Chapter 5

1148 Words
Madeline Reyes At nagsimula na ang training niya sa pagiging head ng Hr department,masasabi,niya na kahit matagal na siya sa department na ito marami pa din siyang natututunan na bago sa kanya, kaya minsan napapaisip siya kung kakayanin niya ba ang bagong posisyon na natanggap,lalo na kapag may mga management meeting bilang head siya na mismo ang aatend. Kaya bawat detalye ay kanyang kinabisado,sa bagong posisyon na kanyang tinanggap at kasabay nga nito tulad ng sinabi niya kay Lani ay prinocess na niya ang nga dokumento nito,para sa promotion nito at ito na ang papalit sa position niyang nabakante,kaya tuwang tuwa ang kaibigan niya sa nangyari,deserve din naman ng kaibigan niya ang promotion,kaya wala naging issue sa department nila lalo na kung sa senority at sa capablities pagdating sa trabaho hindi naman sila nagkakalayo. Mabilis lumipas ang isang linggo na hindi niya namamalayan. Next week wala ng Mrs. Santos ang aalalay sa kanya loob ng department,lahat ay nasa balikat na niya nakaatang,kaya nga ba napapaisip siya kung tama ba na tinanggap niya ang promotion?Lalot pa at nasabi sa kanya ni Mrs. Santos na napaka strict at may pagkamasungit yung CEO ng Mendez Corp,na makikilal ko mamaya at nakaschedule daw kasi ito ngayon ng punta dito sa company. “Anu Madeline ready ka na ba?” Tanung sa kanya ni Mrs.Santos. At tinawanan naman siya nito,sa reaction na pinakita niya sa Ginang. “Iha ok lang yan,makakabisado mo din yan,dahil araw araw mo na gagawin,ewan ko na lang kung hindi ka mauumay. Nakikita ko ang sarili ko sa iyo nung nakuha ko din ang promotion na ito. Actually mas magaling ka nga sa akin at madali mo agad nakuha mga tinuro ko and magiging panatag ako kasi nasa mabuting kamay ang departamentong matagal kong inaalagaan." May pagmamalaking sabi ni Mrs. Santos sa kanya. “Malay mo dito kana makapag asawa,like what happen to me” May panunuksong biro niya kay Madeline. Pinamulahan na lang ng mukha si Madeline sa sinabi ng Ginang at piniling hindi na magcomment ng anu man pa. “Anyway nagsabi ang team they want to celebrate your promotion and sabi ko isasabay ko na din ang padespedida ko,kaya pinareserve ko na sa anak ko yung isang bar niya na malapit lang dito,para maging exclusive lang ito sa atin.” Sabi ng Ginang kay Madeline. “Mam pumapasok po kayo sa mga bar?” Gulat niyang tanung kay Mrs. Santos. “And why not! Hindi porket nagkakaedad na hindi na puwede pumunta sa mga bar,chill chill lang hindi naman magpapakalasing yung tamang relax lang to loose all the stress. Actually ang nagturo sa akin mag bar yung best friend ko,kaya kapag nagkikita kami hindi puwede hindi kami magbabar kahit na may mga edad na kami, pero siyempre with our possessive husband,kasi hindi kami makakalis kung hindi sila kasama.” Kinikilig na sagot niya Madeline. Sa tagal ko dito ngayon ko lang nakita ang pagiging cool ni Mam,na hindi ko akalain na may ganyan pala siyang personality,nasanay kasi ako na pagiging serious niya at strict,kung may mga occasion naman andun pa din ang pagiging prime and proper. “Madeline lets go! Papakilala kita sa CEO mg Mendez Corp.” Yaya sa kanya ng Ginang. Kaya tumango siya bilang pagsangayon. Habang papunta sila sa floor ng CEO,nagbibigay pa din siya nga mga input lalo tungkol dito. Lahat ng do’s and dont’s,kaya tinatandaan niya talaga ang lahat ng sinasabi ng Ginang,dahil ito ang ngrecommend sa kanya. “And lastly,huwag kang mahuhulog sa charm ng batang yun,at saksakan ng babaero,ewan ko ba bakit hindi pa magasawa ng magtino?” Napanganga siya sa sinabi ni Mrs Santos. It means binata pa yung CEO ng company at bata pa pala. “Bata pa po pala ang CEO ng company,akala ko po matanda na.” Comment niya sa sinabi ni Mrs. Santos. “Naku! Iha,wag mo ipaparinig sa kanya yan hahahah. Actually parang nasa late 30’ na din ang edad nito,naging busy na din sa pagtatatrabaho. Dito na tayo” Pagiimporma sa kanya ng Ginang ng makarating nila ang floor ng CEO office. At nakita niya na kinausap ng Ginang ang Secretary at pinagantay lang sila ng sandali para ipaalam ang kanilang pagdating,ng binigyan na sila ng permiso ay pumasok na sila sa loob ng office nito. Pagpasok ni Madeline sa loob ay namangha siya sa ganda ng pagkakaayos ng opisina. Napaka masculine yet sophisticated ang dating,sa tagal niya dito sa Company ngayon lang siya nakaakyat sa CEO's floor. Sabagy anu nga naman ang gagawin niya dito? Wala naman. Natauhan na lang siya ng tawagin ni Mrs Santos ang kanyang pangalan. “Iho! This the new Head of HR department si Madeline Reyes and please meet Mr.James Martin Madrigal,CEO of Mendez Corp.” Pagpapakilala ni Mrs. Santos sa bawat isa sa kanila. “Ikaw!” Biglang niyang nasabi dito pagkatapos makilala. “Do you know him?” Takang tanung ni Mrs Santos sa kanya. Bigla siyang natigilan sa tanung ni Mrs Santos at nahiya dahil ito ang taong kinainisan niya nung araw ng kasal ng kapatid niya. Hindi siya makapaniwala na boss pala niya ang antipatikong lalaki na ito. “Actually Tita hindi naman kami personally magkakilala,pero nagkita na kami sa kasal ng kaibigan ko na si Christian and it so happen na kapatid niya ang bride nito.” Paliwanag ni Mr. Madrigal sa Ginang. “What a coincidence! Kapatid mo pala si Melanie,sayang nga lang hindi ako nakaatend sa kasal nila at sinumpong ang asthma ko.” Sagot ni Mrs. Santos dito. “Oo nga po Mam and nice meeting po Sir.” Magalang na bati ni Madeline kay Mr. Madrigal. “Anyway,Iho naturo ko naman na lahat ang dapat niya malaman and nakapagendorse na din ako. I hope wag mo siya pababayaan dito sa Company and please manage your temper,lalo at kakapromote lang ni Madeline sa position. Baka malaman ko na lang magresign ito dahil sa iyo ha.” Pagbabala ng Ginang dito. "Tita your so mean to me,ganun na ba ako kasama. Dont worry about the Company kami bahala dito ni Ms. Reyes,enjoy your early retirement with Tito.’’ Sagot ni Mr. Madrigal sa Ginang. Binigyan niya ng nakakalokong tingin ang dalaga, na kinasimangot ng huli. “Settle then, Oo nga pala iho,kung wala ka naman gaano gagawin at maluwag ang sched mo mamaya,sama ka din sa bar ni Kenneth at nagpareserve ako for celebration ng promotion ni Madeline as well as for my despedida.” Pagiinvite ng Ginang dito. Na kinagulat ng dalaga nung narinig. “Hmmm ok sige Tita,isasama ko nalang yung Secretary ko,para makapagrelax din.” Sagot ni Mr. Madrigal kay Mrs. Santos. “Great! Ok see you later” Masayang sagot ng Ginang. At nagpaalaam na din siya sa binata na tango lamang ang nakuhang sagot dito. Sabay na silang umalis ng Ginang pabalik sa floor nila,na may kaba sa kanyang dibdib na hindi alam kung bakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD