-right." tango nito.
Nilingon ni Kaius si Artemis. "It'll be far if I drive her to the hospital. Tatawagan ko na lang ang pinsan kong doctor."
"Okay. Uh, susunod na lang ako. Kakausapin ko lang sandali si Aaron.” tukoy nito sa manager niyang bakla na nasa isang kubo.
“Okay. Sumunod ka na lang sa bahay.”
“A'right.”
Maingat na isinakay siya ni Kaius sa Jeep. He's not saying anything but he is moving fast. Ngayon lang niya naalalang pareho silang basa. And he is half naked, nakalantad sa kaniya ang hubad nitong katawan.
"Here. Use it." mula sa likod ay inabutan siya nito ng tuwalya.
"Salamat."
Habang tinatahak nila ang daan papuntang kung saan ay may kinakausap si Kaius sa phone nito.
"We're on our way. She twisted her ankle." sumulyap ito sa paa niya. "Medyo. Sa bahay, no the new one. Alright, See you there." then he drop the call.
"May pinsan ka bang doctor?" hindi ko napigilang itanong.
"Yeah."
Bakit ngayon lang siya nagkainteres sa mga Monteagudo? Instead of waisting her time to some other guys, bakit hindi na lang isa sa kanila ang pinagaksayahan niya ng oras? Hindi lang ata sila puro mukha lang. Sila yung lowkey lang pero may ibubuga.
Ilang sandali pa ay bumusina ang Jeep nito sa harap ng isang gate. Tanaw niya ang malaking bahay sa loob. Mukhang hindi pa iyon nadadaanan ng panahon. The paint looks new too.
"Seniorito!"
Pinanood niya ang may pagmamadaling pagbukas ng gate ng isang babae nang makita si Kauis.
"Kaninong bahay to?" I asked.
"Mine."
Akala ko ba sa mansyon ito nakatira?
He got out of the car and went to her side. He opened the door for her and lift her up again. His facial reaction didn't change like she wasn't heavy at all.
"Paalis ka na ba?" kausap nito sa babae na siyang bumubukas ngayon sa pintuan ng bahay.
"Opo, seniorito. Pero kung kailangan niyo ang tulong ko pwede naman po akong magnatili muna." anito habang ang mga mata ay nasa kaniya.
"No, it's fine. You can go. Thank you, Mona."
Tumango ang babae. "Sige po." ngumiti ito sa lalaki pati na rin sa kaniya saka umalis na.
Ibinaba siya ng lalaki sa couch. Umalis ito sandali at inabutan siya ng icepack. "Diyan ka lang at wag kang maggagalaw. Kukuha lang ako ng damit."
I nodded like an obedient child. Iniwan siya nito at umakyat sa second floor. I started applying cold compress to my feet. Napangiwi ako nang makitang parang kinagat iyon ng insekto.
Habang inaantay niya ito ay nakarinig siya ng papasok na sasakyan. Sinubukan niyang sumilip sa salaming bintana na nasa likod niya. Mula sa itim na kotse, bumaba doon ang isang lalaki, naka longsleeve na puti na nakapiko hanggang siko nito. Malinis itong tingnan dahil sa pormal na pananamit.
Inayos niya ang pagkakatakip ng twalya mula sa katawan ng kumatok ito.
"Uh, pasok?"
The door opened. Sumilip ang lalaki doon at nakita agad siya.
"Hi." alanganin kong bati.
He tilted his head looking confused for a second. But then he smiled at her, at tuluyang pumasok sa loob.
"Si Kaius?"
He's holding an emergency kit.
"Nasa itaas kumuha lang ng damit. Ikaw ba yung doctor na sinasabi niya?"
He nodded. Bumaba ang tingin nito sa paa niya. "I'm Axel, pinsan niya."
"Althea."
He nodded.
"Can I take a look?" turo nito sa paa ko.
Tumango ako. Lumuhod ito sa harap niya at marahang hinawakan ang paa niyang medyo namamaga na. I flinched as I felt the pain when he check my feet. Naging sensitibo ang paa niya sa konting paggalaw. It is also swelling.
Iniwas ko ang tingin ko kasi hindi ko kayang panoorin ang ginagawa niyang pagcheck. Para kasing dumadagdag iyon ng sakit.
Nakarinig sila ng yabag pababa. Lumapit si Kaius sa kaniya at inabutan siya ng isang tshirt. Sumulyap si Axel sa kanila habang nilalabas nito ang bandage sa box.
“Ano bang nangyari?” tanong nito.
“Nagexhibition sa falls. Kala mo naman gymnast.”
Inismiran ko si Kaius.
“Fyi, ginagawa namin lagi yun. Nagkataon lang na hindi ako nakafocus kanina.”
“Oh? So lagi kang nai-sprain.”
“Ngayon lang nga!” she's starting to get iritated.
She heard Axel smirk. He started wraping the tape around the ball of my foot below my toes and work its way up by wrapping the bandage around my foot and ankle in eight figure pattern.
He finish it by wrapping the bandage twice around my lower leg, inches above my ankle. Ginawa nito iyong magaan ang kamay.
“Done?” Kaius asked when Aaron started to put back his things in the box.
“Yeah. It will heal after one to three weeks. Wag mo lang igagalaw masyado para hindi lumala.”
“Okay. Thank you.”
The phone in his pocket rang. He sighed and stood up.
“I still have things to do in the hospital. Aalis na ako.” tinapik nito sa balikat ang lalaki.
"Thanks man.”
“Teka, can I get your account number? I'll just wire you the payment pag nakauwi na ako. Naiwan ko kasi ang gamit at phone ko.”
He's a doctor. Nakakahiya namang thank you lang yung bayad.
Tiningnan ni Aaron si Kaius.
“It's fine. I'll let my cousin pay for it, nang mabawasan naman pera niya.”
“Shut up. Umalis ka na nga.”
“Wow. Salamat ha?”
She was just there watching the two argue like a kid. Hindi na niya marinig kung anong pinag-uusapan ng dalawa dahil nagbubulungan na ang mga ito habang tinutungo ang pinto palabas.
Ang ginawa niya ay sinuot na lamang niya ang damit na ibinigay ni Kaius. Malaki iyon sa kaniya kaya umabot hanggang legs niya. Napangiti siya ng maamoy ang damit.
Pagbalik ni Kaius ay kasama na nito ang ate niya. So she knew this place? Bumagsak ang balikat ko.
“Kumusta? Sobrang sakit parin ba?” umupo ito sa tabi niya.
Oo, masakit kayo sa mata.
“Medyo.”
“Mabuti naman.”
“Is this your hiding place?”
Napaawang ang bibig ng babae, mukhang hindi inaasahan ang tanong niya. Napasulyap ito kay Kaius.
“No. This will be our home.” sagot ni Kaius.
Their home.
Natahimik ako. Gumuhit ang sakit sa dibdib ko. I tasted bitterness in my mouth but I tried to smile because they both watching my reaction.
“Nice!” I mumbled as I looked around. I don't want them to see jelousy in my eyes.
Ang pangit pala ng bahay.
“Uwi na tayo?” ilang sandali pa ay tanong ko.
Ayoko nang tumagal pa sa lugar na ito. This place started to suffocate me and it makes me feel like a loser.