Chapter 3

2732 Words
Huminto ito sa paglalakad. Tumagilid ito at bahagya akong nilingon. Nadipina ang matangos nitong ilong at adams apple sa ginawa. “Akala ko ba nasagot ko na ang tanong na yan?” Nasagot? Muli ko na namang naalala ang ang sinabi nito kanina sa distillery. Bumuka ang bibig ko pero hindi natuloy ang sasabihin nang may tumawag sa akin mula likuran. “Thea! Tumatawag ang Papa mo.” it was Quinn. Hawak nito ang phone ko na umiilaw ngayon. Narinig niya ang paghakbang paalis ni Kaius kasunod ng pagtunog ng isang sasakyan. So sinumbong talaga ako nito! “Sorry. Nakadisturbo ba? Kanina pa kasi nagri-ring ang phone mo.” sinulyapan nito ang papalayong sasakyan ng lalaki. Bumuntung-hininga ako. “No, it's fine.” baka kung hindi siya umiksena ay tuluyan na akong nawalan ng kontrol. K Huttinuha ko dito ang phone at sumunod na sa babae pabalik. “Uuwi ka na ba?” “No.” Papagalitan din naman siya mamaya pag nakauwi na siya kaya susulitin na niya. Iyon ang ginawa ko, bumalik kami sa loob at nagpatuloy ako sa pagpa-party. Kung akala ni Kaius matatakot ako, asa. Nilunod ko ang sarili sa alak at paghahanap ng malalandi sa gabing yun. Pinatay ko din ang phone ko para hindi madisturbo. Naging maingay ang mesa nila lalo pa at may mga nabingwit na rin ang mga kasamahan ko at doon sa mesa namin nakigulo. “Bakit ka pa bumalik dito? Nandoon ka na sa mesa nila kanina a!” “Nabahag yung buntot ko. Ang susungit ng mga mukha nung ibang mga pinsan. Baka bigla akong singhalan.” Nagtawanan ang mga kaibigan namin ng marinig ang sinabi ni Ica. “Gusto ko na lang ilayo yung sarili ko bago ako masaktan.” emote ng babae na umani ng mura sa mga kaibigan. “Hey, kaya pa?” rinig niyang tanong ni Alex. I groaned at ayaw ng imulat ang mga mata. Nahihilo na ako sa ilaw na nagpapatay sindi. Napaahon ako sa pagkakasandal ng maramdamang nasusuka ako “Im... Im gonna throw up.” tinakpan ko ang bibig. “s**t!” Kahit dumu-doble ang paningin ay nakuha kong tumakbo papuntang cr. May nabangga pa ako na babaeng papalabas doon. Minumura siya nito pero dumiretso na siya sa sink at doon inilabas. Hindi ko na kakayanin pag naglakad pa ako sa isa sa mga cubicle para sa bowl maglabas ng kinain. I turned on the faucet. May pumasok sa loob, then I felt someone hold my hair para hindi iyon marumihan. Nang wala ng mailabas pa ay pinatay ko ang faucet at pagod at inaantok na yumuko. “Tsk. I told you to go home.” Hindi ko alam kung guni-guni ko lang iyon pero naririnig ko ang boses ni Kaius mula sa likod ko. “Are you done?” Mula sa pagkakayuko, nag-angat ako ng tingin. Mula sa salamin, nakita ko si Kaius doon. Iba na ang suot nitong pang-itaas, nakaplain white loose shirt na lang. He's the one who's holding my long hair. Suminghap ako at umawang ang labi. Nakakaloka, ibang iba ata ang epekto ng alak sa kaniya. I am hallucinating. There's no way he would come back here. Parang baliw na humalakhak ako. Ipinilig ko ang ulo at muling binuksan ang faucet at binasa ang mukha. Nagbabakasakaling kahit papaano mahimasmasan ako at tigilan ang kakaisip dito. I look through the mirror and saw that he was still there. Nakuha pa nga ako nitong pagtaasan ng kilay. Binitiwan nito ang buhok ko at inabot ang tissue paper na nasa di kalayuan. Pinaikot nito iyon sa kamay at bumalik sa likod ko. “Am I dreaming?” I muttered. “Harap.” he command. Umikot ako at hinarap ito. Gamit ang isang kamay, tinuyo niya ang mukha ko gamit ang tissue na naroon. Walang reaksyon ang mukha at focus lang sa ginagawa saka nakapamulsa pa. Medyo may diin din ang pagdampi nito ng tissue sa mukha ko. Ngayon mas lalo kong natitigan ang mukha nito. He is very handsome.legit walang halong keme. “Ang pangit mo.” wala sa sariling sabi ko. He shot his brows up and smirked. “Kaya pala gusto mong patulan kita.” he mocked. Sininok ako. He's really real. Iniinsulto na naman ako e. Ramdam ko ang medyo pamimigat ng mga talukap ng mga mata ko. “Babalik na ako.” “Tss. Wag ka nang bumalik pa. I'll drive you home now. Kanina ka pa hinahanap ng Papa mo.” Hinigit ako nito sa bewang at inalalayan para makalabas. Sumubsob ako ng tuluyan sa dibdib nito. I was too drunk to think of her stuff and friends. Hindi pa nakakatulong ang mabangong amoy nito na pumapasok sa ilong niya. His scent was making me sleepy. “Iuuwi mo na?” may narinig akong boses. “Yeah. Thanks man.” Ilang sandali pa naramdaman ko ang paglapag ng aking katawan. Naalimpungatan ako. Nang subukan kong silipin kung nasaan ako ay nakita kong nasa loob na ako ng kotse ng lalaki. Sinuotan ako nito ng seatbelt at ilang sandali pa umandar na at gumalaw na ang sasakyan papalayo. Pasulyap sulyap ito sa akin habang nagmamaneho. “You know, you can still change your mind. Hindi pa nag-uusap ang mga pamilya natin. Pwede ka pang magpalit ng bride.” I murmured. She heard him chuckled. “Uhuh. Talagang pinipilit mo yan ha.” “Ayaw mo ko dahil kabalat mo ko? Then I will change... I can change.” I keep on saying things. “Artemis is stiff and boring. Hindi kayo bagay. You were very opposite. Sabi nila you should marry someone who has the same vibes and likes so you don't get a problem in understanding each other.” patuloy ko pagsasalita. Iyan ang naiisip kong sagot sa sinabi niyo sa akin kanina sa distillery. “At sinong bagay? Tayo? Just sleep, Thea.” may pinatong ito sa legs ko na tela na tumulong para hindi ako sobrang lamigin. I pursed my lips and sigh deeply. I wanted to keep talking but sleepness is pulling me. Hanggang sa lamunin na nga ako ng antok. Mulat na ang mga mata at gising na ang diwa pero hindi parin ako umaalis sa higaan. Nakatitig ako sa kisame ng aking kwarto. Alas diyes na ng umaga. Naaalala ko ang mga nangyari kagabi, pero hanggang doon lang sa isakay lang ako ni Kaius sa kotse. “He drove me home.” He really did! Napasinghap ako at napaupo. Nakadamit pantulog na ako siguro binihisan ako ng kapatid o Mama ko. Hindi ko rin mahanap ang phone ko. Heto lagi ang nangyayari pag nalalasing ako. I always forgot my stuff. “Nagkita ba sila ni Artemis?” Umalis ako ng kama at tinungo ang sariling banyo. Naghilamos ako at nagtoothbrush, I just bun my hair at bumaba na ng hagdan. Binati ako ng ilang katulong na tinanguhan ko lang. Pumasok ako sa kusina, nagbabakasakaling may makitang ni isang myembro ng pamilya pero mga katulong lang na abala sa pagluluto ang nadatnan ko. “Sila Artemis?” “Lumabas po Ma'am Thea.” “Kasama si Mama?” umiling ang katulong. “Hindi po.” Mukhang may gusto pa itong sabihin pero pinutol ko. “Pakidalhan ako ng pagkain sa sala.” utos ko na lang. I am a little bit hungry too. Tumango ang mga ito kaya tumalikod na ako. Tamad na tinungo ko ang sala namin at doon umupo. Nakalimutan kong magsuot ng sapin sa paa sa pagmamadali na bumaba. Hindi rin nagtagal dumating ang pagkain. Nag-indian seat ako at nagsimula ng kumain. Ang lakas ng tawa ko dahil sa pinapanood na palabas. Ganito talaga ako tuwing wala akong pasok. Tinatamad akong gumalaw galaw. Sa susunod na buwan ay magsisimula na rin kami sa pagiging intern. “Thea!” Tumaas ang balikat ko sa gulat ng makita ang mga magulang na papasok sa kabahayan. Nakasunod ang ilang katulong na maraming bitbit na pinamili. Wala bang trabaho ang Papa niya? “Po?” “Anong po? Mabuti't gising ka na. Naalala mo ba ang pinangagawa mo kagabi?” Ngumiwi siya. Hihingi na sana siya ng pasensya ng magpatuloy ito. “Nakakahiya kay Kaius! Siya pa mismo naghatid sayo pauwi. Naisip mo man lang ba ang iisipin niya?” So, hindi pag-aalala ang pinuputok ng butsi nito. Kundi ang kahihiyan na dinulot niya kagabi. Tuluyan siyang nawalan ng ganang kumain. “Hindi ko naman po siya inutusang ihatid ako.” “Kahit na. Of course he will insist. Nasa iisang lugar kayo at kapatid ka ng fiancé niya. Kargo de konsensya ka niya pag may nangyaring masama sa iyo.” “Hindi pa naman pumapayag si Artemis a! So stop calling her his fiancé.” “Pumayag na siya. Sinundo na nga siya ni Kaius kanina para lumabas. Inimbitahan ko rin siyang dito na mag-lunch.” My eyes widened. “Ha?” pero kakasabi lang ni Artemis sa akin kagabi na may isang linggo pa ito para mag-isip. Did she lie to me? O ng makita ang lalaki kagabi ay nagbago ang isip niya? Kaya ba biglang naging abala ang mga katulong sa kusina nila dahil may darating na bisita? “Wag ka nang iinom ng sobra kung alam mong hindi mo kayang umuwi ng maayos, Thea.” seryosong paalala ng ama niya. Hindi ako nakasagot. My mind was clouded with my sister's betrayal. “Walang pagba-bar muna simula ngayon. Baka sa susunod mabalitaan ko na lang na yung pangalawa kong anak gumagapang sa daan pauwi.” Napangiwi ako sa sinabi ni Papa. “Oh, they are here!” Nagbago ang expression nang mukha ng mama niya nang may malingunan sa bungad. “Ang aga niyo naman bumalik, iho!” ani ni papa. Kuryoso ding ibinaling ko ang tingin sa ka harap. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Kaius at si Artemis na papasok. Parehong nakabihis at nakangiti. “Nag-aalala po ako kay Artemis, may ilan kasing nakakilala sa kaniya sa pinuntahan namin. Baka biglang magkagulo.” “Oh! Ganun ba? Pasensya ka na. Pero hindi magtatagal masasanay na din sila lalo na ngayon.” noon lang grabe kung makatanggi ang Mama niya na ipakasal si Artemis tapos ngayon. Tsk. “Kumusta naman ang paglabas niyo?” “It was fine. Medyo awkward lang po noong una but we're good, right?” he glanced at Artemis, at hindi nakaligtas sa akin ang braso nitong nasa bewang ng babae. “Yes. I think so.” Natawa ang mga ito sa naging sagot ng kapatid ko. Matalim na tiningnan ko si Kaius, sayang saya tayo? “But atleast, you had some talk. Masasanay din kayo pag tumagal.” “Kailangan talaga nilang pakisamahan ang isa't isa. You two will live together soon.” “Come on, maupo na muna tayo.” iminuwestra ni Mama ang upuan kung saan ako nakapwesto. Nataranta ako ng maalalang nakapantulog lang at hindi ayos ang mukha. Darn it. "Thea.” Tumango ako at ibinaba ang pinggan. Nahihiyang ibinaba ko ang nakataas na paa. “Y-yeah.” sinenyasan ko ang mga katulong para kunin ang pinagkainan. “Lilipat po ba kayo ng dining ma'am?” “Hindi na. I am already done eating.” Tatalikod na sana ako at susunod sa katulong ng pigilan ako ni Mama. She raise her brow at me. “Hindi ba may gusto kang sabihin kay Kaius?” Now all eyes are focused on me. Napilitan tuloy ako na iangat ang tingin sa lalake. I caught him watching my bare face. Uminit ang magkabilang pisngi ko. I looked away. “S-Salamat sa paghatid kagabi. Pasensya na rin sa pagkakalat.” paumanhin ko. “I'm really sorry about last night iho.” “Sinabi ko na po kagabi. Hindi iyon problema. I wanted to be get along with my soon sister in law too.” I glared athim. Sister-in-law my ass! Binalingan ako ni mama. “Sige na, thea. Mag-ayos ka na at kakain na tayo.” mabilis na sinunod ko si mama. Sinimangutan ko muna ang lalaki bago umakyat at diretsong pumasok sa kwarto para mag-ayos ng sarili. I felt embarassed when I look at my face in the big mirror inside my bathroom. Halatang bagong gising ako dahil sa naniningkit pang mga mata. Napasimangot ako lalo pa at nakikita ko si Artemis sa mukha ko pag wala akong make up. Hindi. Babawi na lang ako mamaya. So what kung nakita niya akong hindi nakapag-ayos? I still looked pretty naman. Nasa isang oras din ata akong nag-ayos. I just wore high waist maong short and a spaghetti top. Sa dining room ko na sila nadatnan at masayang kinakausap si Kaius. Busog pa ako kaya nanghingi na lamang ako ng dessert sa katulong. Naging maingay ang hapag namin ng magsimula na sa pagkain. Katabi ko si Mama at kaharap ko si Artemis na siyang katabi naman si Kaius sa oras na iyon. Pinanood ko kung paano silbihan ng lalaki si Artemis. Wow. “Next time let's arrange a proper dinner for the two families.” Huminto sa pagkain ang lalake ng marinig ang sinabi ni mama. “Sure, tita. My mom kept on asking for that too. Naunahan niyo lang po akong sabihin.” Tumawa si mama. “Well, ganun talaga mag-isip ang mga magulang siguro. I hope we will get along too.” Tahimik na nakinig lang ako sa pinag-uusapan ng mga to. Kasi yun lang naman ang role ko doon. Listener. Kasi hindi ko magawang tumawa dahil taliwas naman iyon sa nararamdaman ko. “Nabanggit ng asawa ko na ikaw daw ang nagpapatakbo ng Distillery at winery niyo. Kumusta naman ang negosyo niyo?” “Opo. Our business is doing great, tita. Nagsisimula na rin kaming mag-angkat sa labas ng bansa.” Bakas ang pagkamangha sa mukha ng mama mama ko sa narinig. If I know she already knew about that thing. She's a best actress. “Kagabi ko lang din napag-alaman, you owned Midlight Bar, iho?” Napakunot noo siya sa narinig mula sa ama. He owned that bar? Hinintay ko ang response ng lalaki at ng tumango ito at sumulyap sa akin ay nagulat talaga ako. “Wow! That was great. Don Niccolo and Kaizan must be very proud! You're still on your twenties but your successful already. Tinutulungan ka ba ng mga pinsan mo sa pagpapatakbo?” “We basically helped each other. Kahit na may iba't iba kaming responsibilidad at pinapatakbong negosyo sa ransyo.” Nakangiting nilingon ng Mama niya ang nakikinig na asawa. “Hon, ang swerte pala natin at magkakaroon tayo ng responsableng son-in-law. Atleast we already know that Artemis will be in good hands.” “Ma, we're still dating.” sabat ni Artemis na ngayon lang nagsalita mula pa kanina. Hindi ko alam kung nagkausap na sila ni papa at nagkabati. Gusto ko ng matapos ang lunch na to para harap harapang makausap ito. I want to know what change her mind? Mas mapapadali sana ang lahat sa akin kung ayaw niyang magpakasal. “Oo nga po. Kinikilala pa lang nila ang isa't isa. Hindi pa naman sila kasal. Malay mo mag-iba ang ihip ng hangin. Wag po muna tayong sobrang makampanti.” parinig ko. Nakatanggap ako ng pagsipa sa paa na alam kong galingkay Mama. Napasinghap ako at iritableng binalingan ang katabi. “Hindi na mag-iiba pa ang ihip ng hangin, Thea. Your sister is promised to marry Kaius. Pag nagkausap na ang parehong pamilya, things will be arranged then she's going to be his wife.” mariing sabi ng Mama niya. Wow. Parang nung isang araw lang todo ayaw pa siya na ipakasal si Artemis. Nang dumako ang tingin ko kay Kaius ay prente itong nakasandal sa upuan at nakangisi sa akin na tila naaaliw. Si Artemis naman ay tahimik na nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ako papayag. “Paano naman kayo nakakasiguradong magiging masaya silang dalawa sa isa't isa? I saw him last night, may kasama at kahalikan siyang iba! Lumabas pa siya ng comfort room ng babae! Ano sa tingin niyo ang ginawa nila doon? Nag-evening prayer?” I revealed. Nakarinig ako ng malakas na singhap. “Thea!” Ang dami nilang alam tungkol sa negosyo ni Kaius pero sa pangbababae nito nagbubulag-bulagan. “Kung tapos ka na sa pagkain, tumahimik ka na lang. Show some respect!” Padarag na tumayo ako. Wala na akong pakialam kung lumabas na bastos ako sa harap ng lahat. “Bakit pa ako tatahimik kung pwede naman po akong umalis.” Inilapag ko ang table napkin sa mesa saka sila pinasadahan ng tingin. “Enjoy your lunch.” at tumalikod na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD