Chapter 1

1126 Words
Madeline Reyes “You may kiss the bride.” Sabi ng pari ng matapos ang seremonya ng kasal. Masigabong palakpakan ang nagpabalik sa kanyang ulirat sa kasalukuyan,tiningnan niya ang bagong kasal na makikitaan ng glow sa kanilang mga mukha,na halatang mahal na mahal nila ang isat isa. Ang suwerte ng bunso niyang kapatid at alam niya na aalagaan itong mabuti ng asawa nito. May inggit siyang nararamdamanan,dahil siya na lang ang naiwan na walang asawa kahit man lang bf ay wala,kanina habang nagaayos siya para sa kasal tiningnan niya ang kabuuang repleksyon niya sa salamin,sabi nila maganda siya lalo na kapag tumatawa,kasi nawawala din ang mga mata niya,mga matang nangungusap at mahahabang pilik mata,may balingkinitan na katawan,5’5 ang height at morena na nakuha niya sa kulay ng kanyang ama. Kaya sinasabi ng kanyang mama na maganda siya,ang lamang ng mga kapatid niya sa kanya ay kulay ng balat nila,kasi mapuputi sila na nakuha nila sa kanyang mama,mabibilang lang sa daliri ang nagsasabing maganda siya,kaya hindi niya alam kung dapat ba siyang maniwala. Lalo nung nagpakasal na ang 2 niyang kapatid mas marami siyang naririnig na hindi daw kasi siya maganda,kaya naunahan pa siya nung dalawa,hinahayaan niya na lang kahit minsan ay napapaisip siya kung may lalaki ba na nakalaan sa kanya,next year wala na siya sa kalendaryo kaya unti unti na niyang tinatanggap na hindi na siya makakapagasawa at wala magtitiyaga sa kanya,siguro magaampon na lang siya para matupad ang pangarap niya na maging isang ina. “Ate kong maganda.” Tawag ni Melanie sa kanyang ate Madeline. Ang bunso nitong kapatid kasama ang kanyang napangasawa na si Christian,na umiikot sa bawat lamesa at kinakamusta ang kanilang mga bisita. “Oh musta naman hindi ka ba hirap ngayon.” Tanung niya sa kapatid niya. Dahil 3 months na siya buntis,kaya excited na ulit ang mga magulang niya dahil magkakaroon na naman sila ng bagong apo. “Ok naman ako ate nakikisama si baby at inaalagan naman ako ni Christian.” At niyakap naman ito ni Christian. “Alagaan mo mabuti ang kapatid ko Christian,kung hindi lagot ka sa akin.” Bantang biro niya dito. “Siyempre ate mahal ko kaya ito.” Masayang sagot nito sa akin. “Oh my god! Christian diba sabi ko,ok lang kahit hindi mo ako tawaging ate at mas matanda ka naman sa akin,kinikilabutan kasi ako kapag tinatawag mo akong ate eh.” Sabi niya na nakasimangot ang kanyang mukha. Na naging dahilan ng tawanan sa lamesa namin. “Ate picture tayo sayang wala si ate Maricel.” Panghihinayang ng kanilang bunso. Hindi nakapunta kasi ang pangalawang kapatid nila,dahil pinagbed rest ito ng kanyang doktor at malapit na din ito manganak. “Kain lang kayo diyan ha.” Sabi ng bagong magasawa sa kanila at umalis na din pagkatapos. Ang kasama niya sa table ay mga pinsan nila,ang mga magulang niya naman ay nakapuwesto sa harapan kasama ng kanilang mga balae. “Ang guwapo naman niya grabe single pa kaya siya.” Napalingon siya sa taong nagsalita sa kanyang tabi. Sinundan niya kung anu ang kanilang tinitingnan,at nakita niya na tinititigan nila,ang best man ng kanyang brother in law,aminado siya nung nakita niya din ito kanina habang nagmarch siya sa aisle,hindi niya naiwasan na titigan din siya,lalo nung nageye to eye contact silang dalawa,na siya ang unang nagiwas at pinahihiwatig na hindi siyaintresado sa akin,bigla siyang nahiya at sinaway niya ang kanyang sarili,buti na lang hindi nito siya kilala at sa istilo nun sigurado siya na wala ito,sa kalingkingan ng mga babaeng pumila dito. On going ang program after ng kainan at tinawag na ang mga single,kapag mga ganitong pagkakataon,hindi na siya nakikipag-agawan pa,hinahayaan niya na lang sa mga mas bata sa kanya ang pagcatch ng bouquet ng bride. “Ate Madeline! tara na tinatawag na mga single,malay mo kaw na susunod na ikakasal.” Yaya ng pinsan niya na isa sa mga abay. “Sus! kayo na lang at maggive way na ako,mas bata naman kayo sa akin,kaya kayo na lang.” Sabi niya sa mga pinsan niya. Walang nagawa yung mga pinsan niya para kumbinsihin siyang pumunta sa harapan,nakita niya na nagkakandahaba ang leeg ng kapatid niya na mukhang siya ang hinahanap,pero napatigil nung bigla nag announce ang MC na ihagis na ang bouquet,nakita niya ang mga dalaga na talagang kinakarir para makuha nila ang bulaklak,kaya itinuloy niya na lang ang pagkain ng snack at sa hindi inaasahan,nagulat siya ng may biglang bumagsak sa harap niya,at nanlaki ang mata niya ng makita ang bouquet na nasa harap niya at ngayon ay kasalukuyan siyang tinatawag para pumunta sa harapan. “So I’m calling Ms. Madeline to come here in front,for us to proceed to our next activity.” Sabi ng MC ng programa. Nung narinig niya yun kahit labag sa loob nito ay tumayo na siya at pumunta sa harapan. Dahil ayaw niya na masabihan na paimportante,hindi na nga siya kagandahan magiinarte pa ba siya. Turn naman ng groom para ihagis ang garter,at sinimulan ng tawagin ang mga bachelor,pero bigla siyang nanliit kasi wala man lang ni isa ang tumatayo,para makipagagawan ng garter,bigla siyang nahiya parang gusto na niyang tumayo at bumalik sa upuan niya ng may bigla nagsalita. “What’s wrong with you guys!,nabahag ata ang mga buntot niyo,wag ka na magtawag Ms. MC ibigay mo na sa akin yan,para matapos na at my meeting pa akong pupuntahan.” Anya nito Nung narinig niya yun parang naantipatikuhan siya na parang utang na loob niya pa at tumayo ito para saluhin ang kahihiyaan niya na hindi niya naman sinabi na gawin at sanay naman na siya. Bigla na lang siyang natauhan na nagpalakpakan ang mga tao sa paligid at my nagrequest ng kiss kaya nagulat siya ng bigla may binulong ang binata sa kanya. “Miss Can I kiss your cheek.” Anya nito. Hindi niya alam pero bigla na lang siyang umoo. At naramdaman niya na lang ang labi nito sa kanyang pisngi na kinainit ng kanyang mukha. At nung tapos na ay bumalik na siya sa kanyang puwesto at inulansiya ng tukso pagkaupo nito. “Ate ang suwerte mo nahalikan ka ng isa sa eligible bachelor at one of the dominant in banking industries si Mr. Madrigal.” Kinikilig na comment ng kanyang mga pinsan. “Sino si Mr. Madrigal?” Naguguluhang niyang tanung sa kanyang sarili. “Hay naku ate alam ko na startruck ka sa kagawapuhan ni Mr.Madrigal,kaya hindi mo na natandaan ang name nung lalaki na nagsuot sa iyong garter.” Ulit ng kanyang pinsan. Mr.Madrigal,saan niya nga ba narinig ang apelyido na ito? kahit anung isip niya hindi nito tanda kung saan niya ito narinig,kaya hinayaan niya na at tumayo na siya nung tinawag na ito ng magulang niya para family picture sa newlywed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD