Madeline Reyes Maganda ang mood niya ng pumasok siya sa Mendez Corp. Dahil bukas ay weekend, pangako sa kanya ni James ay mamasyal daw sila at pupunta sa boracay. After office hour na sila aalis para dun na lang sila magdinner sa boracay. Kaya sobrang excited siya. Naihanda na nila ang mga gamit nila kagabi pa lang at nauna na ang mga ito sa private plane ni James, na gagamitin nila mamaya kaya pinadala na ng asawa sa personal driver nila ang mga ito. “Wow mukhang maganda ang mood ni Mrs Madrigal ha. Iba talaga kapag may taga dilig sa malulusog na bulaklak.” Pagtutudyo sa kanya ni Lani. Kaya hindi niya maiwasan na hindi pamulahan ng mukha dahil sa sinabi ng kaibigan. “Kaw talaga iniinis mo na naman ako.” Sagot niya sa kaibigan. “Hahaha natutuwa lang ako sa iyo freny kasi mula ng nag a

