CHAPTER 5 - NICA

1771 Words
 KABANATA V ( NICA ) "Kanina ka pa nandiyan?" bungad ni Trina sa kaibigang si Lanie. Gumising siyang nasa tabi niya ito nakaupo. Nakatulog palang siya, hindi niya namalayan. "Halos dalawang oras na rin," sarkastikong sagot nito. Umupo ang dalaga muling binaling ang tingin sa kaibigan, natatawa siya sa naging tugon nito sa kaniya. "Kamusta paghahanap ng trabaho?" Napangiwi si Trina, kasunod ang muling pagsagi sa isip niya ng mga nangyari sa kaniya tungkol sa nanay niya at sa lalaking nagpakilalang Kidlat sa kanilang magkapatid. "Ayon! Ligwak ganern!" She answered quickly, napabuntong-hininga ang kaharap. Alam na nito ang ibig niyang sabihin na hindi niya kailangang idetalye rito ang mga nangyari. "Tumayo ka riyan. Mag-ayos ka may raket tayo." Sinundan ni Trina ng tingin ang matalik na kaibigan, nagtatanong ang mga mata kong anong raket ang tinutukoy nito. Wala naman siyang alam na kahit na anong pwedi nilang puntahan ngayon. Biglaan naman yata, naisip niya. "Ano na naman 'yon?" tanong niyang walang kahit na ano'ng emosyon. May kinuha itong maliit na sobre sa bag nitong dala. "May party sa villa mamayang gabi kailangan nila ng waiters at ikaw ang naisip ko," aniya nito, nanatiling nakatingin si Trina sa sobreng inaabot nito sa kaniya. Alam niya ang Villa na tinutukoy nito, malapit lang ito sa lugar nila, isang sakay lang makakarating ka na. Ilang beses na rin siyang nakapunta roon, iyong huli e, iyong pinagdaos ang pagtatapos sa sekondarya bg kapatid niya sa inang si Nica at ang lugar na iyon ay pagmamay-ari ng pamilya ni Tomas Samonte.  Kaya siguro siya hindi nakaramdam ng pananabik. Matamlay siyang tumayo. "Tatlong libo Trina para sa isang gabing paglilingkod sa mga panauhin." Pagpapatuloy ng dalaga, napabuntong hininga si Trina tumango tinungo ang pinto. Akmang aalis nang muling lingunin si Lanie. Wala naman sigurong kinalaman ang pagdiriwang na hindi niya alam sa pamilya ni Tomas. "Pag-iisipan ko," maikling tugon niya. Sinundan siya ni Lanie hanggang sa paglabas. Sinilip niya ang munting silid ng kapatid niyang si Johan. Napangiti siya at mahimbing pa rin ang tulog nito. Mabuti nalang hindi sinumpong si Johan kahit na wala na itong gamot, hindi niya naman kasi akalaing mauubusan ito. "Trina, malaking bagay 'to para sa kapatid mo," untag ni Lanie sa pag-iisip niya. Napahinto siya at nilingon niyang muli ito. "Para saan ang party?" tanong niya. "I don't have idea. Sama ka nalang best." Patuloy sa pagpupumilit ni Lanie kay Trina, muli siyang napabuntong hininga. Sinirado niya ang pinto sa silid ni Johan. Sunod-sunod na tumango sa kaharap, tama ito malaking bagay nga iyon para sa kanilang magkapatid lalo na kay Johan. Mabibili niya na ang gamot nito para sa ilang araw. Hindi na siya mag-iisip pa, para na rin magkaroon siya ng gagamiting pera sa paghahanap ng panibagong trabaho. Mula sa pagkabigo sa pag subok niya nakaraang araw. Umikot na naman ang bilog ng mata niya nang maalala si Kidlat. Antipatiko! sigaw ng isip niya, para sa binata. "Balikan mo ako alas-cinco aayusin ko lang si Johan habang wala ako," labag sa loob niyang imporma rito. Maluwag itong ngumiti niyakap siya ng mahigpit. Kilala niya si Lanie, kahit minsan hindi siya nagawang ipahamak nito at alam nito ang sitwasyon nilang dalawa ng kapatid niya. Buo ang loob niyang hindi siya nito pababayaan sa raket na tinutukoy nito para sa kaniya. Para kay Johan ang lahat ng 'to, bulong niya sa isip. "Mahal na mahal mo talaga ang kapatid mo." "Buhay ko si Johan, gagawin ko lahat para sa kaniya, Lanie. Siya nalang ang meron ako." Nagpatiuna siya tinungo ang kusina ng muling magsalita si Lanie ang siyang muling nagpatigil sa dalaga. "May mga tao pang natira sa'yo, Trina. Nandiyan pa ang nanay mo!" Natigilan siya muling hinarap ang kaibigan sinalubong ang tingin nito. "Walang lugar ang pangalan niya dito sa pamamahay namin, Lanie! Binura ko na lahat ng ala-alang meron siya at ayaw ko na muling marinig pa!" aniya ni Trina, pagkatapos tumalikod. Napasinghap siya sa naging turan niya. Kilala siya ni Lanie, kung gaano siya katigas tungkol sa tunay nilang ina ni Johan--- tungkol kay Chandra. • • • • "Mom?" Napalingon si Chandra sa boses ng anak niyang si Nica. "Nica!" Umupo ito paharap sa kaniya sa tabi ng susuotin ng dalaga sa darating na kaarawan kinagabihan sa malawak na Villa na pagmamay-ari ng pamilya nila. "What are you thinking, Mom?" tanong nito. Napangiti siya sa isiping ganap ng dalaga ang anak nila ni Tomas Samonte ang Mayor ng siyudad. "Masaya lang ako para sa'yo ganap ka ng dalaga, Anak! At ngayon hindi mo mawawala sa'kin ang takot na baka isang araw mawala ka rin sa'kin, sa amin ng papa mo!" Ginagap nito ang kamay niya. Alam niya kung saan nagmumula ang takot na nararamdaman niya. "Hindi ko kayo iiwan ni papa, Ma. I'll stay with you whatever happen." Niyakap siya nito hinalikan sa nuo. "H'wag ka sanang magaya sa mga kapatid mo na piniling lumayo sa'kin na piniling mamuhay malayo sa'tin!" Pagpapatuloy ni Chandra, napakagat-labi ang dalagita sa sinabi niya tungkol sa dalawang kapatid sa inang piniling mamuhay malayo sa kanila ni Nica, malayo sa kaniya. "Naiintindihan ko ang kapatid ko kung bakit mas pinili niya ang buhay na malayo sa'tin, ikaw na rin nagsabi na hindi sila magkakasundo ni papa. Patuloy lang siyang mahihirapan kong pipiliin niyang manatili dito, Ma!" Napakagat-labi siya, hanggang sa mga sandaling 'yon hindi niya nagawang mabago ang paniniwala ni Nica sa naging dahilan kung bakit piniling lumayo ni Trina kasama si Johan. Kung alam lang nito ang totoong dahilan, alam niya sa sarili niyang magbabago rin ang tingin nito sa tinitingala nitong amang si Tomas. "Salamat, Nica! Alam ko magiging maayos rin sa'tin ang lahat sa inyong tatlo, kapag pumayag na ang papa mong makilala sila!" Ngumiti si Nica walang kontra sa sinabi niya tungkol sa dalawang kapatid sa ina na kailanman hindi pa nito nakikita dahil sa mahigpit na pinagbababawal ng papa nito, pero katulad niya umaasa rin siyang matatanggap rin ang mga ito ng tunay nitong ama. "Ma, can I go now tatawagan ko pa si Kidlat to invite him tonight," paalam ng anak niya. Kilala niya ang tinutukoy ng dalagita sa lalaking napakalapit sa puso nito bilang nag-iisang lalaking pinayagan ng asawa niyang maging kaibigan nito. "Good for you, Hija! Matagal na ring 'di dumadalaw ang binatang 'yon sa pamilya natin, invite him, Nica. Malamang matutuwa ang papa mo."  Tumango-tango si Nica muling yumuko sa kaniya para kintalan ng isang mabilis na halik sa nuo niya. Mahal na mahal niya ito, ganoon din si Johan at Trina--- hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na balang-araw magiging buo ang pamilya niya kasama ang dalawang anak niyang lumayo sa kaniya, dahil sa pagiging malupit ni Tomas kay Trina noon. At sinisisi niya ang sarili niya, dahil hindi niya man lang nagawang pigilan ang mga ito. Hinayaan niyang lumayo si Trina ang panganay niya, kasama si Johan ang bunsong anak sa una niyang asawa. At ang masakit sa lahat wala man lang siyang magawang tulong sa malubhang karamdaman ni Johan na nilalabanan mag-isa ni Trina.  Napasinghap siya sa mga naisip, alam niyang hindi magugustuhan ni Tomas pag nalaman nitong iniisip niya na naman ang dalawa.  Masasaktan lang siya. • • • • Napasinghap si Kidlat sa natanggap na imbitasyon galing kay Nica. Hindi lingid sa kaniya ang tinatago nitong damdamin, but he's a good friend of Samonte family sa ayaw at sa gusto niya kailangan niyang dumalo sa pagtitipon, para sa ilang pamilyang kabilang sa alta-sociedad na magagamit niya sa kanyang propesyon bilang inhenyero. Naisip niya ang ilang bagay na kailangan niyang gawin para sa mithiin niya para sa mga kailangan niyang abutin para sa mga bagay na dapat niyang patunayan sa sarili para sa pamilyang ilang taon niya ring piniling takasan. Pasado alas cinco na nang dumating si Lanie sa bahay nina Trina. Handa na ang dalaga sa damit na binilin ni Lanie sa kaniya kanina ilang, isang white polo shirt na terno ng maong niyang skirt pinili niyang itali ang hanggang balikat niyang buhok.        "Hi Johan," bati ng matalik na kaibigan sa bunsong kapatid ni Trina, prenteng nakaupo sa harap ng maliit nilang T.V sa sala. "Magandang hapon, Ate Lanie. Pasok ka." "Akala ko hindi ka na dadating," sabi niya rito. "Pwedi ba naman 'yon. Hindi naman kita iindyanin at raket natin 'to," tugon nito sa kaniya. Pinagmasdan niya ang ayos ng kaibigan ng umupo ito patabi kay Johan. Pareho lang sila ng postura, ang pinagkaiba lang kulot ang buhok ni Lanie, kaya tinali nito ng maigi sa likod at naglagay ng hairnet sa ulo nito. Lumapit siya sa gawi ng mga ito. Kanina pa kasi siya nakatayo sa pinto ng kusina nila paharap sa main door ng bahay nila at hinihintay niya ito. Tulad nga ng sabi niya, akala niya hindi na ito dadating pa, kahit na kinse minuso pa lang naman itong late sa usapan nilang dalawa. Tumayo na rin si Lanie, matapos magpaalam kay Johan. "Johan, aalis na si ate. Huwag kang papasaway kay Manang Bebeng pag sinabing kailangan mo na magpahinga sundin mo ha," bilin ni Trina sa kapatid. Tumango-tango itong nakanguso sa kaniya, inayos niya ang paborito nitong bonet na bigay sa kaniya ng nanay Chandra nila na pinili niyang itago kay Johan. Dahil alam niyang pag nalaman nito ang totoo, magkakaroon lang ito ng pag-asa tungkol sa ina nila. At ayaw niyang mangyari iyon, dahil hangga't maaari gusto niyang ilayo si Johan dito. Kung may magagawa lang sana siya, dinala niya na ito sa malayo sa lugar na hindi na nito makikita pa ang nanay nila.  "Raraket lang si Ate, para may pambili na tayo ng gamot mo," muling untag ni Trina rito, ngumiti ang batang humarap sa kaniya. "Mag-iingat ka, Ate. Hihintayin kita kwentuhan mo ako sa magiging trabaho mo ha." Tumango-tango si Trina, yumuko sa kapatid para kintalan ito ng mabilis na halik sa nuo nito. Natatakot man siyang iwan ito, wala siyang magawa. Kailangan niyang kumayod, kundi tuluyan lang siyang mauubusan. At ayaw niyang mangyari 'yon. Hindi baleng siya lang ang mahirapan, huwag lang si Johan, aniya. "Babalik agad si ate, basta magpapakabait ka." "Sigi na, Ate. Hindi mo naman ako kagaya na nakikipag-away kaya mabait po ako ikaw ang magpapakabait, Ate! okay!?" sermon nito sa kaniya. Para na talaga itong matanda, aniya.  Napailing si Trina, nang dumalaw sa isip niya ang mukha ng binatang sinampal niya ng malakas nagdaang-gabi. Napailing-iling siya ng maalala ito, matapos muling nagpaalam sa kapatid tumuloy na sila nang kaibigang si Lanie puntang Villa sa venue na 'di niya alam kung tungkol saan ang pagtitipong magaganap. Umaasa nalang siya na magiging maayos ang lahat. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD