CHAPTER THREE - JOHAN

1572 Words
(KIDLAT) CHAPTER 3 KIDLAT POV Tahimik akong pumasok sa sariling bahay ko. Napabuntong-hininga ako dala ng katahimikan maging sa paligid ni wala man lang akong tanging nakikita maliban sa mga plano kong nakakalat sa sahig. "My life is empty!" bulong ko sa sarili. Sa isipan naalala ko ang kasalukuyang kaarawan ng Lolo Ignacio ko sa Cebu. Wala na akong balita rito maging sa mga kapatid kong dumalo. Pinili kong mapag-isa sa isang sulok ng bahay ko kong saan karamay ang ilang bote ng red horse. Ang naging sandalan ko sa nararamdamang kakulangan mula sa sarili kong pamilya. Aminin ko man o hindi labis-labis ang pangungulila ang nararamdaman ko sa mga ito. Napasinghap ako at sa t'wina hindi ko naintindihan kung bakit ko biglang naalala si Trina. TRINA POV "Ano plano mo?" tanong ni Lanie sa akin habang pinagmamasdan ang kapatid kong si Johan. Maaga itong nakatulog dahil sa sama ng pakiramdam, sinumpong na naman kasi ito. "Hindi ko alam, Lanie. Isa lang alam ko kailangan niya nang gumaling, magpalakas ulit," mahina kong sagot sa kaibigan ko para sa lumulubhang kalagayan ni Johan dahil sa sakit nito sa puso na mula n'ong maliit pa lang siya nilalabanan niya na. "Paano mo magagawa 'yan kong kapos ka? Kung wala kang mapagkukunan ng pera para sa mga gamot niya." Umiwas ako ng tingin binaling sa larawan ng mga magulang namin sa tabi ng higaan naming mag-kapatid. "Bukas na bukas maghahanap ako ng trabaho para kahit papano makatulong para sa buwanang gamutan niya sa check-up," tugon ko sa kabila ng takot kongl iwan ang kapatid ko mag-isa sa maliit naming bahay. Lalo pa't may peligrong mapapaalis kami sa lugar na 'yon oras na magmatigas ang intsik na may-ari ng lupa lalo na pag muling bumalik ang engineer na binatang nakilala namin mag-kapatid ang binatang ayaw niya nang makita pa. KIDLAT POV "Sir, magandang gabi ho," bati ng mabait kong sekretarya nang sagutin ko ang panglimang tawag nito. "Nakainom ako Daisy!" bungad ni Kidlat. "Sir, hindi ho ako si Daisy. Nag-resign na po siya nakaraang buwan pa," inis na sagot ng dalagang kanang-kamay ko. "Sabi ko naman sa'yo nakainom ako, Meryl." muling subok ko nagbabasakaling tumama ang pangalan na tinawag ko sa kausap. Napabuntong-hininga ang nasa kabilang linya. "Sir hindi ho ako si Meryl, matagal na pong umalis 'yon." "Okey, okey! What you need Becky?" Isang subok ko pa sa katotohanang sa dami ng umalis o mas tamang sabihing pinaalis kong sekretarya hindi ko na matandaan ang pangalan ng kausap ko. Narinig kong napasinghap ito sa hangin sa pangatlong pagkakamali ko sa mga pangalang binanggit ko. Palibhasa ilang sekretarya ko na ang dumaan sa kamay ko matapos hindi ko tinutugon ang pag-ibig ng mga ito sa akin pinagreresign ko ang mga ito ng kusa. "I'am Josie. Your two weeks secretary Mr. Marundon." Pagtatama ng dalaga. "Ow. Hi Josie! May kailangan ka baby?" Pagbibiro ko sa dalaga. "I call you sir para sa update tungkol sa birthday ng Lolo Igniacio niyo sa Cebu." Tumahimik ako pagkarinig sa pangalan ni Don Ignacio my Lolo. "Oh! What's happening there?" walang emosyong tanong ko. Biglang nagbago ang timpla. "Nag-iisang apo niya lang ang dumalo sa birthday niya," balita nito. "Si Thunder?" tanong ko na hindi na pinatapos ang sekretarya. "Walang iba," sagot nito sa akin. "Thankyou, alam ko naman kahit 'di mo sabihin. Thunder will always there for don Ignacio!" "For your Lolo, Sir!" Pagtatama ng kausap ko sa akin sa nakasanayan ko ng tawag sa sariling kong lolo. "Okey. Lolo kung lolo. Masaya na?" aniya ko hindi tumugon ang sekretarya ko sa naging tugon ko rito. Alam kong kilala na ako nito lalo na ang pagiging sarcastic kong tao pagdating sa usapin tungkol sa tunay na pamilyang tinakasan ko na iilan lang ang nakakaalam. At hindi pa ako handa para muling magbalik kong saan talaga ako nagmula. TRINA POV Maaga pa lang ayos na ako. Para sa paghahanda ko sa gagawing kong subok sa paghahanap ng trabaho. "Ate, aalis ka?" tanong ng bagong gising kong kapatid na si Johan. Nilapitan ko ito umupo ito sumandal sa headboard ng higaan namin. Inayos ko ang bonet ng kapatid ko maging ang jacket nitong nakabalot dito. "Maghahanap ng trabaho si Ate," maiksing tugon ko sa kaniya. "Baka makikipag-away ka lang?" alam kong tukso ng kapatid. Kunwaring sumimangot ako. Kiniliti ito. "Hindi makikipag-away si Ate. Talagang maghahanap ako ng trabaho." "Anong trabaho naman ate?" Kunwaring nag-isip ako sa tanong nito. "Manager!" mayabang kong sagot dito. "Niloloko mo naman ako, Ate. Hindi pweding manager ka agad kailangan dadaan ka muna sa mababa dahil walang manager na hindi dumaan d'on," animo matandang tugon ng kapatid ko. Napangiti ako sa pagiging matured ng nakakabatang kong kapatid sa murang edad nito alam na nito ang reyalidad. "Basta magtiwala ka magiging manager si, Ate," pagpapalakas ng loob ko rito. "Sigi na, Ate. Umalis ka na." "Okey ka lang ba rito?" "Dating gawi, Ate : kakain, mag-aayos, magpapahinga, kakain ulit at hihintayin ka," masiglang sagot nito sa akin. Tumayo ako kasabay ang malalim na buntong-hininga labag man sa loob kong iwan ang kapatid kong mag-isa. Kailangan kong makalikom ng sapat na halaga para maipagamot ito. "Paano ba 'yan! Aalis muna ako," paalam ko rito. Sumaludo ang kapatid ko sa kin. Muli akong para halikan ang nuo nito. "H'wag kang lalabas! At h'wag na h'wag kang..." "Makikipag-usap kahit kanino," agaw ni Johan sa iba pang sasabihin ko. Natawa ako sa dinugtong nito sa nais kong sabihin sa kaniya. Muli ko itong hinalikan sa nuo bago ako tuluyang umalis--- pagkatapos kong ibilin lahat ng kakailanganin nitong gawin niya pag wala ako. KIDLAT POV "Kamusta schedule ko?" tanong ko sa dalagang sekretarya ko. "Hindi mo ba muna kakamustahin birthday ng Lolo mo?" pag-iiba nito ng usapan. Nagtaas ako tingin nanatiling nakatuon ang tingin sa isang sketchpad na nasa harap ko. "Nasabi mo na kagabi dapat mong sabihin, Josie," aniya ko. Pumalakpak ang dalaga. "Mabuti naman, Sir. Tumama na ang pangalan ko," tumatawang sagot nito sa akin. Gumanti ako ng maluwag na ngiti sa kaniya. "By the way! Nakapaskil na pala sa labas ang kailangan niyong staff dito sa opisina." Tumango-tango ako. Sa lahat talaga alam kong maaasahan ang isang 'to. "Thanks. For doing that all, Josie," pagpapasalamat ko sa kaniya. Ilang sandali nagpaalam ang dalaga para sa kailangan nitong gawin sa sarili nitong cubicle. Nakangiti akong sinundan ito ng tingin-- naisip ko sa lahat yata ng naging sekretarya ko ito lang ang tanging hindi man lang nagparamdam sa akin. TRINA POV "Wanted office staff apply inside." Napangiti ako sa sarili. Kumpyansang makakakuha ng trabaho sa araw na 'yon taas nuong pumasok ako sa gusali matapos ayusin ang sarili. Dala ang tiwala sa sariling ito na ang magbubukas sa bagong umaga ng buhay namin magkapatid. "Goodmorning," magiliw kong bati sa babaeng nakaupo sa isang mesa nakaharap sa laptop nito. "Yes?" Pinasadahan nito ako ng tingin. Nilabas ko ang isang brown envelope hindi nakuhang tanggalin ang ngiti sa labi ko para sa kaharap. "Aplikante po," tugon ko. Sabay bigay ng documents ko rito. Pagkatapos nitong suriin ang laman ng mga papel ko. Agad itong may tinawagan sa telepono. "Sir, we have first applicant here," aniya nitong nakangiting nakatingin sa akin. "Okey. Sir." Binaba na nito muli akong hinarap. "Pasok ka na raw for interview," aniya nito sa akin. Napakunot-nuo ako labis na nagtataka kung bakit ganoon kabilis ang gagawing interview. "Agad?" kumpirmang tanong ko sa kaharap. Kasabay ang takot na nararamdaman sa interview na sasabakan ko. "Maswerte ka. Una kang aplikanteng nag-apply dito kaya pag sinewerte ka pa baka matanggap ka." Pagpapalakas loob ng nagpapakilala sa aking sekretarya. Muli kong inayos ang sarili ko sa isang maliit at lumang salaming lagi kong dala-dala. Matapos magpulbo at magpahid ng lipstick tumalima ako sa tinurong opisina ng dalagang kausap kong nakilala kong si Josie. Taas nuo akong pumasok sa pribadong opisinang tinuro nito. Agad kong napansin ang isang lalaking nasa harap ng water despenser tumikhim ako. Kasunod ang paglingon ng binatang biglang natigil sa pag-inom pagkakita sa akin. "IKAW?" "Ikaw?" Nasambit naming sabay puno ng pagkabigla ang mga mukha. Sa hindi inaasahang pagkikita sa hindi inaasahang pagkakataon. "Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?" sunod-sunod kong tanong para sa lalaking kaharap sabay lapag ng envelope ko sa lamesang nasa harap ko. "What are you doing here in my office?" may diing ganting tanong nito sa akin. Lihim akong napalunok. Ang ahat ng kumpyansa ko sa sarili ay biglang naglaho sa nalamang ang lalaking kinaiinisan ko. Ay ang may-ari ng opisinang inakala kong magbibigay sa akin ng trabaho. Tumayo ako ng tuwid sa ikatlong pagkakataon matapang kong hinarap ito. "Hoy! Mister! Kong alam ko lang na opisina mo 'to hindi ako papasok dito at hinding-hindi ako mag-aapply dito dahil hindi ko maatim na makakasama ka sa apat na sulok nang opisinang 'to! I'm going to RESIGN!" Malakas kong sa kaharap. Tumawa ito ng malakast sa halos maputol na litid ng mga ugat sa galit kong nakikita niya alam ko. "Ms. Dragona hindi kami naghahanap ng clown so you don't have to resign! Because you are FIRED!" ganting pang-iinis nito sa akin. Gigil na gigil sa akong muling kinuha ang envelope kong nasa taas ng mesa nito buong lakas na sinampal ito sa braso ng lalaking hindi ko maawat sa kakatawa. "Sira-ulo!" angil ko. Labis ang galit ang nadarama. Bago tuluyang nagmartsang umalis palabas. Malakas na sinirado ko ang pinto ng opisina ng binatang walang impit sa pagtaw
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD