Chapter 5

2699 Words
"What's with you two? Nag-away ba kayo?" Intrigang tanong sa kaniya ni Ica ng tabihan siya nito sa upuan. Sa kanan niya ay nandoon din si Quin na nakikinig din sa pag-uusap nila. Sa mall sila dumiretso matapos ang klase kanina. She don't have a driver so she can go wherever she want today. "Sino?" "Si Alex." "Ah, hindi ko alam." she shrugged. Hindi naman siya bulag at walang pakiramdam para hindi malaman na umiiwas nga ang lalake sa kaniya. Isa pa, ayaw niya rin ito munang kausapin. She just wanted to stop the talk that's why she said that. "Stop acting. Mula kahapon hanggang ihatid tayo badtrip na yun. Saka hindi ko kayo nakitang nagkakausap na dalawa." "Someone just woke up on the wrong side of bed, Ica. Wag mo ngang gawing big deal yun." komento ni Quin habang pinagmamasdan ang nakamanicure na mga daliri. Sumimangot ang babae. "Alam mo namang mapagmasid ako sa paligid kaya hindi mo ako masisisi na mapansin yun." Itinuro niya sa empleyadong babae ang gustong kulay para sa kuko. Tumango ito at nag-umpisa na sa paglilinis. Mabuti na lamang at tumahimik ang dalawa. "Thea." "Hmm?" "Alam ba ni Artemis na may gusto ka kay Kaius?" Napaisip siya. Does she? "Maybe. I'm not sure." "Alam niyo, feeling ko lang ha? Mukhang nakasama na natin siya minsan sa kung saan." Tumawa siya. "Ano? Imposible." "Oo nga. Saan naman?" "Hindi ko rin sure." Nagtinginan sila ni Ash. "Baka pinapanaginipan mo siya ha!" Nanlaki ang mga mata ni Quin. "What? Hindi no!" Nilapit niya ang mukha sa kaibigan. "Tandaan mo, sakin siya. Doon ka na lang ibang mga pinsan niya." "What the heck!" natawa siya sa itsura nito. “Saka ikaw na rin nagsabi sakin noon, mabenta sila sa mga club. Baka minsan mo na silang nakasama kaya ganiyan ang pakiramdam mo.” Quin sighed. “I dunno. Alam mo namang mahirap makalapit sa circle nila. Kaya medyo malabo iyon.” She just shrugged. After an hour, palabas na sila ng mall at tinutungo na ng parking para kunin ang kotse. "Uuwi na kayo diretso?" Ica. "Yes. May family dinner kami later. Magiging mabuting anak muna ako." Quin was rolling her eyes while saying that. "Goodluck!" "Ikaw ba?" Siya? Napangisi siya. "I have plans." "Your smile is creeping me out." "Balitaan mo kami bukas." Pumasok na siya sa kotse at kumaway sa dalawa bago pinasibat ang kotse paalis. Tahimik na binaybay niya ang daan, nang sulyapan niya ang pambisig na relo ay nakita niyang lagpas alas singko na iyon ng hapon. Hininto niya ang sasakyan sa tabi at may kinuha sa bag niya saka bumaba. "Now, let's do this." Umupo siya hanggang sa makaharap niya ang tire ng kotse. Pinili niyang ipwesto ang sasakyan sa mapuno kaya alam niyang walang makakakita sa gagawin niya. Pinaikot niya sa daliri ang kutsilyo bago iyon buong lakas na sinaksak sa goma ng tire. Agad na sumungaw ang hangin doon hanggang sa maging flat. "Alright." Muli siyang pumasok sa kotse at hinanap ang phone. She hurriedly dialed Kaius number. Three rings and he answered. "Who's this?" Napatuwid siya ng upo ng marinig ang boSes nito. "Hi, love!" malambing nyang bati. Biglang tumahimik ang linya kaya sinilip niya kung nasa linya pa ba ito. Mabilis na ibinalik niya iyon sa tenga ng makitang hindi pa nga iyon nakababa. "Hello?" "Pasensya na pero mukhang mali ka ng numero na tinawagan. Ibababa ko na." "Teka! Kaius, this is Thea. I need help kaya wag mo kong babaan!" “Hello?” "Come again?" "This is Thea Puntavera, Artemis sis-" "Alam ko. Now what do you need?" "Pag sinabi ko bang ikaw, payag ka? Akin ka na, sayo na ako. Ano?" pagbibiro niya. Nabasa niya lang yun sa f*******: e. Naiimagine niya ang salubong nitong kilay ngayon. "Uhuh. Try harder." She chuckled. "Oh, so you like harder!" She heard him sighed. She giggled. "Biro lang." May narinig siyang boses mula sa kabilang linya. Mukhang kinakausap nun ang lalaki. "You know, I don't have time for this. Just tell me what you need." "Oo nga pala. I need help, bigla kasing nagflat ang tire ng kotse ko. Medyo malapit lang ako sa Ransyo niyo kaya sayo ko naisipang tumawag. Baka pwede mo akong sunduin, brother in law." sinadya niya palungkutin ang boses at itong tawagin ito ng ganoon. "Where's your driver?" nakarinig siya ng paggalaw. "Kasama ni Papa. Nag-out of town sila. Hindi ko rin matawagan si Artemis at Mama kasi pareho silang abala. I don't have anyone to ask for help, kaya ikaw na ang tinawagan ko. Padilim na rin kasi, medyo nakakatakot ang bandang to kasi walang mga bahay at sasakyang dumadaan." Kagat niya ang labi ng sandaling iyon. Baka bigla kasi siya nitong ayawan. "But it's fine kung hindi mo ako matu-" "Stay inside your car. Ako nang bahala." "S-Sige, aantayin kita." Malaki ang ngiti niya sa labi ng ibaba nito ang tawag. Sinilip niya ang mukha sa salamin. Susunduin siya ni Kaius! Her plan worked! Wala pang limang minuto, may nasisilip na siyang itim na sasakyan na papalapit. Nang humito at magpark ito sa likod ng kotse niya ay mabilis na lumabas siya para salubungin ang lalaki. Pero hindi si Kaius ang bumaba sa driver seat. Isang hindi niya kilalang lalaki ang bumaba doon. Napawi ang ngiti niya. “No way.” iling niya. Baka magbibigay lang ng tulong. Kinatok nun ang salamin ng kotse niya. “Hi, may inaantay na ako, kaya hindi mo na ako kelangang tulungan.” aniya ng ibaba ang bintana ng kotse. "Kayo po ba si Mam Thea?" magalang na tanong ng lalake. Wala sa sariling tumango siya. “Yes. Paano mo nalaman ang pangalan ko?” Is he a stalker? Ngumiti ang lalake sa kaniya. "Ako po yung inutusan ni Sir Kaius na sunduin kayo." Niyuko niya ang ulo manibela at mariing pumikit. Damn that guy. "Nasaan ba siya? Akala ko siya ang susundo." "May meeting pa po sila ng mga empleyado niya sa Winery." Napasuklay siya ng buhok at itinago ang pagkairita. Kainis naman. Tamad na lumabas siya. "Alis na po tayo?" binuksan na nito ang pintuan ng kotse nito. "Paano ang sasakyan ko?" "Naitawag ko na po sa mekaniko. Parating na din sila. Saan ko po kayo ihahatid?" "Kay Kaius na lang." "Po? Hindi po sa bahay niyo?" "Hindi ako pwedeng umuwi na wala ang sasakyan ko kaya aantayin ko na lang. Pakihatid ako sa Distillery." utos niya. Dali na, pumayag ka na! "Sige po." Napangiti siya ng malaki ng pumayag ito. Dali-daling pumasok na siya sa loob. Ilang sandali pa natatanaw na niya ang nilabasan nilang gate ni Quin. Bumusina lang ang driver nang madaanan nila ang mga nagbabantay doon. She should have done this in the first place. Hindi yung nagtrespass pa sila. Hindi pa sana siya nahirapan. "Kanina pa ba yung meeting nila?" "Hindi ako sigurado mam." Tumango lang siya at tumahimik na. Binaba siya nito sa harap nung mataas na building. "Can you atleast accompany me inside? Kahit hanggang opisina niya lang, baka kasi maligaw ako." Ang totoo niyan, nag-aalala siya na baka hindi siya papasukin sa loob. Sandaling tiningnan siya nito bago tumango at sabay na bumaba sila ng sasakyan. Walang siyang nakitang gwardya na nakabantay pero may babaeng nagmistulang receptionist sa loob. Sa likuran nito ay ang iilang mga bote ng alak na maayos na nakahanay at nakadisplay. Sa itaas ay ang pangalan ng building. Monteagudo Distillery. May napansin siya sa dulong bahagi, may nakaglass kasi doon na hugis bote nakadikit sa pader nagmistulang alkansya pero ang hinuhulog ay ang takip ng wine. Yung parang kahoy. Malapit na iyon mapuno. May maliit na hugis bilog na butas sa itaas nun at may nakasulat na pentelpen sa salamin na doon ihulog. It was creative. Ang galing ng nakaisip nun. "Via." Nagtaas ng tingin ang babae. "Oh, Kuya Jeff?" Sumulyap ito sa akin. "Pinasundo siya ni Seniorito sa akin, kapatid ni Ma'am Artemis. Ihahatid ko lang sa taas sana." Bumuka ang bibig ng babae. "Hindi ko sure kung tapos na ang meeting e." "Pwede naman akong mag-antay sa opisina niya diba?" Tumango ang babae. "Oo. Ako nang bahala, kuya." anito kay Jeff. "Sige. Iwan ko na kayo." nagpasalamat siya dito. "Tara dito, miss." lumabas ito sa pwesto at sinenyasan siyang sumunod. May nakikita siyang ilang empleyado na abala. Umakyat sila sa itaas at bumungad sa kaniya ang malawak na hallway. Sa dulo nun naroon ang opisina ng lalaki base na rin sa nakasulat na sign. Kumatok yung Via bago binuksan ang pintuan. Walang tao sa loob. "Mukhang hindi pa tapos ang meeting. Dumito ka na muna, pupuntahan at i-iinform ko lang si Seniorito." She smiled at her. "Thanks." Lumabas na ito at iniwan siya sa loob. Simple lang ang opisina ng lalake, Sa harap ay makikita mo ang taniman na nasa labas dahil sa nakasalaming bintana. The furnitures inside were unique too. Umupo ako sa couch na nasa gitna. "Heto na yun?" Ito ang pinupuntahan ng Ate niya dito? By the looks of it, mukhang ang lalaki lang talaga ang sadya ng babae. Bumukas ang pintuan at pumasok ang hinihitay niya. Magkasalubong ang kilay nito nang makita siya. "Hi!" she sweetly smiled. "Anong ginagawa mo dito?" he closed the door and went straight to his table. "Pinasundo mo ako." He massaged the bridge of his nose. "Yes, para iuwi. Hindi para magpunta dito. Where's Jeff anyway?" inilabas nito ang phone. "He left." tumayo siya at naglakad-lakad. "So, dito mo pala dinadala ang kapatid ko. She must be enjoying here the reason why she's spending a lot of time here lately." Nalingunan niya itong pinapanood ang kilos niya. Nginitian niya ito ng matamis. "Wala akong nakikitang espesyal sa opisina mo." lumapit siya sa mesa nito at yumukod. "So tell me, are you two screwing each other here?" She saw how his jaw moved. "Hindi ganoon ang Ate mo." Now he's protecting her. "Pero ganoon ka." duro ko sa kaniya. Her eyes widened when he suddenly grabbed her jaw using his one hand and forcely pulled her. I gasped. "Ano ngayon? So what if we are? That doesn't concern you at all. We're at the right age and we're getting married." Nakaramdam siya ng inis. Tinampal niya ang kamay nito paalis para makawala. "Hindi ko ine-expect na igagaya mo ang kapatid ko sa mga babae mo." "How sad. Akala ko pa naman seseryusohin mo na. Lagi siyang nandito." "Paano mo naman nalaman iyon?" "I trespassed." Bumuka ang bibig nito na tila may inaalala. "Ah! Kayo ba yung mga pumasok at nakipaghabulan kay Samuel? Your fearless. Nagtataka ako nun kung sino yung sinasabi nitong mga bata na nakuha magpicnic sa loob ng ransyo ko. I never thought it was you." "Mga bata?" "Yes. Why? Mga bata lang naman talaga ang gumagawa ng bagay na iyon." She gritted her teeth. Gusto niya itong murahin pero pinigiln niya ang sarili niya. Iniinis lang siya nito, alam niya. Pag pinatulan niya ito, mas mapapatunayan lang nitong tama ang sinasabi. Tinungo niya ang couch at umupo. "Why don't you entertain me?" "Ahuh." he played with his lips whle looking at her crossed legs. "O, gusto mong ako ang mag-entertain sayo?" she seductively said. He smirked. "Ano ba talagang pinunta mo dito?" "Ano ba sa tingin mo?" "God. This is nonsense. Umuwi ka na lang sa inyo." tila nauubusan ng pasensyang sabi ng lalaki. "You'll regret it." aniya. "Save it. Baka ikaw yung magsisi dahil sa mga pinanggagawa mo. Our family dinner is set. Pag-uusapan na ng pamilya ang kasal namin ni Artemis. After that, I am pretty sure it will be announced. Your chance stop here, thea. I'm done playing with you." Hindi siya nakapagsalita ng ilang segundo. “My chance?” aniya ng makabawi. “So, you're giving me a chance pero hindi ko alam?” “Kung matatawag mo ngang chance yun.” kibit balikat nito. “Akala ko kasi magbabago ang desisyon ko, pero hindi parin pala. I like artemis better. Sa pinakita mo sa nakalipas na araw napatunayan ko yun.” What? Nakarinig sila ng ingay sa labas bago bumukas ang pintuan. "Hey." Sa boses pa lamang ay nakilala na niya kung sino ang may ari nun. Kaius glanced at her way. Giving her a warning. "Artemis." Tumayo ito at sinalubong ang babae. Ang sakit sa mata panoorin kung paano halikan ng lalaki sa pisngi ang kapatid. "Your a bit late." "Sorry, late din kasi kami nagstart kanina sa shooting." "It's fine. Uh, your sister is here." "Huh? si Thea?" umikot ang tingin ng babae. "Here." nakangiting kumaway siya. "Anong ginagawa mo dito?" curious na tanong ng babae at lumapit sa kaniya. "I asked for Kaius help." "Bakit? May nangyari ba?" "Nasiraan kasi ang sasakyan niya kanina. Medyo malapit lang dito sa ransyo kaya pinasundo ko na lang siya sa driver." Kaius answered. "Saan ka ba galing? It's out of the way, paanong napadpad ka dito? Hindi ka na naman ba pumasok sa school?" Her sister is smart. Anong aasahan niya? "I did. Tapos na ang klase ko, nagjoyride kami ng mga kaibigan ko kaya napadaan kami dito. Nauna na silang umuwi kaya naiwan ako." Pinukol siya ng lalake ng mapaghinalang tingin bago nilabas ang phone. "Nagtext na ang driver ko. Napalitan na ang tire ng kotse mo, nasa labas na." Napasuklay siya ng buhok. Ang bilis naman. Obviously, pinapaalis na siya ng lalaki. "I guess, kelangan ko nang umalis. Sorry for inconvenience." Walang naging tugon ang lalaki sa kaniya. "Ayaw mo bang magstay? I brought foods." itinaas ni Artemis ang paper bag na may tatak ng kilalang restaurant sa bayan na ngayon lang niya napansin. "Can I?" biro niya. Kita nita ang pagsalubong ng kilay ni Kaius. "Kidding. Salamat na lang, I have no apetite." "Okay. Uuwi din agad ako." She shrugged. "Okay, I'll see you at home." lumipat ang tingin niya sa lalake. "Enjoy." She's about to enter to her car when she receive a message coming from Kaius. Medyo nakakagulat iyon. From Kaius: “I know what you did. Hindi mo kelangang butasin ang gulong mo para makita ako. It was a childish act.” She gritted her teeth and looked at the building beside her. Mula sa salamin ay kita niya ang nakapamulsang lalaki doon na kasalukuyang nakatanaw sa kaniya mula sa itaas. She rolled her eyes at padabog na pumasok sa loob ng sasakyan. Malakas na tawa ang natanggap niya mula kay Quin ng ikwento niya ang nangyari sa babae. Kausap niya ito sa tawag. “You really did that?” “Paulit ulit tayo, Quin?” naaasar na sabi niya. “Sorry. Natatawa lang talaga ako. I can't believe na gagawin mo ang bagay na iyon.” “I have no choice. Yun lang ang naiisip ko na paraan para makapasok sa opisina niya.” “Pero napunta parin sa wala ang effort mo?” Bumuntung-hininga siya. “Ganun na nga.” “Bakit kasi hinahabol mo pa, e tinataboy ka na nga. Ilang beses na nga niyang sinabi na mas gusto niya si Artemis di ka parin natututo.” “Hindi ko kasi makuha-kuha kung bakit ayaw niya sakin! Ano yung batayan niya.” “Ano ba sa tingin mong nagustuhan niya kay Artemis?” Napaisip siya. “Wala siyang nabanggit sa akin pero minsan na niyang nasabi na ayaw niya sa mga kabalat niya.” “Wait! That's it! Maybe he like Artemis because she's simple. Alam mo yun? A little conservative.” “At anong gusto mong gawin ko? Dress like her?” “Hmm. Wala namang mawawala kung susubukan mo. If it affects him, then we are right. Alam mo na ang gagawin sa susunod.” Sinubsob niya ang mukha sa unan. “Okay, susubukan ko.” Medyo madali lang naman yun. Magkaiba sila ng fashion style ni Artemis. Yes, she's modeling some branded clothes na pareho ng style niya pero pag nahubad na nito iyon ay balik simple na ang babae. “Bawasan mo rin yung make up mo. Look natural. Alam mo yun?” “Okay, okay. Gagawin ko bukas. May dinner din kasi ang parehong pamilya namin.” “Kung pwede, magpabebe ka naman. Jusko Thea! Babae ka parin, hindi maganda yung lagi ikaw nag naghahabol.” “Ah, kaya pala hinahabol mo parin si—” “Alright. Goodluck! Fighting!” Quin cheered and end the call. Natawa siya. Napapailing na pinatay niya ang tawag. She's right. Wala namang masama kung susubukan niya. Who knows.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD