Madeline Reyes
Natapos ang trabaho nila ngaung araw at ang mga kasama niya ay game na game magbar. Nagulat siya kahit si Lani ay sasama. Nagpaalam naman daw ito sa asawa niya at pumayag naman,may tiwala naman daw ito sa kanya at tatawagan nalang daw ito kung magpapasundo.
”Sana all may magsusundo.” Biro niya kay Lani.
“Magbf ka na kasi girl para naman maranasan mo kung paano magkaroon ng karelasyon. Tipong may magaalala sa iyo at magaalaga,tutal tapos naman na ang mga kapatid mo,siguro its about time naman na sarili mo naman intindihin mo.” Sabi ni Lani sa kanya.
“Lam mo naman diba,hindi naman ako inoobliga nina Mama at Papa na tumulong sa kanila,kasi lagi nila sinasabi na obligasyon nila bilang magulang na itaguyod kami magkakapatid,kaya I thank god for that. Siguro hindi lang talaga ako kasing ganda ng 2 kapatid ko,wala nga akong manliligaw,Bf pa kaya,kung nakatadhana talaga akong maging single forever,tatanggapin ko. Ako na lang magaalaga sa Parents ko.” Sagot niya kay Lani.
“Girl! Maganda ka lagi mong tatandaan yan,beauty is in the eye of the beholder. Jusko! Anu pa ba hahanapin nila sa iyo? Eh complete package kana,and wag mo masyado minamaliit ang sarili mo,kaw parang hindi natin napagaralan yan. We have to love our self and nurture what god gave us diba. Pasasaan ba at darating din si Mr. Right, malay mo hindi pa lang pinanganganak hahahah.” Pagbibiro ni Lani sa kanya.
“Wag naman ganun,ok lang naman ako magisa,kung may darating salamat kung wala salamat din.” Simpleng sagot niya kay Lani.
“G*g*! Iba pa din na may isang tao na magtitirik sa iyo na kandila.” Pagbibiro sa kanya ni Lani.
“Kaw kung anu anu na lang sinasabi mo naloloka ako. Pero seriously gusto ko din maranasan maging Ina,kaya nagpaplano akong magampon,sana lang hindi mahirap ang process lalo at single ako.” Seryosong sagot niya kay Lani.
“Baka hindi namn siguro,diba marami naman diyan ang nagaampon. Pero try mo muna gumawa sayang ang matris bago man lang ma-expired ay magamit man lang. Itatanung ko nga pala sa asawa ko kung may mga kaibigan pa siya na single at ibebenta kita hahahaha.” Biro sa kanya ni Lani.
“Grabe ka sa akin! Benta talaga.” Nakasimangot niyang sagot dito.
Natigil ang kanilang pagkukuwentuhan ng lumabas na ng opisina niya si Mrs. Santos,kasi ito na lang inaantay nila at gusto ng Ginang na sabay sabay sila pupunta sa bar ng anak nito gamit personal van nila.
“Tara na guys! Lets make party party!” Masayang yaya sa kanila ni Mrs Santos. Na kinatawa ng lahat.
Nakaramdam sila ng panghihinayang dahil kung kailan paalis na ang Ginang tiyaka nila nalaman ang pagiging cool nito. Ilag kasi sila dito mulat sapul,kaya hindi nila nalaman na may ganitong side ang Gnang.
Kaya sabay sabay na silang bumaba sa lobby at nakita nila yung van na gagamitin ng grupo.
Puno ng asaran at kulitan sa loob ng van,lalo at mix generation ang meron sila. Kaya hirit ni Mrs. Santos belong pa daw ito sa Gen X at hindi sa Baby Boomers na kinatawa nilang lahat. Siyempre hindi din sila nagpatalo ang mga Millennials,sa mga Gen Z na kasama nila.
Ang kukulit ng kasama nilang mga Gen Z. Sumakit ang bibig ni Madeline sa kakatawa,kaya hindi nila namalayan na nakarating na sila sa bar.
Na amaze siya nung pumasok siya sa bar,hindi ito yung tipong bar diyan sa tabi tabi. Sabagay ang sabi nga puro mayayaman at mga member lang ang puwedeng makapasok dito,kaya expected na nila talaga na hindi biro ang price dito.
“Ok guys,punta na tayo sa VIP room at nakahanda na yung mga pagkain na pinahanda ko.” Announce ni Mrs Santos sa kanila. Na lalong kinatuwa ng mga kasama niya,kaya pumunta na din sila ni Lani sa sinasabi na kuwarto ni Mrs Santos.
Kasalukuyan silang kumakain at yung ibang kasama nila ay mga nagpaalam na mauuna ng uminom ng alak,dahil first time daw nila pumunta dito kaya susulitin na nila habang maaga pa daw,kaya tawa sila ng tawa kasi parang mga bata na ngayon lang nakalabas ng bahay.
Pero bigla sialng napatahimik nung bigla may kumatok sa pintuan at nagbukas ito. Tumambad sa kanila ang 3 tao sina Mr Madrigal na nakalihis pa ang polo habang nakasabit ang coat sa balikat nito,ang Secretary niya at isang may edad na lalaki na ngayon niya lang din nakita.
“Oh! Iho I’m glad at nakapunta kayo. Pasok na kayo,help your self yung iba ay nagsimula ng uminom.” Paanyaya ni Mrs. Santos sa mga bagong dating.
Bigla natahimik ang paligid,na parang hindi man lang mahuhulugan ng karayom sa katahimikan,naintindihan naman ni Madeline ang nangyayari,kasi hindi kilala ng iba niyang kasamahan ang mga bagong dating kaya naiilang silang magingay.
“Oh! Guys anu nangyari?bakit kayo tumahimik?asan na ang mga Gen Z diyan?” Sunod sunod na pabirong tanung ng Ginang sa kanila.
“Ok guys meet our CEO Mr. James Madrigal,si Elaine her secretary and Im sure ito nabibilang sa baby boomers hahahaha,may husband Judge Manuel Santos.” Pagpapakilala ng Ginang sa mga bagong. At binigyan ng mainit na yakap ng Ginang ang asawa nito dahil sa pagbibiro nito kanina.
Dahil sa nalamam,parang mas lalo tumahimik ang paligid na walang nangahas na magingay man lang.
“Guys go! Enjoy,para sa inyo ito,Don’t mind us.” Biglang sabi ni Sir Madrigal sa lahat. Na biglang nagpagaan ng mood sa loob ng VIP room,kaya nagsimula na naman ang pagiingay ng mga kasamahan niya.
Naramdaman ni Madeline na parang may nakatingin sa kanya,kaya paglingon nito nakita niyang nakatingin sa kanya si Sir Madrigal kaya mabilis siyang nagiwas ng tingin dito.
“Madeline Iha,diba sabi ko saiyo malakas ang radar ng asawa ko,siguro yung anak na naman niya ang nagsabi sa lalaking ito,kaya ako nasundan dito.” Nakasimangot na sabi ni Mrs Santos kay Madeline. Habang natatawa naman ang asawa ng Ginang sa narinig at nakaakbay dito na tila ba ay may aagaw sa Ginang.
“Of course Darling! alam mo naman na hindi ako mapalagay ng hindi kita nakikita.” Malambing na sagot ni Mr. Santos.
Bigla nakaramdam siya ng inggit sa magasawang na nasa harapan niya,iniisip nito tuloy kung makakahanap pa siya na tulad ng asawa ng Ginang,na kahit may edad na eh halata pa din ang pagmamahal nito at pagaalaga dito. Siguro tanggapin na lang niya na talagang tatanda siyang magisa.