Chapter 6

2631 Words
“May napili ka na?” Nilingon niya si Artemis na may hawak na dalawang nakahanger na damit. “Wala pa nga e. Are you done choosing yours?” Artemis nodded and showed her the dress she was holding. Nasa mall sila ngayon, nag-aya ito kanina sa kaniya na mamili ng susuotin para sa dinner mamayang gabi. Nung una ayaw niya mahirap kasi pag may kasama kang nasa modeling industry. Nasubukan na niya iyon minsan nung isama siya nito. She become her photographer and it pisses her off. Mabuti na lang ngayon at may bodyguard na ito. “Bakit nahihirapan ka? Usually, marami ka nang natitipuhan pag ganito ah?” lumapit ito at tiningnan ang nasa hanay kung saan siya namimili kanina. “Nasa iyo kasi iyong gusto ko. Pwede mo bang ibigay na lang sakin?” “Huh?” there's confusion written in Artemis face nang balingan siya nito. Ngumiti siya. “I like the one that you have.” sulyap niya sa puting dress. “Oh! This?” iniharap nito yun sa kaniya. “Yes.” “I also like it, pero kung gusto mo sayo na. I'll just choose another one.” kibit-balikat ng kapatid. “Really?” seryoso niyang tanong. “Hmm. Pero nakakapanibago, you don't really wear this kind of dresses. And it's white, sabi mo dati hindi mo gusto pag nagsusuot ka ng puti. Shall I ask for a different color?” lumingon lingon ito at hinanap ang nag-aassist sa kanila kanina. Umiling siya at kinuha sa babae ang damit. “No. It's fine. Nasa mood ako magsuot ng ganito ngayon.” “Okay. Let's go find shoes na lang.” “Yan na ang kukunin mo?” tukoy niya sa hawak nitong damit. Medyo magkapareho nun ang design sa kaniya but its peach. Nang tingnan niya ang damit na binigay nito sa kaniya ay napangiwi siya. “Gusto mo bang magpalit tayo? It's kinda weird, mukhang ikaw dapat ang magsuot ng puti sa dinner.” She chuckled. “No, it's fine. I actually like it better.” Bahala ka. “Hindi mo na ipi-fit?” tanong nito ng mapadaan sila sa fitting room. “Hindi na. Magkasing laki lang naman tayo.” “Ikaw ang bahala.” Nang makahanap ng ipapares sa kanilang damit ay nagbayad na sila. Her sister paid for her dahil ito naman ang nag-aya kaya hinayaan niya ito. “Kapatid niyo po Ma'am Artemis?” sumulyap sa kaniya ang cashier. Gusto niyang magtaas ng kilay, but she didn't. Tahimik at seryoso lang siyang nakatayo sa tabi nito. “Yes. Halata ba? Magkamukha kami diba?” Napasulyap siya sa salamin na nasa harapan. Kung hindi niya siguro binago ang make up at ginaya kung paano mag-ayos ngayong araw si Artemis siguradong sasabihin nitong hindi sila magkamukha. Tumango ang cashier. “Opo. Model din po ba siya?” “Hindi. Ayaw niya sa mga ganun.” Bakit sinasagot nito ang tanong ng babae? Are they close? Alam niyo ba ang weird kasi si Artemis, simple pero nasa modeling ito. Habang siya na maporma at mahilig sa fashion ay wala sa modeling industry. How ironic. “Ganun po ba? Sayang naman ang ganda mo po Ma'am.” ang mga mata'y nasa kaniya na. “Thanks.” usal niya. Dinampot na niya ang paperbag saka tinalikuran ang mga ito. Matagal na niyang alam yun, her opinion doesn't matter to her. Yung pasasalamat niya para sa pagpunch at pagbalot yun. “Ah, sorry. Wala lang siya sa mood. Thank you.” rinig niyang sabi ni Artemis. “You're welcome Ma'am. Balik po kayo.” She rolled her eyes and went out of the boutique. Napatingin siya sa kaharap na boutique, yung suot na damit ng mannequin na babae. She likes it. Mukhang kakadisplay lang nun kasi nung dumaan sila kahapon ng kaibigan wala iyon doon. “Tara na?” Pero hindi pwedeng pumasok si Artemis doon dahil sa brand. She let out a sighed. “Uwi na tayo?” “I'll just buy something for Kaius parents.” Natigilan siya. “Kelangan ba yun? Magdi-dinner lang naman tayo.” “Ano ka ba. Kelangan kong maging mabait.” “Pagod na ako. Dapat si Mama ang sinama mo.” reklamo niya. “Baka matagalan kami pag siya ang sinama ko.” “Their family are rich. Hindi na nila kelangan ng mga ganiyan doon. Magsasayang ka lang ng pera.” “Kahit na. Samahan mo na lang ako.” Wala siyang nagawa nang makapasok na sila sa loob ng isang boutique na puno ng alahas. Humiwalay siya sa babae at naglibot na rin. Bilhan niya rin kaya ang lalaki? Natigilan siya ng may maisip. “Artemis!” May kausap itong babae doon. “Oh?” “Diba may kapatid na lalaki si Kaius?” Tumango ang babae. “Oo. He's a year younger than him. Kaedad mo lang din.” Napangisi siya. Siguradong pupunta ang kapatid nitong lalaki mamaya. Bumalik siya sa pwesto kanina at naghanap ng pwedeng iregalo dito. “Para kanino yang binili mo?” inabot niya card sa cashier. Hindi na siya pumayag na ang magbayad ay si Artemis. “Para sa kapatid ni Kaius.” “For Ox?” “Ox ang pangalan niya? Their names are unique.” bulong niya. Binalingan niya ang kapatid. “Yes. Para sa kaniya nga. Bibigyan mo ang mga magulang ni Kaius kaya bibilhan ko naman ang kapatid niya.” Natawa ito. “Siguradong magkakasundo kayo nun. He's nice.” Tumango lang siya. So she already met Ox. Ang bilis a. Nagtake out lang sila ng makakain sa nadaanan na stall at diretsong umuwi na. Their mom was calling at pinapauwi na sila para makapagpahinga para mamaya sa dinner. “What's your plan?” sinandal niya ang ulo sa gilid ng pool. Naisipan nilang magswimming nang sumapit ang alas tres. Mainit kasi ang panahon. She's bored too. Himdi niya makulit ang mga kaibigan kasi may klase ang mga ito. Habang siya umabsent para lang maghanda. “My plan?” “Yes. If you're going to marry him, ano nang mangyayari sa pagmomodelo mo?” Kasi kung siya ang pakakasalan ni Kaius, wala itong magiging problema. She's not committed to any work contract. She's a free woman. “I don't know. You know that was my reason why I don't want to marry. Nung sinabi sakin ni Dad yun, my first thought was to run away. May trabaho na ako, I can provide food with my own money now. Pero nung nakita kitang nakikinig sa labas nag alin-langangan ako.” Ang tinutukoy ba nito ay yung aksidente niyang narinig yung sa kusina? “Me?” Tumango ito. “Kung aalis ako, I am pretty sure ikaw ang magiging huling baraha ni Papa.” Napasinghap siya at hinarap ang babae. “Bakit hindi ka umalis?” Bakit? That's her chance! “Nag-aaral ka pa. You're still dependent. Ayoko namang ilagay ka sa ganong sitwasyon. Hindi naman ako ganun kasamang kapatid.” “Pero gagraduate na ako! It's fine.” “Look at you. Kung hindi kita kilala, iisipin kung gusto mo nang magpakasal.” halakhak nito saka mahina siyang sinabuyan ng tubig. “So, hindi nagbago ang isip mo dahil nakita mo si Kaius?” maingat niyang tanong. “Ha? Hindi syempre.” natatawa nitong sabi. “So, hindi mo siya gusto?” Tumingala ito. “He's a good man. He is sweet and I like being with him. Hindi na masama.” “So you like him.” bulong niya. “I guess? I needed to. Kelangan naming maging okay sa isa't isa lalo pa at hindi lang date yung usapan. It's a lifetime commitment.” Mariing napapikit siya. Why? Why does she feel guilty all of a sudden? “Ang aga naman ata natin?” aniya ng makababa ng hagdan nila. Napunta sa kaniya ang tingin ng mga magulang. Bakas ang gulat sa mukha ng mga ito ng makita siya. “Oh, wow! My two beautiful daughters are here.” Inismiran niya ang Papa niya. “Maganda na talaga kami, Pa.” He laughed and hugged her. “Ofcourse you are.” hindi halata pero, she's a daddy's girl. Pinapagalitan siya nito pero after that he will act normal. Kakausapin siya nito ng maayos. “You look more prettier in that dress. Mas gusto kong ganiyan ang mga damit mo kesa sa mga sinusuot mo dati.” komento ng mama niya. “You look innocent and pretty.” Ganun na nga ang gusto niyang makita ng mga ito. “Pa, wag nga ako ang pinapansin mo. Si Artemis dapat, it's her night.” Binalingan niya ang huli. Bagay nga dito ang pinili nitong damit. Nakalugay ang tuwid nitong buhok. “The dress suits you well.” Nginitian niya lang ito. “Sayo rin.” “O, siya. Tama na nga yang papuri. Lumabas na tayo, nag-aantay na ang driver sa labas. Come on.” putol ng Mama nila. Lumabas na nga sila at nakita ang dalawang kotse na nag-aantay. Pumasok sila ni Artemis sa kabila, sa isang kotse naman ay ang mga magulang nila. Ang alam niya sa isang hotel gaganapin ang dinner nila. Naging mabilis ang biyahe nila. Nakarating agad sila sa hotel at sabay na silang apat na pumasok sa elevator. Bitbit niya ang maliit na regalo niya para kay Ox. “Okay ka lang ba, anak?” narinig niyang tanong ng papa niya kay Artemis na siyang tahimik kanina pa. “Medyo kinakabahan lang po.” “Just act naturally, Artemis. Hindi lang naman ito ang magiging huling pagkikita niyo ng mga Monteagudo. Masasanay ka rin.” “Yes, ma.” Bumukas ang elevator. Bumungad sa kanila ang pasilyo. Nakacarpet ang daan at may naka-unipormeng babae ang nag-aabang doon. She smiled when she saw them getting out of the elevator. “Good evening Ma'am, sir!” “Good evening. We have a reservation under Kaizen Monteagudo.” “Ah, yes po. Nasa loob na po sila. This way po.” she motioned the way. “I thought we are early, mas maaga parin pala sila.” “Anong ineexpect mo sa mga Monteagudo.” her mom chuckled. She's clinging to her fathers arm. Pinagbuksan sila ng babae ng pintuan. Hindi pa man sila nakakapasok ay nakarinig na siya ng ingay mula sa loob. Nauuna ang mga magulang nila kaya hindi niya makita ang nasa loob. “Oh, they are here!” someone said. Naging magulo na. Their parents were talking to each other. “Heto na ba si Artemis?” nakaramdam siya ng paghila. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang babae na nasa kaedad lang ng mama niya. nakangiti ito sa kaniya ngayon. “H-Hindi po.” Her eyes widened. “Oh! I'm sorry. You might be Althea then?” She nodded and slightly smiled. “Opo.” The woman tilted her head. “I heard about you pero iba yung ineexpect ko.” bulong nito. “Ma, this is Artemis.” Sabay silang napalingon ng ginang nang marinig ang tinig ni Kaius. He looked so handsome and intimidating in his black long sleeve na nakarolyo hanggang siko nito. Maayos na nakataas ang buhok nito. Minus the arms that holding Artemis waist. Lihim na napairap siya. “Hon, paano mo naman nagawang magkamali.” “I'm so sorry iha! Magkamukha talaga kasi kayo.” napatingin siya sa kamay niya nang bitiwan iyon ng Mama ni Kaius at nilapitan si Artemis na nakangiti na ngayon. “Okay lang po, tita.” “Ang ganda mo. Mas maganda ka sa personal.” Umani ng tawa dahil sa sinabi ni Mama ni Kaius. “Thank you po. Kayo rin po.” “Naku, ano ka ba. Hindi mo kelangang sabihin yun ng pabalik.” biro nito. Iniwas niya ang tingin sa mga ito at inilibot ang tingin. There were a total of eight people inside the room. May nakita siyang batang lalaki na nakaupo at kaharap ang phone nito and an old man who scream dominance and power. Masungit ang mukha nito, he look so serious. Nakaupong nanonood ito sa kanila, nang magtama ang tingin nila ay nakaramdam siya ng kaba. “Good evening po.” she shakily greeted. Tumikhim lang ito at hindi sumagot. Napanguso siya. “Don. Niccolo! It's nice to see you again.” lumapit ang Papa niya sa matanda at bumati. Lumapit na rin ang Mama niya at ganun din ang ginawa. Naalala niya ang hawak na paperbag. “Ah, tita. Hindi po ba makakapunta si Ox?” Hindi nakaligtas sa kaniya ang mabilis na paglingon ni Nyxx sa direksyon niya nang marinig ang tanong niya. “Magkakilala kayo ng pangalawa kong anak?” gulat na tanong ng babae. Umiling siya. “Hindi po. Nabanggit lang ni Artemis na may kapatid pa si Kaius. Kaedad ko lang daw po siya kaya gusto ko po siyang makilala.” “Si Ox? Nagpaalam kanina na magko-comfort room lang. Babalik din yun.” Tito Kaizen said. Hindi na niya kelangang kilalanin ang lalaki. By the looks of him, she already knows he's the father of Kaius. “Sigurado akong magkakasundo kayo agad nun. He's talkative.” Tumawa siya. “Sana nga po.” Bumukas ang pintuan at iniluwa nun ang isang gwapo at matangkad na lalaki. He has a clean cut black hair. His face assemled a lot with Kaius. Sa mga mata lang ata nagkaiba. Pansinin din ang adams apple nito. “Oh, he's here! Ox, anak halika muna dito.” The Ox guy went near them. Ngumiti siya ng magtama ang tingin nilang dalawa. He looked at her firmly bago kumurba ang labi. Napakurap siya. May mas igagwapo pa pala ito pag nakangiti na. “Ox, this is Althea. Artemis sister.” “Hi, Ox!” she extend her hands for shakehands. Malaki ang ngiting tinanggap nito ang kaniyang kamay. He has a big pair of soft hands. “Hi.” Babawiin na sana niya ang kamay nang iangat nito iyon at dalhin sa labi nito saka pinatakan nang halik ang likod nun. Napaawang ang bibig niya sa gulat. She didn't expect that, she's a bit flustered. Naalis ang titig nila sa isa't isa ng bigla itong kurutin ng Mama nito. “Sabi na nga ba!” Tumawa ito ng malakas at nagtaas ng kamay. “I know, I know.” He flashed a cunning smirk and winked at her. Isa lang ang masasabi niya. Their family is a bunch of playboy! Ramdam niya ang masamang tingin na tumatagos sa gilid niya. She smirked. Mukhang mage-enjoy siya dito. “I have something for you.” inangat niya ang dala. “Pasensya na po kayo tita. Hindi ko na po kayo binilhan kasi may binili na si Artemis para sa inyo ni tito. Kaya sa—” She shooked her head. “Naku. Okay lang, iha. I'll leave you two.” paalam nito. Magalang na yumuko siya. Muli niyang hinarap si Ox na ngayon ay nakasilip na sa binili niya. “I didn't know you will buy me something. Hindi ako nakabili ng para sayo.” napahimas ito sa likod ng leeg. “You can buy me something next time.” aniya. Tinaasan siya nito ng kilay. “Hmm. I like that.” tumango ito. “Ox.” Kaius called his brother with his stern voice. Nagulat siya ng malingunan na sila na lang ang nakatayo. Ang lahat ay nakaupo na sa mesa. “Oh!” “Let's talk later.” baling ng lalaki sa kaniya. Tumango siya. Inalalayan pa siya nitong umupo sa upuan na bakante katabi ni Artemis bago umikot at umupo sa harap niya. Beside him was Nyxx. Mahinhing umupo siya ng maayos at nakipagngitian kay Ox. Not glancing at Kaius who's glaring at her right now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD