CHAPTER 4 - CHANDRA

2155 Words
K : 4 ( CHANDRA ) (KIDLAT && TRINA) ---- NATIGILAN si Trina sa harap ng gusali sa opisinang binalak niyang pagtrabahuhan--- ang opisinang akala niya magbibigay sa kaniya ng pag-asa para sa kapatid niya. Pero nagkamali pala siya dahil sa hindi inaasahan na ang makakaharap niya, walang iba kundi ang lalaking nakabangayan niya nagdaang-araw sa Baryo nila at walang pinagbago sa muling pagkikita nila. "Ang yabang! Akala niya kung sino siya, akala niya maaatim kong magtrabaho sa kanya!" galit na bulong ni Trina para sa binatang patuloy na sinisira ang araw niya mula ng makilala niya ito. "Hindi ako magtratrabaho sa'yo! Baliw!" Muli niyang sigaw ng malakas sa hangin, umaasang kahit papano mabawasan ang sama ng loob na nararamdaman niya. Naiinis talaga siya, idagdag pa ang tinging pinupukol nito sa kaniya. "Para siyang manyak!" akusa niya sa sarili para sa lalaking nakilala niyang si Kidlat Marundon. 'Ang pangit ng pangalan niya! Terno sa ugali niya," patuloy niyang bulong sa sarili, habang nakahinto't ang tingin ay nasa building na kanina lang pinasukan niya para sana sa pag-asam na makakatrabaho siya. "Ahhh!" atungal ng dalaga sa inis na nararamdaman para sa lalaki.Kung minamalas ka nga naman, sigaw ng isip niya. Sa dinami-rami ng pwedi nitong pag-aplayan ng trabaho d'on pa talaga siya napunta sa lalaking para sa dalaga--- tunay na walang modo, bastos at walang respeto. • • • "Sir, ano'ng nangyari?" Nilingon ni Kidlat ang sekretarya nang bigla na lamang itong pumasok sa opisina niya. Pagkatapos lumabas ni Trina, ang babaeng naging una at huli na yatang aplikante niya sa araw na 'yon. Dahil sa nagawa na naman niyang kalokohan para lang inisin ito. Hindi niya naman sinasadya natutuwa lang siya sa pagiging pikonin ng dalaga. "Baliw 'yong pinag-apply mo,” walang gatol na tugon ni Kidlat sa dalaga. Umiling-iling ang huli sa naging turan ng amo. Iniisip siguro na wala na yata siyang nagawang mabuti sa buhay niya. Na lahat halos ginagawa niya lamang biro. Alam niyang nagtataka rin si Josie, kung bakit patuloy pa rin ang pagkakaroon niya ng kliyente---hindi naman natatawaran ang serbisyo niya bawat proyekto na mayroon siya, para sa kaniya magaling siyang magtrabaho. Sa mahigit ilang taon na ring paninilbihan ng dalaga sa kaniya, alam niyang kilala na siya nito. Iyon nga lang matindi lang talaga ang pagiging mapang-asar niya sa lahat ng nagiging aplikante niya, maging sa ilang naging staff niya noon pa man. Ito nalang yata ang natitira, naisip niya. "Maayos naman si Trina. I checked her papers at may potential siya maging staff ng firm mo." "She's not!" mabilis na tugon ni Kidlat. Napakibit-balikat ang dalaga sa naging sagot niya. Wala itong tinag mula sa kinatatayuan nito, napailing nalang siya--- kilala siya ni Josie, mapang-asar lang siya, pero alam niya ang ginagawa niya. "Baka naman dumiskarte ka agad, Sir?” napangiti si Kidlat sa tanong ng kaharap. Tinapunan niya ito ng tingin napangiwi sa sarili kasabay ng pagpapaikot ng ballpen sa mga daliri niya. "She is crazy, Josie! At alam ko sa tagal na pagtratrabaho mo sa'kin kilala mo na ang tipo ko!" mahabang sagot ng binata sa biglang natigilang sekretarya niya. Tama ang sinabi niya, matagal ng naninilbihan sa kaniya si Josie, kaya alam na nito ang hilig niya maging ang tipo niya sa isang tao, partikular sa isang babaeng magugustuhan niya. "Ang akin lang naman, Sir. Sana binigyan mo ng pagkakataon ang tao maganda naman si Trina, mukhang may ibubuga, mukhang matapang nga lang." Natigilan si Kidlat sa muling pagbanggit nito sa pangalang Trina--- sa isip niya lumiwanag sa kaniya ang simpleng mukha ng dalaga, mukhang palaban at misteryosa. "Basta ayaw ko sa kaniya, Josie!" walang gatol na tugon ni Kidlat sa kaharap. Gusto niyang matapos ang pag-uusap nilang dalawa. Buo na ang naging desisyon niyang hindi tanggapin si Trina, dahil kung seryoso nga ito sa paghahanap ng trabaho malamang bumalik ito at nakiusap na bigyan niya ito ng pagkakataon para sa bakanteng posisyon na kailangan nila sa opisina. "The more you hate, the more you love, Sir Kidlat," tudyo ni Josie, sa binatang amo sabay pinakawalan ang makabuluhang ngiti sa isa't isa. "Let's see," aniya. ° ° ° NAGPASYANG dumaan si Trina sa harap ng munisepyo ng bayan nila bago umuwi sa maghapong pagkabigo sa paghahanap ng trabaho. Hindi napigilan ng dalaga ang pagbagsakan ng luha sa magkabilang pisngi niya sa sama ng loob para sa nawalang pag-asa para sa nakakabatang kapatid. Bigo siya sa paghahanap ng trabaho. "Miss Trina?" Lihim na nagpahid ang dalaga sa luhang kumuwala sa biglang pagsikdo ng kaba sa dibdib niya, dahil sa boses babaeng nasa likuran niyang, tinawag pa ang pangalan niya. "Miss Trina, ikaw nga." Muling sambit nito sa pangalan niya. May takot sa mga matang napalingon sa paligid si Trina sa takot na baka makita siya ng sariling ina, ang dahilan kung bakit siya nandoon sa lugar na 'yon. Aminin man o hindi ni Trina, nangungulila siya ng labis sa sarili niyang ina sa tagal ng panahon na hindi na rin sila nagkikita dahil sa mas may pinili itong buhay keysa sa kanila ng kapatid niyang si Johan. "Nasa sasakyan si Madam Chandra, gusto mo ba siya makausap?" aniya ng babaeng alam niyang malapit na empleyado ng tinatawag nitong si Chandra, ang Nanay niya. Napakagat-labi si Trina sa narinig na sinabi ng kaharap--- nandoon ang ginang na sadya niyang kinakaila niya sa sariling hindi ito ang sadya niya sa madalas nitong puntahan sa siyudad. "Napadaan lang ako," maiksing tugon ng dalaga. Akmang aalis ng narinig ang pamilyar na boses mula sa likuran nito. "T-Trina?" tawag sa pangalan ni Trina ng isang ginang, hindi ito pweding magkamali dahil kilalang-kilala nito ang boses na iyon. "T-Trina? Anak?" Naramdaman ng dalaga ang luhang bumalong sa mga mata niya, habang papalapit ang ginang sa kinatatayuan niya. Gusto niyang umiwas at lumayo. Alam niya aang mangyayari sa sariling ina pag may nakakita ritong magka-usap silang dalawa. "Anong ginagawa mo rito? Nasaan si Johan? Kumusta ang kalagayan niya?" sunod-sunod na tanong ng ginang sa dalaga. Umiwas siya ng tingin dito. Binaling sa ikalawang palapag ng munisepyo kung saan naroon ang opisina ng Alkalde ng siyudad nila. "Hindi po ako pumunta rito para dalawin kayo. Napadaan lang ho ako!" pagsisinungaling ni Trina sa kaharap. Iniwas niya ang tingin niya rito, dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili niyang ipagkanulo siya ng damdamin niya--- ang damdaming labis niyang pangungulila rito. Nabaling ang tingin niya sa isang malaking larawan na nakapaskil sa dingding sa harap nila ng sarili niyang ina na si Chandra. May takot sa mga mata nito at 'di lingid sa kaalaman niya, kung ano ang dahilan ng takot na nakikita ni Trina sa mga mata ng ginang. May kaugnayan ito kay--- Mayor Tomas. "Anak, namimiss ko na kayo, kayo ng kapatid mo mabuti napadalaw ka. Nakita ulit kita, Anak,” muling untag nito sa kanya. Tiningnan ito ni Trina, pilit na ngumiti sa harap nito--- sunod-sunod siyang napailing alam niya sa sariling wala pa rin pinagbago ang nanay niya. "Tulad ho ng sinabi ko. Hindi po ako nandito para sa inyo napadaan lang ako!" taas nuong sagot ni Trina kay Chandra, akma itong tatalikod nang muli itong magsalita. "Trina, sandali! Oo nga pala tanggapin mo 'to." Lihim na tiningnan ni Trina ang ginang ang siyang pagkuha nito ng perang papel sa mamahaling pitaka nito. Nilabas ang limang daang piso. "Para sa'yo, para sa kapatid mo. Pasensiya ka na kong ito lang maibibigay ko baka kasi hanapin ng Tito Tomas mo ang pera ko kaya hindi kita mabibigyan ng malaking halaga!" Nanginginig ang boses nito hindi mawala ang takot sa mga mata. Tumawa ng mariin si Trina, napailing sa tinuran nito sa sarili naisip na wala pa rin palang pinagbago ang nanay niya tuta pa rin pala ito ng asawa. Hinawakan ni Trina ang kamay nito muling binalik sa kamay nang ginang ang perang inaabot nito. "H'wag na ho kayo mag-alala, kaya ko hong buhayin ang kapatid ko! Hindi ko ho kailangan ang pera niyo!" taas-nuong sabi niya, matapos talikuran ang ginang nagmadaling umalis si Trina sa harap nito. Sa ikalawang pagkakataon sa araw na 'yon muling naglaglagan ang mga luhang kumuwala sa mga mata niya para sa sama ng loob para sa tunay na ina. • • • "SAAN ba pumunta ang ate mo?" tanong ni Kidlat sa nkakabatang kapatid ni Trina kaharap niya ito sa maliit na sala ng magkapatid. Wala siyang pakialam kung wala man lang imbitasyon mula sa dalaga ang pagpasok nito sa bahay nito, gusto niyang makausap ito; una dahil sa lupang kailangan ng lisanin ng dalaga kasama ang mga nandoon pa rin sa lugar na 'yon, pangalawa ang tungkol sa pag-apply nito sa trabaho. "Naghahanap po siya ng trabaho," totoong sagot ng batang nakilala niyang si Johan kay Kidlat, dahil kanina lang dumaan sa opisina niya ang dalaga para sana sa intensyong paghahanap ng trabaho. Pero dahil sa naging kalokohang pumasok sa utak niya, bigla na lamang nag-back-out si Trina. "Sana nga po makahanap siya ng trabaho kahit malungkot mag-isa dito," 'ika ni Johan sa kaharap, pinagmasdan ni Kidlat ang bata napansin parang may kakaiba sa mga mata nito, may lungkot may kakaibang nararamdaman. "Bakit ba kailangan maghanap ng ate mo ng trabaho?" "Kasi kailangan niyang mag-ipon para sa pagpapagamot ko!" sagot nito na nagpakumpirma sa hinala ng binatang may kakaibang nararamdaman nga ito. "Your sick?" Pagbabasakali ni Kidlat na may makukuha siyang impormasyon sa bata, bigla siyang nakaramdam ng simpatya sa dalagang pinagsabihan niya ng kong ano-ano kani-kanina lang. "I'm....Ate!?" Naputol ni Johan ang iba pang sasabihin, nang napatingin siya sa pinto sa biglang pumasok ang Ate Trina nito pilit na ngumiti pagkakita sa kapatid. Agad napawi ang sigla ng mukha nito nang natuon ang tingin sa binatang kaharap ng kapatid nitong si Johan. "Kamusta, Ate?" excited na tanong ni Johan sa nakakatandang kapatid na 'di maalis-alis ang tingin sa bisitang tinanggap nitong, walang pasubali na basta na lamang pumasok sa bahay nila habang wala siya. "Oo nga pala, Ate si kuya Kidlat. He's here to visit me." untag nito tinuro si Kidlat para sa muling pormal na pagpapakilala. Nanatiling nakatayo lang si Trina nakatuon ang tingin sa binatang unang sumira ng araw niya kasunod ng sariling ina. Napabuntong-hininga si Trina binaling ang tingin sa kapatid nakikiusap. "Pasok ka muna sa kwarto, Johan! May sasabihin lang ako sa bisita mo," pakiusap ni Trina rito. Ayaw niyang may narinig na kahit na ano si Johan mula sa kaniya, patungkol sa lalaking biglang tumayo't hinarap siya. "Okay! Mamaya mo nalang ako kwentuhan, Ate. Gusto ko rin muna magpahinga." Tumalima ito matapos siyang gawaran ng pinong halik sa pisngi, nang masiguradong nakasira na ang pinto sa silid nilang magkapatid. Pinasadahan ulit ni Trina ng tingin ang lalaking hindi niya inaasahang makikita niya ito sa loob mismo ng bahay nila ni Johan. "Ano ginagawa mo rito sa pamamahay ko?" may diing tanong ni Trina sa kaharap. Napalunok ito wala siyang nakitang emosyon sa mga mata nito 'di tulad ng madalas niyang nakikitang kalokohan sa tingin nito pag nagkakaharap sila. "I'm here to say sorry!" mabilis na tugon ni Kidlat. Napalunok ng makita ang tinging pinukol ng dalaga dito, kung nakakamatay lang kanina pa siya bumulagta. "Umalis ka na! Masyado nang sira ang araw ko h'wag mo ng sirain lalo nakikiusap ako!" Mahinang pakiusap ni Trina rito tuluyang lumapit ito sa harap niya, wala sa sariling hinawakan ang kamay niya dinala sa sariling pisngi nito. "Slap me!" 'ika ni Kidlat na mas lalong nagpasingkit sa mga mata ng dalaga. Binawi niya ang kamay niya dito pero nagmatigas ito pinanitiling nasa pisngi lang nito. "Slap me, Trina! Alam ko kasalanan ko, that's why you're so really upset and I'm really sorry!" seryosong mukhang pagkakasabi nitong labis na pinagtataka ng dalaga. Gimik na naman yata, naisip niya. Muling tinangkang bawiin ni Trina ang kamay niya mula sa binata akmang tatalikod nang maramdaman ang pagod sa pakikipag-away o, pakikipagsagutan kahit kanino sa kabila ng araw niyang nasira. Isa na ang binatang nasa harap niya nagpupumilit na sampalin niya na kong ano man ang dahilan hindi niya alam, nang walang paalam siya nitong hinawakan sa beywang pilit na muling hinarap dito. "Slap me or I will kiss you!" malakas na pagkakasabi ni Kidlat sa harap ng natigilang dalaga. Lihim na napatingin si Trina sa labi ng binata nag-aanyaya sa isang halik na binabanta nito. Napasinghap siya, pinaglipat-lipat ang tingim sa mga mata nito. "Mas pipiliin ko nalang mamatay keysa ang halikan ka! Arogante!" Binalyang tinanggal ni Trina ang kamay nito sa beywang niya. Buong lakas na sinampal ang natulalang lalaki nang talikuran niya ito. Tutal iyon naman ang gusto nito ang sampalin niya ito, kaya binigay niya lang ang hiling ng kaharap. Quits na tayo, masayan bigkas ni Trina sa sarili, tumuloy siya sa munti nilang kusina. Hindi na siya nagtangka pang balikan ang hindi niya nagustuhang panauhing tumuntong sa bahay nila dahil para sa kaniya--- isa lamang itong asungot at wala ng iba pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD