Madeline Reyes
Kasalukuyan niyang inaayos ang following documents ng mga newly hired,siya ay Hr Assistant,sa Mendez Group of Company,matagal na din siya dito,sa dami rami ng kanyang inaaplayan nung new graduate siya,ito lang ang company na nagbigay sa kanya ng chance kaya niloloko nila ako kasi dito na raw siya magreretire, dahil nababalita na siya ang napipisil na ipalit kay Mrs. Santos,ang kasalukuyang Hr. Head.
Ang kasalukuyang head nila ay gusto ng mag early retirement,gusto na daw nitong eenjoy ang kanyang buhay,kasama ang pamilya nito,balak na kasi itong isama ng mga anak niya sa abroad para dun muna magbakasyon.
Wala pa naman na siyang pormal na natatanggap na appointment letter for the position kaya hindi siya nagaasume. Kaya kapag niloloko siya,lagi niya lang sinasabi na maniniwala lang ito kapag hawak at nabasa na niya ang appointment letter for Hr. Department Head position.
“Madeline! Kindly call this following personnel sa branch na yan,kasi sila na lang ang may kulang pa na requirements,hindi masasama ang immediate family member nila kapag ganyan sila,for endorsement pa naman na,paki sabi as soon as possible we need their documents.” Utos ni Mrs Santos kay Madeline.
“Yes mam.” Sagot niya dito. Kaya agad niyang itinawag ang concern sa branch para masabi ang mga kailangang dokumento.
“Madeline hindi ka pa ba maglunch?” Tanung ni Lani na kanyang katrabaho. Na biglang sumungaw sa cubicle,isa ito sa masasabi niya kaibigan dito sa company. At napatingin siya sa relo,nagulat siya na lunch time na at hindi niya napansin ang oras,sa dami na ng kanyang ginawa ngayong araw,mula ng nagleave siya ng 2 araw para makaattend ng kasal ng kanyang kapatid,at nang makadalaw na din siya sa isa pa niya kapatid na anytime puwede ng manganak.
“Oo nga pala lunch na saan tayo kakain.” Balik niyang tanung kay Lani
“Try natin yung bagong bukas na Spaghetti House,malapit lang dito sa company,pagtawid lang ng building tikman natin kung masarap.” Yaya nito sa kanya. Tutal parang nagsasawa na din siya sa ulam sa canteen,kaya magtry nga sila sa bagong bukas na kainan.
“Tara na! Baka maraming tao ngayon at mawalan tayo ng mauupuan.” Sabay yaya niya na din kay Lani.
Sa labas pa lang masasabi niya na hindi basta basta ang kainan na ito,pagpasok pa lang ramdam mo yung homey ambiance yet minimalist design.
Parang gusto niya nalang tuloy magorder ng kape instead ng lunch nakakatuwa lang yung aura, Kaya sabi nito sa sarili niya.kapag nagkaroon siya ng sariling bahay,mga ganito design gusto niya,actually silang magkakapatid mga ganitong design lang gusto nila.kaya siguro walang naging problema nung pinarenovate nila kamakailan lang ang bahay ng kanilang magulang na naging maganda ang kinalabasan,dahil iisa lang ang taste nila pagdating sa pagdedesenyo ng bahay.
Speaking ng dalawa niyang kapatid,namimiss na niya ang mga ito,dati nung wala pang asawa yung dalawa,everyweek end my bonding silang tatlo kung saan saan sila nakakarating,o di naman mag movie marathon sila magdamag at may parusa ang unang matutulog sa kanila and the end pare pareho silang pinagagalitan ng kanilang mama,kasi nagaaksaya daw sila ng kuryente at naiwan daw nilang bukas ang tv at mga tulog daw sila. Kaya sa huli magtatawanana na lang sila na lalong kinagagalit ng kanilang mama.
Pero siyempre ngayon iba na priorities nila at masaya siya dahil nakita ng kanyang mga kapatid ang tamang lalaki na magaalaga sa kanila hanggang pagtanda.
“Anu order mo Madz?” Tanung sa kanya ni Lani. Dahil kasalukuyang kinukuha na ng waiter ang order nila.
“Fettuccine Alfredo at isang pineapple juice.” Sabi niya sa waiter. At nagpaalam na ang waiter upang ihanda na ang kanilang order.
“Musta naman ang leave mo girl naenjoy mo naman ba? Musta ang kasal ng kapatid mo?” Tanung sa kanya ni Lani.
“Ok naman nakakapagod lang ang biyahe kahit my service,kasi diba sa private island ginawa yung kasal nila Melanie. Tapos kinabukasan dinalaw namin ng parents ko yung isang kapatid ko na si Maricel kasi malapit na din yun manganak.kaya until now ramdam ko pa ang pagod sa biyahe." Kuwento niya dito.
“I see magkakaroon ka na pala ng pamangkin,girl malilibang ka niyan kapag may bata na sa inyo,kahit gaano kapagod sa trabaho sulit kapag may sasalubong sayo na bata,lalo na kapag anak mo,kaya magasawa ka na at hindi ka na rin bumabata,next year wala ka na sa kalendaryo at ng matikman mo na ang luto ng Diyos.” Tumatawang biro niya dito.
“Loka ka talaga! Hinaan mo nga boses mo,mamaya may makarinig nakakahiya kaw talaga.” Sagot niya kay Lani.
Maya maya ay dumating na ang kanilang order,pero nagulat siya dahil kasamang naghatid yung brother in law niya na asawa ng kanyang kapatid na si Maricel.
“Oh Gilbert bakit andito ka? Kasama mo ba si Maricel?" Magkasunod niyang tanung dito.
“Nope! Nasa bahay siya kasi,bed rest pa din siya. Kailangan ko kasi macheck ang opening nitong bagong restaurant namin,then kapag ok na uuwi din ako mamaya ng maaga.” Sagot nito sa kanya.
“Talaga sa inyo ito? Kaya pala familiar ang design and I feel home,congratulations,oo nga pala si Lani friend ko." Pagpapakilala niya sa kaibigan.
“Oo nga eh! Gusto ko nga sana ireschedule yung opening,kasi gusto ko kasama si Maricel pero siya na din nagsabi na ituloy na, kasi masisira yung mga plan sched kapag hindi ito natuloy ngayon,anyway I hope you both enjoy the food and don’t worry about the bill,Its on the house na." Pagiinform sa kanila ni Gilbert.
“Nakakahiya naman,kabubukas niyo lang eh.” Sagot ko dito.
“No! Madeline its ok were family,Anyway puntahan ko lang mga kaibigan ko sa isang table.” Paalam ni Gilbert sa kanila.
“Ok thank you Gilbert.” Pagpapasalamat niya dito. At sinundan niya ng tingin ito at may nakita siyang isang lalaki na nakatitig sa kanya na tila kinakabisado ang kanyang itsura,He’s familiar pero hindi niya tanda kung saan niya ito nakita kaya tinuloy niya na ang pagkain niya.
“Wow! Girl suwerte natin nakalibre pa tayo,may sinabi din pala yung naging asawa ng kapatid mo noh,suwerte nila malay mo kaw din,makakahanap ka ng mayamang fafa hahhaah.” Sabi ni Lani sa kanya na kinailing niya lang.
Hindi niya na ito sinagot at hindi na din siya umaasa,at tanggap na naman niya na magiging singlesa siya forever dahil walang nakaka appreciate ng kagandahan niya.