Madeline Reyes Palipat lipat ng tingin si Madeline sa dalawang nag gwagwapuhang lalaki sa kanyang harap. Nakita niyang masama ang tingin ni James kay Mr. Navarro na kung nakakamatay lamang ang tingin ng asawa ay kanina pa itong pinaglalamayan. Habang si Mr. Navarro naman ay halos dikit na ang kilay sa pagkunot nito na tila ba hindi naiintindihan o naguguluhan sa nangyayari. Hindi din malaman ang gagawin ni Madeline sa pagkakataong ito dahil ngayon lang naman niya naranasan na may lalaking nagbabadyang mag away dahil sa kanya. “I ask you again Navarro. What are you doing in my wife’s office?” Narinig niyang tanung ni James kay Mr. Navarro. “I’m here to invite Madz for dinner as you suggested to me while ago.” Kaswal na sagot nito kay James. Kaya nanlaki ang mata ni Madeline sa narinig

